Itim na kisame ang bumungad sa akin pagdilat ko pa lamang ng aking mga mata.
"Nasaan ako?" Takang bulong ko sa sarili.
Iginala ko ang mga mata sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan ko ngayon. Sobrang laki ng kwartong ito! Paano ako napunta dito? Anong ginagawa ko dito?
Napakalinis tingnan. Wala man lang ni isang alikabok o agiw akong nakikita. Black and white ang theme ng kwarto at may isang sofa bed na nakaharap sa malaking Flat screen TV. Mayroon din study table na nakapuwesto sa aking bandang kaliwa habang sa kanan ko naman ay may isa pang pintuan katabi ng mga gabinete.Puro black ang cabinet ng kwartong 'to. Sa tingin ko lalake ang nagmamay-ari ng kwartong ito.
My eyes suddenly became big when I realize something.
A guy?
I hurriedly removed the blanket that placed on me and I immediately looked at my whole body.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong walang nagbago sa aking suot. Ito pa rin ang suot ko nang mawalan ako ng malay, I still wear my uniform.
Ang huling naaalala ko ay hinahabol ko si papa. Teka, si papa? Oo nga pala, Anong ginagawa ni papa ro'n? At saka, sino ang mga kasama niya?
Para silang isang masayang pamilya...
I stood out of bed and immediately searched my bagpack. Nagmamadali kong tinungo ang study table nang makita kong nakapatong roon ang aking bag.
Hindi pa ako nakakalapit tuluyan sa pinto nang unti-unti na ito magbukas. Napatigil ang aking mga paa sa paghakbang at hinigpitan ang paghawak sa bag.
Unti-unting umawang ang aking labi at wala sa sariling napaatras nang makilala ko ang pamilyar na mukha.
"Gising ka na pala." He said in husky voice. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" He asked.
Napaatras ako ulit nang mas lumapit siya sa akin. Bumuntong-hininga siya at nilapag ang tray na hawak niya na ngayon ko lang nakita na bitbit niya pala. He looked at me then stared at my whole body, kaya hindi ko maiwasan 'di makaramdam ng pagkailang dahil sa klase ng tingin na binibigay niya. Napansin ko ang pagtagis ng kaniyang mga panga kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin.
I quickly blocked my chest through my bag when I saw him gazing my chest. Alam kong nakita niya ang ginawa ko kaya agad siyang umiwas ng tingin. Pero ilang segundo lang ay tumingin ulit siya sa akin.
"I'm sorry... Nabangga kita at nawalan ka ng malay. Kaya dinala na lang muna kita dito sa bahay ko." Paliwanag niya
Bakit hindi mo ako sa ospital dinala? Gusto ko sana sabihin pero pinangunahan ako ng hiya, at kaba?
"Hindi na kita dinala sa ospital dahil masyado pang malayo, kaya diniretso na lang kita dito." He licked his lips.
Teka, nakakabasa ba 'to ng isip?
Hindi pa rin ako umiimik at nanatili lamang na nakatitig sa kaniya. Hindi ko maipagkakaila na maganda ang tindig ng kaniyang pangangatawan. Para siyang isang modelo kung titingnan. From his hair quiff cut, his tan skin that makes him more manly. At sa height niyang 6 Ft, hanggang dibdib niya lamang ako. Dumako ang aking mga mata sa kanyang braso na lalong tumikas dahil nakapameywang siya habang nakaharap sa akin. I noticed he had a tattoo on his left arm na nakadagdag sa appeal niya.
"Ehem!"
Napakurap-kurap ako at nahihiyang nag-angat ng tingin sa kanya. His eyes gleamed a bit. Nakita kong may nagbabadyang ngiti sa kaniyang mga labi kaya lalo ako nakaramdam ng hiya.
BINABASA MO ANG
GETTING ME OUT (Ongoing)
ChickLitWhat's your ideal for life? Is it having a perfect family and friendship? Or having a relationship for someone you loved? Everything is fine. Not untill. A darkness night came to Illie's life... Ang mga taong akala niya ay kaagapay at kakampi niya s...