CHAPTER 4

9 0 0
                                    

I can't sleep...



Kanina pa ako pabaling-baling dito sa kama pero kahit anong gawin kong likot o galaw. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.



Muli ako napabalikwas nang maalala ko na naman ang kahihiyan na nangyari sa akin kanina sa convenient store.


"Nakakahiya talaga." Napapasabunot kong sabi.



It's 2 am already, pero gising na gising pa rin ang aking diwa. Tumayo ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Baka sakali kasing mahimasmasan ako.



Ilang minuto pa ako nakipagtitigan sa harap ng salamin nang mapansin ko na naman ang aking kaliwang pulso. Napahaplos ako rito saka ito hinawakan ng mariin.



"Gumagaling kana pala." I whispered. Inabot ko ang gunting na nasa gilid at sandaling tinitigan ito.


"Ikaw na naman ang kasama ko." Mapait kong sabi. Walang pakundangan kong itinapat ang dulo ng gunting sa aking kaliwang pulso. Tila ako'y nabunutan ng tinik sa katawan nang dumaplis na ito sa aking balat at napipikit na lamang sa ginhawang dulot nito sa buong katawan ko.

___

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng biglaang kirot dito.


Pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. Arrrgh... Ang sakit. Mama... Papa...


"Aray." Daing ko nang maipit ko ang kaliwang pulso ko.


I sighed heavily when I realized na ako lang pala ang nandito sa bahay. I don't have a choice kundi ang tumayo na maghanda na sa pagpasok sa school. Medyo masakit pa rin ang ulo ko, kaya dahan-dahan lang aking ginawang paglakad.

___

Twenty minutes pa bago magsimula ang klase nang dumating ako sa school. Papasok na sana ako nang mapansin ko ang familiar na kotse sa tawid.



Kamukha ng kotse kahapon sa convenient store.



Hindi kaya isa siyang teacher dito? Hindi muna ako pumasok at hinintay lumabas ang sakay nito. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nasa loob.



Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng pagkadismaya, nang makita ko kung sino iyon.



Si Tyron... Yung crush ni Missy.



Laglag balikat ako tumalikod saka pumasok na sa gate ng school.


Naglalakad ako ngayon sa hallway habang ka-text si Missy. Hindi daw kasi makakapasok si Ma'am Entrepreneur, at hindi ko alam kung bakit. Wala naman sinabi si Missy. Huminto ako sandali para i-text muli si Missy kung nasaan siya.


To Missy:

Uy Missy nasaan k


Oh shit! May bumangga sa akin. Napapikit ako at hinintay ang pagbagsak ko sa sahig.


"Hey! I'm sorry." Bakas ang pagkabigla sa boses nito.


Kaagad kong idinilat ang aking mga mata nang mapagtanto na nakatayo pa rin ako.



"Hey! Are you okay? I'm sorry again."



Napababa ako ng tingin nang makaramdam ako ng mabigat sa bandang tiyan ko. Mabilis din akong lumayo, nang marealized ko ang nakakailang na posisyon namin ng taong may hawak sa akin. Nasa tiyan ko kasi ang braso niya kanina. Humarap ako at si Tyron ang sumalubong sa akin.



"Sorry. I don't know na hihinto ka." Bakas ang pag-alala sa mga mata niya.


"Okay lang, kasalanan ko din naman." Ngiti ko. He nod while smiling.


"By the way. Kamusta na pala ang kaibigan mo? Is she okay?" He asked.

"Yup, okay na siya." Pwet lang naman kasi ang masakit sa kaniya. Gusto ko sana idugtong.

"Hmmm... That's good." He smiled.


"Sige mauna na ako." Paalam ko at tumalikod na. Pero hindi pa ako nakakailang hakbang nang maramdaman ko ang mahigpit na hawak sa aking pulso.


"Wait."


Napapikit ako dahil ang kaliwang pulso ko ang nahawakan niya. Hindi ko mapigilan 'di mapangiwi sa kirot na dulot nito. Inayos ko ang reaksiyon ko nang maramdaman kong papunta siya sa aking harap.


"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa kamay niya na nakahawak pa rin sa pulso ko. Bumitaw naman siya kaagad, na ikinahinga ko ng maluwag dahil sobrang sakit talaga.



"Can I know your name?" Nagtatakang nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya.



Biglaan ata? Anong tinira nito?


"Illie." Kahit nagtataka ay sinagot ko pa din. Nakangiting tumango siya at naglahad ng kamay sa akin.



"I'm C-"


"Kilala na kita, ikaw si Tyron di ba?" Putol ko sa sasabihin niya.


"Yeah, but you can call me Cian."



"ILLIESHIA COLEEN!"

Isang matinis na boses ang pumainlang. Kumunot ang aking noo sa sumigaw ng buong pangalan ko. Lumingon ako sa likod ko kung saan nanggaling ang sigaw. I rolled my eyes when I saw Missy na tumatakbo.



"Uy!... Illie k-kanina pa kita h-hinihintay." Hinihingal na sabi ni Missy na nakahawak pa sa mga tuhod niya.



"Natrapik a-"



"Hi, nandito ka pala."


Gusto ko sana sabihing natrapik ako sa hallway, kaso hindi ko na natuloy. Napairap na lamang ako dito sa gilid dahil sa ginawa niyang pagtulak sa akin.


"Yes, pero paalis na rin ako." He said. I just smile at him nang magpaalam na siya.



Iniwan ko na si Missy na nakatulala na habang nakangiti ng malapad. Kinikilig na naman siguro 'to.

___

"Missy paabot ako ng yellow pad." Sabi ko. Since wala kaming klase ngayon dahil may meeting ang mga SHS Teachers. Nandito kami ngayon ni Missy sa library. Konti lang din kasi ang tao dito kaya naisipan namin ni Missy dito na lang tumambay.


"Missy! Yung yellow pad paabot." Ulit ko dahil baka hindi narinig.

"Oh!" Padabog niyang bigay.

"Problema mo? Nakasimangot ka diyan." Takang tanong ko.

"Wala!" Wala daw pero makatirik ng mata wagas. I took my ballpen saka ito itinutok sa kaniya.


"Ikaw ah! Tinotopak ka na naman, ano bang problema mo?" Nakasimangot na tumingin siya sa akin at pumadyak na parang bata.



"Nakakainis ka kasi e! Nakakadalawa kana!" Maktol niya. Ano bang sinasabi nito 'di ko maintindihan.


"Anong dalawang pinagsasabi mo diyan Missy?" Taas kilay kong tanong. I rolled my eyes nung ngumuso siya.


"Nakakahalata na ako sayo ah! Noong una sa gym ta's ngayon sa hallway pa!" Nangangalaiti niyang sabi.


Bumuntong-hininga ako nang ma-gets ko ang pinuputok ng butsi niya. Tsk, si Tyron...



"Sinasabi mo bang malandi ako?" Timpi kong tanong.



"Uh, slight." Tawa niya na pinaglapit pa ang dalawa niyang hinliliit. Pumunit ako sa yellow pad ko at ibinato iyon sa kaniya.

___

"Paano iyan? Three days lang binigay sa atin para matapos itong project." Nag-aalalang sabi ni Patty. May project kasi na binigay sa amin si Ma'am Sheeny. Ang adviser namin sa major subject na food and beverage.


"Let's start tommorow na." Maarteng sabi ni Aira na ka-grupo namin.


Medyo mahirap kasi ang napunta sa amin na task. At sa tingin ko hindi kakayanin ng tatlong araw lamang. Nagkaroon ng bunutan kanina ang mga leader ng grupo, at ang napunta sa amin ay Acting. Iyon pa naman ang pinaka ayaw ko na gawain.



"Kaninong bahay tayo bukas?" I asked. We're seven in the group. Patty, Rome, Lisa, Jayjay, Aira, Echo and me. Knowing Echo and Aira sila Ang pinaka maloko sa room namin, kaya malabo talaga ang three days.


"Sa inyo na lang kaya Illie ghorl." Maarteng sabi ni Echo, and yes he's gay.


Umiling ako, not because I don't want to. Wala naman kasi akong mapapakain sa kanila. Knowing Aira and Echo again maarte sila sa mga pagkain, anak mayaman kasi.


"Nandoon parents ko e." Dahilan ko na lang, tutal alam naman nilang strict ang parents ko.



We're already decided na sa bahay na lang nila Patty kami gumawa ng video. Bukod sa malaki naman ang bahay nila, malawak din ang space na pwede namin sakupin para makapag-shoot kami ng maayos. After ng pag-uusap namin about sa project, ay nagsi-uwian na rin sila at ako naman ay nagpa-iwan.



Napapadyak ako dito sa labas ng room namin habang hinihintay si Missy na matapos ang meeting nila about sa project. Kung tutuusin, pwede ko naman iwan si Missy dahil hanggang labas lang naman kami ng gate nagsasabay. Kung hindi lang oa si Missy, kanina pa ako umuwi.



"Oo bukas." Tumayo na ako nang makita kong palapit si Missy sa puwesto ko.



"Ano, uwi na tayo?" Bungad ko sa kaniya.


"Oo, papaalam pa ako kay dad about sa mga alak niya e." Aniya.



"Bakit ano ba sa inyo?" Usisa ko.


"Mixing drinks sa amin." Sagot niya. Buti pa sa kanila madali lang.


"Sana ol." Wala sa sarili kong sambit.

"Why? Ano ba inyo?" Kuryoso niyang tanong.


"Acting! At kilala mo ako Missy. Hindi ako marunong umarte... reporting okay pa, pero acting? Nah!" Naiinis na sabi ko.


"Good luck sa'yo Illie." Natatawa na sabi niya. Pinanliitan ko siya ng mata at pabirong pinalo siya.


"Bwesit ka Chaka doll." Tumigil siya sa kakatawa at saka ako sinamaan ng tingin.


"Ano!?"



"Ang sabi ko, bwesit ka! Chaka doll." I laughed. Mas lalo ako natawa nang manlaki ang mga butas ng ilong ni Missy.


"At inulit mo pa, ah." Kaya bago pa ako masabunutan ni Missy, ay agad na akong tumakbo. Natatawa ako. I remember her expressions.



"Hoy. Illie! Bumalik ka rito bwesit ka!" Ayaw niya kasi sa Chaka doll kasi panget daw, pero yung tawa niya pang-chaka doll.

GETTING ME OUT (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon