CHAPTER 1

14 0 0
                                    

"Okay Class, dismiss." Huminga ako ng malalim at nag-inat ng ilang segundo.



Sa totoo lang.. hindi ko masyado naintindihan ang lesson ni Sir Catalutan. Kanina pa kasi ako kinakausap ni Missy, hindi na siya matigil sa kakasalita at tila ba ay nanalo sa lotto si Missy, dahil sa abot tainga niyang ngiti. Mabuti na lamang hindi kami napapansin ni Sir. Catalutan dahil sa bandang dulo kami nakapuwesto.



"Yes naman. P.E time na." napailing na lang ako sa lakas ng boses niya.




If I knew, tuwang-tuwa 'yan kasi makikita na naman niya ang mga crush niya sa gymnasium. Usap-usapan kasi sa Cafeteria kanina na naroon iyong mga college students. Ewan ko ba kay Missy, type na type iyong mas matanda sa kaniya ng maraming taon.




"Oh. Ba't hindi kapa nagpapalit?" napalingon ako kay Missy na nakapag-palit na ng P.E Uniform.




Napansin ko na ako na lang pala ang hindi pa nagpapalit. Nandito kami sa locker ngayon dahil P.E time na namin, at kailangan namin magpalit ng P.E uniform.




Nilagpasan ko na lang si Missy and I went to the cubicle. I also ignored their gaze, that they gave to me. Hindi ko din naman sila masisisi, pare-prehas naman kaming mga babae, tapos hindi pa ako sumabay sa kanila magbihis.




I know they've think that I'm weird. Pero wala na akong pakialam ro'n.



"Hoy!"




Maka-hoy parang wala akong pangalan.




I ignored her and continued to ribbon my shoelace. We're here at the Gym and later on we will start playing.



"Bakit ba lagi kang may ganyan tuwing P.E time natin?" Napatigil ako sa pagsintas at nilingon si Missy.




Sa tagal ko nang may panyo sa pulso ngayon lang siya nagtanong. I held my left wrist then I grin to her.




"Design ko ito. You know para astig."




"Nye Nye, ang dami mong alam." Labi niya at inabala na ang sarili sa pagkalkal sa dala dala na purse bag. Napa-iling na lang ako kay Missy dahil nagsimula na siya mag-make up.





Minsan talaga hindi ko maintindihan si Missy, alam naman niyang maglalaro kami ng basketball ngayon, tapos magme-make up pa siya. Mahuhulas din naman iyan dahil sa pawis mamaya.




Napailing na lamang ako dito sa gilid.




Umupo ako sa tabi ni Missy na hindi na yata matitigil sa kakadaldal, mamaya pa kasi kami magsisimula dahil wala pa si Ma'am Danoy, kaya yung iba namin classmates ay mga naghaharutan pa, yung iba naman ay nasa cafeteria at yung iba as usual mga nagpapaganda at kabilang na si Missy roon.




"OH MY GOSH!"



Napapitlag ako sa lakas ng tili nila Missy, lalo na at katabi ko pa siya!




"Anong meron?" I asked our President Patty, na siyang katabi ko sa kanan.




I move a little bit because they're already hit me, even Missy.




"Dahil sa kanila." Nginuso niya ang entrance kaya napatingin ako roon.




"Sila kuya Tyron iyan, yung dalawa diyan kaibigan niya, sila Kuya Bryan at Kuya Clyde."




"Bakit kilala mo?"




"Lagi silang invited sa bahay kapag may party si Ate Paula e."




I've been to Patty's house once. When we've been groupmates to our major subject. At doon ko rin nakilala si Ate Paula, mabait naman may pagkamaarte nga lang.




"Diba mga college na sila? What are they doing here?" Takang tanong ko.




"You don't know? Sila ang magtuturo sa atin ng basketball. I thought alam mo na, usap-usapan kasi sila kanina pa sa cafeteria. In fact, kanina pa sila dito." And she smiled.



"H.E!"




Ang kaninang maingay ay natahimik nang sumigaw si Ma'am Danoy, kasabay niya dumating ang mga college students.




"Listen to me now class, today you will play basketball, no ifs no buts!"




"E. Ma'am Danoy, babae po kami lahat." Missy




"Exactly!" She clapped her hands habang papunta sa puwesto namin.




"Kaya nandito ang mga varsity players ng ating school ay dahil sila ang magtuturo sa inyo." Nakangiti siyang humarap sa mga varsity players.




"Ok, boys, kayo na bahala sa mga alaga ko." Tinapik pa niya isa-isa ang mga balikat nila.




Silence...




Yan ang namamayani ngayon sa loob ng gymnasium. Nakatingin lang silang lima sa amin na para bang tinatantya ang bawat isa sa amin.




"Putangina Illie, nakakalaglag panty naman mga tingin nila." Napailing ako sa sinabi ni Missy.




"Sana ayos ka lang." nakangiwi kong sabi.




