The days have passed quickly. At sa mga araw na iyon ay hindi man lang nagparamdam sa akin sila mama at papa. Even a message or call I did not even receive from them, one of them did not really care to contact me.
Within a month I've trained myself to be independent.
Mahirap...
Pero kailangan kong gawin 'yon, dahil alam ko ako ang magiging kawawa kapag hindi ko ginawa 'yon."
Ngunit sa loob rin ng isang buwan na iyon ay ramdam ko rin ang unti-unting pagbabago kay Missy. Lagi na lang siya wala sa mood. Hindi na rin kami masyadong nagsasabay sa uwian, kung hindi naman sa mga rason na binibigay niya sa akin, madalas naman siyang nauuna sa akin. Lagi na lang siya nagmamadali, para bang iniiwasan niya ako makasama.
Hindi man sabihin ni Missy kung bakit s'ya nagkakaganun. Alam kong may mabigat siyang problemang dinadala. Wala nga lang ako ideya kung ano 'yon.
Kaya walang araw na hindi ko kinakamusta si Missy. Kahit hindi s'ya madalas nagrereply ay ayos lang. Maiparamdam ko lamang sa kanya na nandito ako.
Hindi ako magsasawang iparamdam sa kanya na nandito lang ako, hindi lang bilang isang kaibigan niya, kundi bilang isang kapatid na rin. Kahit naman hindi kami magkadugo ni Missy ay parang kapatid na din ang turingan namin sa isa't-isa.
Namimiss ko na si Missy. Namimiss ko na ang dating s'ya.
Masayahin
Madaldal
At higit sa lahat...
Baliw.
Tatlong araw na hindi pumapasok si Missy, nag-aalala na ako.
Tumingala ako sa langit saka bumuntong-hininga. Gabi na rin kaya ang ganda pagmasdan ng mga bituin, lahat sila nagnining-ning.
What does it feel like to be a star?
Minsan iniisip ko kung masaya ba ang maging isang star, kung payapa ba, o malaya ba. Sa totoo lang... Lagi ko hinihiling na sana... Bumalik na lang ako sa dati.
Yung bang puro saya lang. Yung dati na puro laro lang ang iniisip ko, at higit sa lahat yung dati na wala pa akong pinoproblema, dahil ang tanging problema ko lang naman noon ay ang pambili ko ng paper doll.
Ngayon ko lang napagtanto na mas masarap pala ang maging bata na lang.
Tiningnan ko ang aking cellphone na nasa ibabaw ng hita ko, sa pagbabakasakali na mayroon man lang mensahe.
I smiled bitterly.
Tatlong tao lang naman ang inaasahan ko na magt-text sa akin. Ngunit kahit isa sa kanila ay hindi man lang nag-text.
I bit my lips at nagsimula na magtipa ng mensahe.
To: Mama
Ma, kailan po kayo uuwi? Malapit napo ang graduation ko :)To: Papa
Papa malapit napo ba kayo umuwi? Malapit napo ang graduation ko, sana po makauwi na kayo.To: Missy
Missy pumasok kana, may activity tayo bukas sa entrepreneur.Bumuntong-hininga ako nang matapos ko maitipa ang mga messages ko sa kanila, at nilibot ang paningin sa kabuuan ng park. Ngayon ko lang napansin na kaunti na lang pala ang mga taong nakatambay dito saka pumapasyal. Sabagay, gabi na din.
Dumako ang tingin ko sa mga couple na sweet sa isa't-isa. Hindi ko mapigilan ang 'di ngumiti dahil bakas ang saya sa mga mukha nila. Napadako naman ang mga mata ko sa isang grupo na maingay hindi kalayuan sa kinapupwestuhan ko. Bakas din sa mga mukha nila ang kasiyahan habang nagku-kwentuhan. May iilan pa rin na mga bata na naglalaro dito sa park at iilan ding mga pamilya. Nagtagal ang tingin ko sa isang pamilya na masayang nagku-kwentuhan, halatang nagkakasiyahan sila dahil sa lakas ng kanilang tawanan.
BINABASA MO ANG
GETTING ME OUT (Ongoing)
ChickLitWhat's your ideal for life? Is it having a perfect family and friendship? Or having a relationship for someone you loved? Everything is fine. Not untill. A darkness night came to Illie's life... Ang mga taong akala niya ay kaagapay at kakampi niya s...