SIMULA

20 0 0
                                    


Kadiliman ang tanging bumungad sa akin pagdilat ko pa lamang ng aking mga mata.

Sinubukan kong igalaw ang aking katawan, ngunit hindi ko magawang igalaw man lang ng kaunti ang aking katawan. Dahil para ba'ng may mabigat na nakadagan sa akin. Sobrang bigat...na gugustuhin ko na lamang lumubog sa kinahihigaan ko.

Ilang minuto pa ako nakatitig sa kawalan at tanging tunog lamang ng mga kuliglig sa labas ang aking naririnig. Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga nang may mapagtanto.

Tamad na tumayo ako mula sa pagkakapahiga nang medyo gumaan-gaan na ang aking pakiramdam, at mabagal na nagtungo sa harapan ng hindi kalakihang laki ng tukador.

Walang bakas na ngiti at tila'y pagod na mga mata ang aking nakita sa harap ng salamin. Dahan-dahan dumako ang mga mata ko sa aking kaliwang pulso, at roon nakita ko ang bakas na ginawa ko kagabi.

This isn't new to me. I've been like this for years.

Napahawak ako sa aking kaliwang pulso at saka ito mariin tiningnan sa repleksiyon ng salamin. Diniinan ko ito. Unti-unting lumuwag ang aking pagkakahawak rito at dahan-dahan binitiwan nang makaramdam ako ng pamamasa sa bahagi nito.

Ilang minuto pa ang lumipas nang magpasya na ako gumayak para pumasok sa school.

"Ma." Kaagad na bati ko kay mama nang makita ko siyang naghahain ng almusal sa lamesa

"Si Papa?" I asked nang makita kong bakante na naman ang dapat na puwesto niya.

"Maagang umalis ang Papa mo nak." Ngumiti ako ng malaki at umupo na.

"Si Papa talaga masyadong masipag." nakangiti kong sabi habang kumukuha ng scramble egg at hotdog saka ito maingat na inilagay sa plato.

"Hindi na tuloy tayo sabay-sabay kumain." dagdag ko pa.

"Hayaan mo na nak, para din naman sa atin iyon, anak." Napatigil ako sa pag-nguya at tiningnan si mama na kanina pa nakangiti sa phone, ngumiti ako ng mapait nang may maalala

"Papasok napo ako Ma." Nakangiting paalam ko. Hinalikan ko muna sa pisngi si Mama saka ako nagpaalam.

Huminga ako ng malalim ng makalabas na ako ng bahay. Ang kaninang nakapaskil na ngiti sa aking mga labi ay wala na ngayon. Walang expression, madilim, hanggang kailan? Hanggang kailan ba ako ganito? Dalawang taon na rin mula nang marinig ko ang mga salitang iyon galing mismo kay Papa. Mga salitang nagpabago sa pamilyang mayroon ako. Mga salitang nagpapagabag sa isipan ko hanggang ngayon.

Dalawang taon na rin akong nagpapanggap na masaya, na okay lang ang lahat. Pero hindi. Hindi ako masaya!  Hindi ako okay. At kahit kailan hindi ako magiging okay.

___

"Hala! Anong meron?"

'yan din ang gusto ko itanong. Ngunit pinili ko na lang manahimik.

"Sa tingin mo Illie... ano kayang meron." Bumaling ako kay Missy na kanina pa nagsasalita.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bigla na lamang kasi nagsipag-retouch ang mga babae at binabae rito sa cafeteria.

Sa pagkakaalam ko cafeteria ito at hindi parlor. Bakit sila mga nagsisispanik na magpaganda? Ano ba'ng mayroon?

Kami na lang yata ni Missy ang normal dito.

"Malay ko." Kibit-balikat kong sagot at pinagpatuloy na ulit ang pag-kain.

Hindi ko na pinansin si Missy na pinag-ikutan ako ng mata, malay ko ba sa nangyayari ngayon dito.

"Pssst! Gurl! Anong meron?"

Napatingin ako kay Missy dahil sa ginawa nitong pagtawag sa di namin kakilala, sa tingin ko ay ka-same year lang din namin, iba nga lang ang strand. Napailing na lang ako dahil umaandar na naman ang pagiging tsismosa niya. Si Missy kasi yung tipong hindi titigil hangga't hindi niya nalalaman yung nangyayari sa paligid.

"Nasa gym kasi ngayon ang mga college students." Tila kinikilig na sabi nung babae na abot tenga ang ngiti.

Ngumiwi ako dahil sa reaction ng babae, siguro kung close lang kami nito malamang nabatukan ko na ito.

"Ang oa naman." Sambit ko pagkaalis no'ng babae.

"O, anong nangyari sayo?" I asked.

Napansin kong tila hindi mapakali si Missy at tila ba'y may hinahanap, nilabas niya ang mga laman ng bag niya, dahilan para muntik na malaglag ang iniinom kong Zesto na nasa table namin dahil sa biglaan niyang paglabas ng mga gamit.

Malaglag na lahat huwag lang ang paborito kong Zesto.

Mula elementary ako paborito ko na talaga ito, kahit ngayon na Grade 12 na ako ay paborito ko pa rin. Minsan sinasabihan ako ni Missy na isip-bata, hindi ko na lang pinapansin. Bakit ko naman ikakahiya ang tanging nagpapasaya sa akin.

"Ano ba naman yan! Naiwan ko pa talaga."

Nagtatakang tiningnan ko si Missy sa biglaan niyang pagsigaw, mabuti na lamang mga walang pakialam ang mga tao rito, dahil busy sa pagpapaganda.

"Anong naiwan mo?" Tanong ko.

Hindi ko mapigilan na hindi makaramdam ng kaba, dahil baka naiwan niya ang project namin sa Empowerment. Kung sakali man, malalagot talaga kaming dalawa kay Sir Catalutan.

"Naiwan ko Liptint ko." Nakabusangot niyang sabi.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Walang hiyang Missy ito! akala ko pa naman kung ano, liptint lang pala. At mukhang alam ko na kung bakit inis na inis si Missy, malamang isa rin siya sa mga humahanga sa mga college students na pinag-uusapan kanina pa dito sa cafeteria.

Ako lang pala ang normal dito

GETTING ME OUT (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon