It's too early to go home, kaya I decided na pumunta muna sa convenient store para magpalipas ng gabi. At napagdesisyonan ko na din na roon na rin ako kakain ng hapunan, wala naman kasi magbabago, mag-isa pa rin ako kakain kung uuwi ako ng maaga.Pansin ko agad ang mga matang tumitingin sa akin, pagkapasok ko pa lamang dito sa convenient store.
Palihim na lamang ako bumuntong-hininga at parang gusto ko na lang ihakbang ang mga paa ko palabas ulit ng convenient store. Ito ang ayaw ko e, 'yong pagtitinginan ako ng mga tao kahit wala naman ako ginagawang mali. Dinaig pa nila ang mga cctv, yung tipo na bawat galaw ko ay nakatingin sila. To criticize the wrong ones they've see.
Kaya kahit may tumatambol sa puso ko ay pinilit ko pa rin na humakbang ng pasulong. Dumiretso na ako sa puwesto ng mga cup noodles. Kumuha ako ng isang malaking chicken flavor at isang zesto na apple rin.
"Look guys, hindi ba siya yung babae noong nakaraan?"
"Hahahaha, yung walang pambayad."
"I bet wala na naman iyan pambayad, hahahaha."
Huminto ako sa pagpili at bumaling sa isang grupo ng mga babae na nagtatawanan habang nakatingin sa akin. Alam kong ako ang pinaguusapan ng mga ito, hindi ko maiwasan 'di makaramdam ng hiya sa narinig, dagdag pa na may ilan na rin tumitingin sa akin. Ano bang problema nila? Wala naman silang alam sa totoong rason ko e, plus, I didn't know that I haven't enough money that time. If only I knew, e'di sana, hindi na ako tumuloy dito. Tss, masyado nilang binibig-deal ang mga maliliit na bagay.
Kaya hindi umuunlad ang pilipinas e, dahil may mga taong kagaya nila. Mga feeling perpekto kahit hindi naman.
Pinabayaan ko na lang ang mga bulong-bulongan at nagtungo na sa counter, na kung saan ay naabutan ko si kuyang crew na nanliliit ang matang nakatingin sa akin.
"Aba! Ineng, siguraduhin mo lang na may pambayad ka, sinuwerte ka lang nung isang araw dahil sa prince charming mo." Gusto kong mapangiwi sa huling sinabi ni kuyang cashier sa akin.
"Huwag po kayong mag-alala kuya, dala ko na po ang pera ko, saka, ano pong prince charming pinagsasabi niyo?" Nakangiwi kong tanong.
"Edi sino pa ba? Edi yung lalakeng nagbayad ng bill mo, aba! Grabe ang mga tingin mo sa kaniya no'ng isang araw."
Yes I admit, he looks like a prince charming that time, dahil sinalba niya ako sa kahihiyan, pero 'di ibig sabihin no'n ay pinagpapantasyahan ko na iyon. Grabe 'to si kuyang cashier, gawa-gawa kwento.
"189.00 lahat ineng." Agad ko inabot sa kanya ang kanina ko pang hawak na five hundred.
"Mapera ka ata ngayon neng ah." Nakangiti na sabi niya.
"Sabi ko naman po kasi sa inyo kuya, naiwan ko lang yung pera ko." Sabi ko, biglang lumambot ang kaniyang reaksiyon at napapakamot sa ulo habang nakatingin sa akin.
"Pasensya ka na nga pala ineng nung nakaraan, na-trauma lang kasi ako. Ganun din kasi ang dinahilan ta's yun, hindi na bumalik, inawas tuloy sa sweldo ko yung bill ng estudyante dati, hindi ko tuloy nabilhan ng laruan ang anak ko." Bigla akong natigilan sa nalaman.
Hindi ko akalain na may mga kabataan pala na kayang gumawa ng ganun, akala ko kasi matatanda lang...
Ano kaya tumatakbo sa isip nila pagtapos nilang gawin iyon o habang ginagawa 'yon? Ako nga no'ng mga oras na iyon ay abot langit na ang kaba ko, dahil wala ko makitang pambayad, tapos sila? Hay naku!
"Uhmm... Kuya 'wag mo na po pala ako suklian, kailangan ko na po kasi umuwi." Sabi ko na lang.
"Sigurado ka ba ineng? Ang laki pa ng sukli mo ha." Takang tanong niya.
BINABASA MO ANG
GETTING ME OUT (Ongoing)
Literatura FemininaWhat's your ideal for life? Is it having a perfect family and friendship? Or having a relationship for someone you loved? Everything is fine. Not untill. A darkness night came to Illie's life... Ang mga taong akala niya ay kaagapay at kakampi niya s...