"Mabuti na lang hija pumayag ka sa paunlak namin, kung hindi baka walang bisita ang baby namin." Ang mahinhin na boses ni Mrs. Villanueva ang bumasag sa kalagitnaan ng aming kainan."Mommy naman, I'm not a baby anymore." Maktol naman ni Patty.
"Shut up! You're still our baby, kahit tumanda ka pa."
"Wala po iyon ma'am." Tanging nasabi ko.
"By the way iha, just call me Tita Pen ha. Masyado kang formal." Her smile makes me feel calm a little bit.
Bigla ako nakaramdam ng hiya dahil lahat sila nakangiting nakatingin sa akin. Ngayon ko lang din napansin na wala pala ang kuya ni Patty, siguro umattend muna sa graduation ni Patty bago umalis, kasama nila kanina 'yon e.
Sana gano'n rin ginawa nina mama at papa. Pumunta muna sa graduation bago sa trabaho.
Lihim akong bumuntong-hininga dahil inisip ko na naman sila.
I really thought they have visitors, like, their business partners, Patty's close friends even Ate Paula's friends. But I didn't see any one. Ako lang talaga ang bisita nila.
Lima lang kami ang nasa hapag ngayon, ako, si Patty, Ate Paula at ang mga parents nila. Hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng pagkailang. Hindi naman nila ako kaano-ano pero nandito ako at kumakain kasabay nila.
Simple lamang ang pamilyang mayroon si Patty. Kahit na ubod sila ng yaman mas pinili nilang mag-celebrate dito sa bahay nila kaysa sa mga magagarang restaurants na kadalasan ginagawa ng mga mayayaman.
"Nasaan nga pala ang parents mo iha? Bakit mag-isa ka lang kanina?" Kunot-noo na tanong ng daddy ni Patty.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa tanong na iyon. Una sa lahat, wala akong alam kung nasaan nga ba sila. Dahil lagi lang naman nila sinasabi sa'kin ay trabaho.
Trabaho, trabaho, trabaho. Puro na lang trabaho, nakakarindi na. Gusto ko magalit at magtampo sa kanila, pero kahit pagbaliktarin ko man ang mundo ay wala na akong magagawa kundi tanggapin na lang. Marahil nga importante talaga 'yon kaya hindi sila nakadalo.
"Nasa probinsya po sila." Bahagya akong ngumiti sa takot na mahalata nila ang lungkot sa mga mata ko.
Salamat sa bangs. Ang tanging nagsisilbing harang sa aking mga mata. Napansin ko ang pagkunot ng mga noo nila sa naging sagot ko. Ngunit kalaunan lang ay nawala na ito.
"Hindi man lang sila umuwi ngayong graduation mo?" Taas kilay na tanong ni Ate Paula, kasabay nito ang pagtango ni Patty na nasa tabi ko lamang.
Naibaba ko ang aking kaliwang kamay at ipinatong ito sa aking mga hita.
"Nagkaroon po kasi ng problema ang negosyo nila roon, kaya hindi po sila nakauwi." Dahilan ko na lang. "Pero nakipag-video call naman po sila sa akin kagabi." Dagdag ko pa habang hinihimas-himas ang aking mga hita dulot ng kaba.
Lord, patawarin mo po ako dahil nagsinungaling ako sa kanila. Ayoko lang naman po kasi na kaawaan nila ako.
"Mabuti naman kung gano'n hija at nagkausap muna kayo ng parents mo bago ka umakyat ng stage." Tumatangong saad ng daddy ni Patty.
"If we are your parents hija, we will be very proud of you. Because why not? Actually, sobrang tuwa ko nga sa'yo kanina. Ang dami mong nakuhang medalya. Akala ko nga maghahakot awards ka e." Si Tita Pen habang nakangiti ng malaki. Bigla akong nahiya sa huling sinabi nito.
BINABASA MO ANG
GETTING ME OUT (Ongoing)
ChickLitWhat's your ideal for life? Is it having a perfect family and friendship? Or having a relationship for someone you loved? Everything is fine. Not untill. A darkness night came to Illie's life... Ang mga taong akala niya ay kaagapay at kakampi niya s...