CHAPTER 11

4 0 0
                                    

"Missy matagal pa ba?"

"Heto na, wait lang."


Napairap ako sa kawalan saka sumulyap sa suot na relo. Twenty minutes pa before magsimula ang aking klase. Sinabi ko pa naman sa sarili na dapat ako ang mauna sa room, pero mukhang mauudlot pa yata iyon.


Ang epal ni Missy e! Bigla na lang ako dinala rito sa pathwalk sa hindi ko malaman na dahilan.


"Para saan ba iyan binabalot mo? Project mo ba 'yan?" Puno ng kuryusidad na tanong ko.


Kanina pa ako nagtataka kung para saan ba yung binabalot nito at masyado siyang seryoso sa pagbabalot ng isang maliit na box. Kasinglaki ng box ng mga relo. Nakangiting nilingon ako ni Missy at sinambit ang mga salitang paulit-ulit ko na yata narinig sa kan'ya.


"Well... Para lang naman 'to sa future asawa ko." She winked at me.


Inikutan ko na lamang ito ng mata dahilan para tumawa siya ng malakas.


Hindi kami magkaklase ni Missy, ngunit may mga subject kami na parehas. Kaya may pagkakataon rin kami na nagiging magkaklase sa ibang minor subject. Business Ad ang kinuha ni Missy, habang ako ay Architecture ang kinuha. Although, Home Ecoomics ang strand ko noon tinuloy ko pa rin kumuha ng Architecture kahit wala pa akong masyadong alam sa kurso na ito.


Alam kong hindi madali ang kursong Architecture pero noon 'yon.

Noong una taon ko ng college kasi parang nagkakainteres ako sa pagdedesign. Especially, when it comes sa mga building and sa mga barko. Even if culinary ang kurso ko noon ay nagswitch ako ng course sa kalagitnaan ng second sem, from culinary to architecture.


Mahirap noong una, syempre. Hindi naman madali ang maging isang college student. Lalo na kung wala kang kaagapay dito Pero dahil gusto ko naman yung ginagawa ko parang sisiw na lang rin sa akin ito.

Para sa akin wala namang madali, lahat pinaghihirapan talaga.

Kagaya ngayon.


Nakaya kong magpatuloy sa pag-aaral. Even if wala sa aking tabi ang dalawang taong inaasahan ko na gagabay sa akin.


In recent years, months and days. Mabibilang ko lang yata sa aking mga daliri ang paminsang-minsan na pagcontact sa'kin nina Mama at Papa, dahilan na kinasanayan ko na rin.


Sobrang sanay na sanay na..

Third year college na ako at kulang-kulang isang taon na lamang ang aking kailangan upang makatapos. At kapag nangyari iyon, maaari na rin akong makahanap ng magandang trabaho na related sa tinatahak ko ngayon.


Natuto na ako.


Ayoko umasa na lang palagi sa mga pinapadala ng mga magulang ko. Especially, when it comes to financial.


Every end of month ay lagi ako nakakatanggap ng mga padala, kung hind pera mga materyal na bagay na hindi ko naman kailangan. Tulad na lang ng cockail dress na pinadala nila sa akin last month lang. Sobrang wasted lang. wala naman akong paggagamitan nito at hindi ako mahilig sa mga ganitong style ng dress.


Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila ako padalhan ng mga ganito. kung pwede naman sila umuwi. Nagagawa nila magpadala ng kung ano-ano pero ang uwian ako... never nila ginawa. Kahit sandali lang.


May pagkakataon na hindi ko maiwasan isipin kung naaalala pa kaya nila ako. Naalala pa kaya nila na may anak silang iniwan dahil sa mga trabahong ginagawa nila. O naaalala pa kaya nila na may anak silang nag-aantay gabi-gabi sa kanilang pag-uwi?


GETTING ME OUT (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon