Araw ng lunes at isang oras na akong late sa school, masyado kasi ako nalibang sa panonood ng Scarlet Heart at nakalimutan ko na mag-alarm sa cellphone, hindi ko na tuloy namalayan ang oras kagabi.
Tiningnan ko muna ang cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog.
28 messages
From: Missy
Hindi ko na binasa ang mga text ni Missy at 'di na rin ako nag-abala mag-reply pa, paniguradong puro sermon lang naman iyon.
At hindi na rin ako nagmadali pa'ng kumilos at hinayaan na lamang ang sarili na mahuli sa klase. Wala din naman magbabago, e. Papagalitan pa rin ako kahit ilang minuto lang naman akong late.
Kaya okay lang na mahuli, atleast hindi ako pagod sa pagpasok.
___
"Gaga ka! ba't ngayon ka lang? one hour kang late, baliw." Agad na bungad sa akin ni Missy pagkapasok ko pa lamang ng room.
Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong wala pa si Ma'am Clara, isa sa mga terror teacher namin na mahilig magpahiya ng student, sobrang sungit pa naman no'n, kaya iwas din ako ro'n.
"Oops! wag mong sabihin na traffic sa Betcha, dahil hindi traffic doon." Pigil niya nang akmang magsasalita ako, napairap na lang ako sa kawalan.
"Nanood ako ng kdama."
Nilagpasan ko na si Missy at nagtungo na sa upuan ko, hindi pa ako tuluyan nakakaupo nang mramdaman kong lumapit si Missy sa akin.
"Uy, anong pinanood mo kagabi?" Curious niyang tanong
"Scarlet Heart." Sinagot ko na lang para hindi na masyadong humaba pa ang usapan namin.
I know her, hindi niya ako titigilan 'pag 'di ko siya sinagot, umupo na ako at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit ko. Nakalimutan ko kasi ayusin kanina dahil nawala na din sa isip ko kahit na ba hindi ako nagmadali. Napatingin ako sa kaliwang pulso ko at wala sa sariling hinawakan ito. Matagal na rin pala ang huling sugat ko dito at unti unti na din nawawala ang mga peklat.
"Hala! Scarlet Heart? Gagi, ang ganda no'n." Ngumiwi ako sa lakas ng boses niya.
"Kaya lang hindi happy ending, tapos nakakabitin pa. Namatay nga si Prince Wang Eun doon e, saka yung wife niya. Grabe yung iyak ko dun, until now naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko iyon." Nakanguso na sabi niya habang naaktong nagpupunas ng luha kahi wala naman ni isa.
Napabuntong-hininga na lang ako at pilit kinalma ang aking sarili.
Hindi ko pa natatapos panoorin iyon, at ito si Missy nagiging dakilang spoiler na naman.
"At alam mo ba-" Hindi ko na pinansin si Missy at palihim na lang ako nagsalpak ng earphone.
Spoiler!
___
"Nakakainis talaga si Sir Catalutan!" Ngumisi ako sa inaakto ni Missy, napagalitan kasi siya kanina sa klase ni Sir Catalutan. Nahuling nagcecellphone, iyon! kinumpis yung cellphone niya. Nagwawattpad kasi sa klase ayan tuloy.
"Ang tanda tanda na nang-aagaw pa din ng cellphone. Panot! Panot! Panot!" Pinanood ko lang si Missy na nagpupunit ng papel. Kami na lang dalawa ni Missy ang nandito sa room dahil break time na namin.
"Wattpad pa." Asar ko sa kaniya na sinagot niya lang ng irap. Tinawanan ko na lang siya at nag-aya na magpunta sa cafeteria.
Bago makarating sa cafeteria ay madadaanan muna namin ang building ng mga college.
"Nanggigigil talaga ako sa panot na iyon."
Tumingin ako sa paligid sa takot na baka may makaring sa pinagsasabi ni Missy at makarating pa kay Sir Catalutan. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitang wala masyadong mga estudyante dumadaan.
"Kalma, baka may makarinig sa'yo, madagdagan pa kasalanan mo." Saway ko sa kaniya.
Humarap siya sa akin at saka patalikod na lumakad.
"Nakakainis kasi e! Nasa climax na ako ng story tapos biglang kukunin... Nakakabitin kay-"
"Missy!" Sigaw ko habang nanlalaki ang aking mga mata.
Mabilis akong bumaba sa hagdan para daluhan si Missy na nahulog mula sa pangalawang palapag. Mabuti na lang at hindi masyadong mataas ang pinagbagsakan niya. Well, isang palapag hindi naman masyadong mataas iyon, isn't?
"Uy, ayos ka lang?" Nag-aalangan na tanong ko. Ngumiwi siya at saka ako inirapan.
"Gagi, ang sakit ng pwet ko." Sabi niya habang sapo-sapo ang kaniyang pwet.
"Tanga mo kasi! Naglalakad ka ng patalikod, alam mo naman nasa 2nd floor tayo."
"Malay ko bang malalaglag ako." Naiiyak na sabi niya. Napailing na lang ako saka siya inalalayan tumayo. No choice, nakaka-agaw pansin na rin kasi kami dito sa hallway.
"Hoy! Ba't ka huminto?" I waved my right hand infront to her na natulala na.
"A-a-aray ko!"
Nagtatakang tiningnan ko si Missy na namimilipit sa sakit. O, anyare sa kanya?
"Hey, what happened?"
I suddenly startled when someone spoke behind me. Umawang ang labi ko nang mapagtanto Kung sino ang may ari iyon.
"O, anong nangyari sa kaibigan mo?" Sa pagkakaalam ko ay Liam ang pangalan.
"Uh, nahulog sa hagdan?" Nag-aalangan na sabi ko.
Tiningnan ko si Missy na namimilipit na sa sakit, pero kanina ay hindi naman siya ganiyan.
"A-a-aray ko talaga, yung paa ko,,, hindi ata ako makakalakad nito." Pinanliitan ko ng mata si Missy sa inaarte niya.
"Uy! Diba pwet lang masakit sa'yo?" Malakas kong sabi.
Ngumiwi lang siya sa sinabi ko at hinarap na sila Tyron.
"Hmmm, nahulog ako sa hagdan, feeling ko nga hindi ako makakalakad." Ano daw? Hindi makalakad? Eh, pwet lang naman yung masakit kanina ah, inirapan ko si Missy na nakita niya naman, kaya iniwasan niya ako ng tingin.
"Dapat madala kana sa clinic, baka mamaga pa ang paa mo." Sabi ni Tyron habang nakatingin sa mga paa ni Missy.
_
We're here in the clinic at tinitingnan na si Missy ng Nurse. Umalis na rin sila Tyron, pagkahatid kay Missy, at ang gaga ang laki ng ngiti. Binuhat lang naman siya ng crush niya.
"Hindi na kita bibigyan ng ice pack, wala naman damage ang mga paa mo at wala rin naman ako nakitang pasa sa katawan mo. Magpahinga ka na lang muna dito Ms. Esteves." Ani ng nurse at ilang sandali lang ay nagmartsa na paalis.
"Alam mo... ikaw lang yung kilala ko na nahulog sa hagdan pero masaya pa rin." Sabi ko nang makaalis na ang Nurse.
"Grabe ka naman Illie, syempre masaya lang ako." Malaking ngiti ang nakapaskil sa mukha niya habang sinasabi iyon.
"Ikaw ba naman buhatin ng crush mo e." Tawa ko.
"Eeeee, huwag mo nga ipaalala, kinikilig ako e!" Sinamaan ko siya ng tingin nang paluin niya ako sa braso.
Ang brutal talaga nito kiligin.
___
Uwian na at 'di na kami pumasok ni Missy sa last two subjects namin, inexcuse kasi kami kanina ng Nurse. Nanghihinayang lang ako dahil may quiz kanina sa 21st century, nag-review pa naman ako sa subject na iyon, tapos mababalewala lang pala dahil sa kaharutan ni Missy.
"I gotta go Illie, daddy is here na e, bye." Tumango ako at nagmano kay Tito John.
Hinintay ko muna makaalis ang sasakyan nila bago ako maglakad papunta sa convenient store. Pinili kong maglakad kaysa sumakay ng tricycle, sayang din kasi ang ten pesos kung sasakay pa ako, saka malapit lang naman.
Pagdating ko sa convenient store ay hindi naman masyado maraming nakatambay sa loob, sa labas lang. I decided na tumambay muna doon, tutal ala-sais pa lang naman ng gabi, maaga pa para umuwi.
Kumuha ako ng cup noodles at isang V-cut pati na rin isang zesto, matapos ay pumunta na ako sa counter para pumila at magbayad. Napatingin ako sa labas at nakitang may nakaparada na magarang kotse, napaawang ang labi ko sa kagandahan ng kotse at 'di ko mapigilan mamangha dito. I don't know kung ano ang tawag sa sasakyan na ganoon. Ang alam ko lang ay madalas ko ito nakikita sa mga napapanood kong movie.
"Next po ma'am."
Grabe... sa mga movie ko lang nakikita ang ganiyan kagandang sasakyan.
"Ma'am?"
"Ay! Sorry po Kuya, Ito po." Iniwas ko na ang tingin ko sa sasakyan, mukha naman walang balak bumaba yung owner ng sasakyan.
"276.50 pesos po ma'am ."
Kinuha ko ang wallet ko sa bag para kumuha ng pambayad. Pero bigla akong kinabahan nang makita kong wala itong laman. Naramdaman ko ang paginit ng magkabilaan kong pisngi. Kinalkal ko pa ang bag ko sa pagbabakasakali na may mahanap pa.
"Ma'am?" Naiinip na tawag ni kuyang crew.
"Uh, teka lang po, hindi ko po kasi makita yung pera ko." Napailing siya sa sinabi ko.
"Naku ineng! Luma na iyan palusot mo, wag ka na gumawa ng dahilan, hindi yan uubra sa akin." Natatawa na sabi niya.
"Kaya bayaran mo na ito." Dagdag niya pa. Alam kong pinagtitinginan na kami dito ng mga ibang customers kaya mas lalo ako nakaramdam ng hiya.
"Pwede po ba balikan ko na lang po? Naiwan ko po kasi yung pera ko." Feeling ko malapit na akong maiyak dahil sa kahihiyan.
"Naku! Hindi pwede yan ineng, magbayad kana hangga't nakakapagtimpi pa ako."
"Pero wala po talaga akong dalang pera."
"Hindi ko na kasalanan yan ineng, pwes! Kung wala kang pambayad umalis kana di-"
"I'm going to pay it, at pakisama na rin 'to."
Nanlaki ang mga mata ko nang may maglapag ng isang libo sa counter. Napatingin ako sa mga kamay niyang malalaki at maugat-ugat.
Siguro pasmado ito, ang daming ugat e.
I lifted my sight and I saw his masculine body. Wrestler ba ito? Malaya ko siyang pinagmasdan dahil nakaharap naman siya sa counter. Okay, I admit he's handsome, even though, hindi ko pa tuluyan nasisilayan ang kabuuan ng mukha nito, at ang lakas ng appeal niya, kaso mukhang matanda na. Pero sabagay ganitong-ganito ang mga gusto ni Missy.
Sayang nga lang hindi ko siya kasama, kung kasama ko lang siguro si Missy, I'm sure nagtititili na iyon.
"Here."
At saka bakit ba siya nakasuot ng salamin, e gabi naman.
"Hey."
Napakurap-kurap ako nang iwagayway niya sa akin ang isang supot. I bit my lips dahil sa hiya.
"Uh, s-salamat po Kuya." Nakangiti kong sabi.
Tumango lang siya at lumabas na habang bitbit ang isa pang supot, siguro yun ang mga pinamili niya. Agad akong lumabas para habulin siya.
"Uh, s-sandali lang po."
Liningon niya ako na ngayon ay nakahawak na sa pinto ng sasakyan niya. Woah... Ang galing naman ng sasakyan niya! Pataas ang pinto!
"Yes?"
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa boses niya.
"B-babayaran ko po kayo kapag nagkita po tayo ulit." Bigla ko na lamang nasabi.
Ngumisi lang siya at tiningnan ang kabuuan ko, wala sa sariling napaatras ako dahil sa klase ng tingin na binibigay niya. Tila ba'y hinahalukay nito ang buong pagkatao ko.
"Sure, young lady."
BINABASA MO ANG
GETTING ME OUT (Ongoing)
Chick-LitWhat's your ideal for life? Is it having a perfect family and friendship? Or having a relationship for someone you loved? Everything is fine. Not untill. A darkness night came to Illie's life... Ang mga taong akala niya ay kaagapay at kakampi niya s...