Paano ko ba naging kaibigan ito? Sobrang layo ng personality namin sa isa't-isa, she's very explicit, and at the same time very talkative for a woman. Samantalang ako ay napaka tahimik, magsasalita lang ako kung may tinatanong sila, minsan nasasabihan akong weirdo o killjoy. I just ignored them, because there's nothing will change kahit ano pa sabihin nila.





"Ehem!"




"Pota! Pati ubo ang hot , aray naman!" Kinurot ko nga kung ano-ano kasi pinagsasabi.




"Since kilala niyo na kami, magpapakilala pa din kami."




"I'm Tyron, the captain."



"Clyde."



"Bryan."



"Liam."



"Arthur."



"Since lahat kayo ay babae, we will teach you first the shooting." Sabi nung Clyde and he dribbled the ball. Actually, they are all holding a ball.




"So, ang mangyayari is, 1 v 1, it means isa-isa kayo magsho-shoot." Liam said.




"How many are you all btw?" Bryan asked.




"Twenty five po kami lahat."



Si Patty ang sumagot, siya kasi ang nasa unahan, wala din naman ibang sasagot kundi siya lang. Ang iba ko namang kaklase kasama na si Missy ay busy magpantasya sa mga nasa harapan namin.




"Okay, we need five membes, pili na lang kayo sa amin." Arthur said, then he smiled widely.



Kaya lalo silang nagtilian pati na din si Missy, na lalo kong ikinasimangot dahil natatamaan na naman nila ako.



Pupunta na sana ako sa direksyon nung Arthur nang hilain ako ni Missy papunta sa kung saan.




"Dito tayo bilis."




The game has already begun at ang team no'ng Liam ang unang sumabak. Ang team naman namin ni Missy ang huling maglalaro, at ang magtuturo naman sa amin ay yung Tyron. Dito ako hinila ni Missy sa puwesto no'ng Tyron. At ang team din namin ang maingay. Ako nga lang ang tahimik sa team e.!




Mukha namang walang pakealam yung Tyron sa paligid niya, hindi niya nga pinapansin sila Missy na kanina pa siya dinadaldal. I just laughed sa pinaggagawa ni Missy, she's obviously flirting with him.




"Hmmm. Ilang taon kana Tyron?"



Ngumiwi ako, ang pabebe naman magsalita ni Missy. Nasa second row kasi ako kaya naririnig ko ang mga pinagsasabi ni Missy.




"I'm twenty, and please call me Kuya. I'm older than you, you know."




Missy looked at me nang mapansin niyang napatakip ako sa aking bibig. I smirk at her kaya pinandilatan niya ako ng mata.




A few more minutes passed and finally it's our turn. Si Missy ang unang sumalang kaya tuwang-tuwa siya. The whole gym was filled with a loud laughter because of Missy. Hindi man lang kasi siya naka score, tinukso tuloy siya ng mga kaklase naming lalaki na nanunuod lamang habang mga nakaupo sa bakanteng bleachers.



"Your turn." thank goodness! Agad kong nasalo ang bola, kung hindi, baka natamaan na ang dibdib ko. Ang lalaking ito!



Sinamaan ko ito ng tingin na sinuklian niya lang ng ngisi at nginuso ang center ng court, without any reaction I went to the center at hindi na siya pinansin. Nakakatatlo na ako ng shoot nang may maramdaman ako sa likod ko.




"Tsk, hindi ganyan ang tamang posisyon kapag nags-shoot ng bola." Naramdaman kong pumuwesto siya sa aking gilid.



"Look at me." napipilitang tumingin ako sa kaniya na sinalubong naman niya ng malalamig na tingin, so I'm a bit nervous tho.




"You should do this, not the one you did earlier." He position himself while looking at me.




Nanatili lang ang aking tingin sa kanyang mga kilos, ramdam ko ang mga tingin ng aking mga kaklase sa hindi ko malaman na dahilan. Binalewala ko na lamang ito at nagfocus sa itinuturo sa akin nung Tyron. Tumingin siya sa akin pagkatapos pumasok ang bola.




Yabang!



"Basic, isn't?"


Kaagad kong sinalo muli ang bola nang ihagis niya ulit ito sa akin. Ginaya ko ang ginawa niya at tumingin sa kaniya para ipaalam kung tama ang aking ginagawa. Nakita kong tumango siya at lumakad na pabalik sa likuran ko. Bumuntong-hininga ako nang mapansin ko na halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin o sa kaniya. Kahit ang mga kaklase kong mga lalaki na naghaharutan kanina ay tila naging mababait na tupa habang nakatingin sa akin. Napailing na lang ako sa mga tingin na binibigay nila sa akin. Alam ko kung ano na tumatakbo sa isip ng mga ito. Hindi ako ignorante.




Imposibleng hindi ako maissue nito mamaya.

GETTING ME OUT (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon