CHAPTER 2

10 0 0
                                    

Pinikit ko ang mga mata ko ng mariin nang maramdaman ko na naman na may sumipa sa upuan ko, and I know that's Missy.




Kanina pa niya ginagawa yan at hindi ko mapigilan na mairita sa kaniya. I don't even know what happened to her, basta na lang siya nagkakaganyan. Actually, after ng P.E namin nag-aamok na siya at hindi man lang niya ako kinakausap kaya pinabayaan ko na lang siya.




"Anong problema mo?"



Hindi ko na napigilan lingunin si Missy nang sumipa ulit siya. I raised my eyebrow to her, to let her know that I'm already annoyed. Gumuguhit kasi ako, at dahil sa kakasipa ni Missy ay lumagpas na sa linya ang ginuguhit ko.




Tanging pag-irap lamang ang kaniya ginawa, kaya tuluyan ko na hinarap si Missy.




"Kasi naman Illie e! Nakakainis ka e!" I wrinkled my forehead to what she said.



"Anong bang pinagsasabi mo diyan?" Kunot-noo kong tanong.




"Yung kanina! Nakakainis ka talaga Illie."



Umarko pataas ang aking kaliwang kilay dahil naalala ko na kung ano ang kaniyang tinutukoy.




"Bakit sa akin ka naiinis? Ako ba may gawa?" Asik ko nang makabawi na. Hindi ko na rin mapigilan ang mainis kay Missy, dahil masyado na niyang binibig-deal ang simpleng bagay.




"Hmm... Nakakainis talaga! Bakit hindi niya din ako hinawakan o niyakap man lang." Nagmamaktol na sabi niya.




"Alam mo... Ang oa mo, saka anong niyakap pinagsasabi mo diyan? He's just taught me dahil nakita niya na mali ang ginagawa ko... at saka, I'm not the only one na tinuruan niya ng ganoon." Paliwanag ko pa kahit wala naman talaga dapat ipaliwanag.



Nanliit ang kaniyang mga mata na para bang ayaw maniwala sa sinabi ko, kaya hindi kona pinansin si Missy at tinalikuran na lamng s'ya. Bahala siya!

___

"Naiinis pa din ako sayo! kahit nilibre mo ako ngayon ng kwek-kwek."



Uwian na namin kaya nandito kami ni Missy sa tindahan ni Mang Toben.




Si Mang Toben ay nagtitinda ng mga streetfoods dito malapit sa school, naging close na rin namin ni Missy dahil madalas kaming bumibili sa kaniya. Tuwing uwian kasi dito ang diretso namin ni Missy. Correction, hindi ko naman talaga nilibre si Missy, pinilit niya lang ako.




Kinain ko na ang panghuling kwek-kwek at hindi na siya pinansin pa. I think Missy doesn't know na kanina pa siya pinagtitinginan ng mga bumibili rin dito. Sa lakas ba naman ng boses niya, sino ang hindi mapapatingin sa kaniya? Tapos puno pa ng pagkain yung bibig niya. Barahuda talaga.



Umulan kanina kaya medyo basa ang kalsada at may konting putik din ang daanan. Thank goodness! I've always brought my slippers.



"Ay leche! Putangina!"



Wow another flavor ng buko juice. Napiping sambit ko sa sarili.



Pumikit ako dahil pakiramdam ko may malagkit na tumutulo sa kanang pisngi ko.



"Hoy! Bumalik kayo dito! Mga sira-hmmmp."



Bago pa matuloy ni Missy ay tinakpan ko na 'agad ang kanyang bibig, kahit alam kong may putik pa ang kamay ko at may posibilidad na malasahan niya ang putik ay binalewala ko na lang. Hindi na lang kasi si Missy ang pinagtitinginan pati na din ako. Sino ba naman ang hindi titingin sa amin? para kaming nagswimming sa putik.  Natalsikan kasi kami ni Missy ng putik saktong pagharap namin ay may dumaan din ng sasakyan na mabilis magpatakbo.



"Pwe!" Dura ko sa buko juice na naging chocolate na ang kulay, buti nga kay Missy literal na chocolate talaga.



"Pwe! Bakit ganito lasa ng choco ko?"



"New flavor ng chocolate iyan." Natatawa kong sabi.




"Gago." Tawa niya.



Tinawanan na lang namin ang kamalasan na nangyari sa amin ni Missy at di na pinansin pa ang mga nakatingin sa amin. We decided to go back to school again para makapaglinis ng katawan bago umuwi, hindi pa naman kami nakakalayo ng school.




I looked at my watch na may bakas pa rin ng kaunting putik dulot kanina. Mag-gagabi na at hindi pa rin ako pinagbubuksan ng pinto. Kanina pa ako 5:30 dumating pero 6:30 na hindi pa din ako pinagbubuksan. Isang oras na ako naghihintay dito sa labas ng bahay.



To Mama:

Ma, nasaan po kayo? Wala po akong dalang susi.

Just a few minutes I got a reply from her.

From Mama:

Nandito ako kay Tita Belen mo nak, baka gabihin ako. Kumain ka na lang, nasa ilalim ng paso ang susi.



I deeply sigh. Everytime na sinasabi ni Mama na kasama niya si Tita Belen I can't control myself for being overthinking again. I don't know, I just felt nervous and confused?



Tulad ng sinabi ni mama mabilis kong hinanap ang susi sa ilalim ng paso, na nasa harap ko lamang. Pagkapasok ay kaagad kong hinubad ang uniform para makaligo. Malagkit pa rin kasi ang pakiramdam ko kahit na ba ay naglinis kami ni Missy sa school bago umuwi.



Pinapatuyo ko ang aking buhok nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot noo ko na makitang si Missy ang nag-text.




From Missy:

Illie, may assignment ba tayo?

Makakalimutin talaga itong si Missy, nagtipa ako ng mensahe.

To Missy:

Wala



Napataas ang kilay ko na wala ako nakuhang reply sa kaniya, tss, 'di man lang nag-thank you. Ngumisi ako sa naisip at nagtipa ulit ng mensahe.



To Missy:

Uy Missy

After a few minutes I got a reply from her.

From Missy:

Oh, bakit?

Hindi na ako nagreply at humiga na sa kama, tumunog ulit ang phone ko kaya tiningnan ko ito, napangiti ako na makitang si Missy ulit yung nag-text.

From Missy:

Hoy, Illie ano iyon?

I didn't text back at binasa ulit ang bago niyang message.

From Missy:

Luh! Gaguhan.


I chuckled



From Missy:

Bwesit ka talaga! pinagtitripan mo na naman ako.



I put down my cellphone on the table na nakapuwesto sa gilid ng aking hinihigaan, kaya ko lang naman ginawa 'yon dahil hindi ako sanay na sineseen. I'm not the type of person na mahilig mag-text and I don't really like a seener person, that's why I did that to her.


___

Kinabukasan ay naabutan ko si Mama sa kusina na nagluluto ng almusal. Mukhang masaya si Mama dahil bakas sa mukha niya ang mga ngiti, siguro may magandang nangyari. Anong oras kaya siya umuwi? hindi ko man lang nahintay dahil maaga ako natulog kagabi.



"Ma." Tawag ko


"Gising kana pala anak." Sinalubong niya ako ng matamis na ngiti.

"Si Papa po?" I asked.

"Pumasok na, alam mo naman ang Papa mo, maaga pumapasok."

"Ma."



"Oo nga pala anak, nagluluto pa lang ako ng almusal natin,,, late na din kasi ako nagising."



"Ma, anong ginawa nyo kanila Tita Belen kagabi?"



"Masyado pang maaga, kaya akala ko mamaya kapa gigising."


"Ma." I called again, she sighed then smiled.



"Pinag-usapan lang namin ng Tita Belen mo ang about sa binabalak namin na negosyo, e, napasarap ang usapan namin, kaya hindi na ako nakauwi. Masyado na rin kasing gabi." I just nod to her. I don't understand myself, para kasing nagkakaroon ako ng doubt kay Mama. Umalis na ako sa kusina at nagtungo na sa sala.



I decided na manood na lang muna ng k-drama na Uncontrollably fond. hindi ko pa kasi natatapos 'to at para na rin hindi ako mainip sa kahihintay kay Mama. Nasa kalagitnaan na ako ng drama nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Pinindot ko muna ang pause dahil baka may makaligtaan ako na scene. Ano kaya kailangan ni Missy at napatawag.



"Ang aga mo naman mambulabog." Sagot ko.


"Ay wow! Good morning din sa'yo."



"Bakit ka napatawag?"



"Arat, gala tayo sa Moa."


I rolled my eyes.


"Hindi kaba nagsasawa roon?" Tanong ko.


"Saan mo ba gusto?"

"Wannabe Mall." Walang pagdadalawang-isip kong sagot, napansin kong naghahain na si Mama.

"Gaga! Ang layo non."

"Wala na akong alam, ikaw na Lang bahala." Sabi ko na lang.

"O, sige, kita na lang tayo sa Boomerang exit."


Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nagtungo na ako sa kusina.



"O, tara na nak, kain na." Salubong sa akin ni Mama.



"Sige po."


"Kamusta naman ang pag-aaral mo? nahihirapan kaba?" Tanong niya sa kalagitnaan ng breakfast namin.



"Okay lang po ma, and, hindi naman po ako nahihirapan." Sagot ko.



Hindi ko maiwasan na ngumiti ng mapait, naninibago kasi ako sa closeness namin ni Mama ngayon. Pakiramdam ko ay may nagbago. Noon naman, hindi ako nakakaramdam ng awkwardness kay Mama, but now, pakiramdam ko may nakaharang sa pagitan namin ni Mama.

___

"Grabe, ang aga ah." Sarkastikong sabi ni Missy, kanina pa kasi siya nag-aantay sa akin, at kararating ko lang dito sa SM tactix. Hindi na din kami tumuloy magkita sa Boomerang exit, I called her earlier para sabihing dito na lang kami sa SM TACTIX pumunta, may gusto kasi akong bilhin dito.



"Traffic sa Betcha e." Sabi ko na lang saka niya ako inirapan.


"Saan tayo ngayon?"

"Dito sa Tactix?" Sagot ko.

Inayos ko ang buhok ko na kanina pa hinahangin, ang lakas kasi ng hangin dito.

"Gaga ka talaga! What I mean is saan tayo una pupunta?"

Napangiwi ako nang paluin niya ako sa balikat, ang brutal talaga ni Missy minsan.

"National book store, may bibilhin akong libro."

"Ano, wala kapa bang nahahanap?" Tanong ni Missy.

Kanina pa kasi kami palakad-lakad dito sa National book store pero wala pa akong bitbit miski isa. Hindi ko kasi makita ang libro na gusto ko, 'di ko na lang pinansin si Missy at nagfocus na lang sa paghahanap.

"Ano ba kasi hinahanap mo? kanina pa tayo nandito, tapos wala ka pang bitbit miski isa! nakahanap na ako lahat-lahat tapos ikaw wala pa rin."

"Ang daldal mo." Lingon ko sa kaniya.

Kaagad kong kinuha ang librong hinahanap ko at tumingin ulit kay Missy, ngumiwi ako nang makita ko ang librong hawak niya.

"Ano iyan?" I asked

"Fifty shades of grey." Masayang sabi niya.



Sandaling kumunot ang aking noo. "Di ba napanood mo na 'yan?" Takang tanong ko. "Saka 'di ka ba nagsasawa diyan?" Dagdag ko pa.



Pinandilatan niya ako ng mata dahil sa sinabi ko.



"Ano kaba naman Illie! syempre iba pa rin talaga kapag binabasa mo, mas damang-dama mo!"



Napaikot na lang ako ng mata.



"Ewan ko sa'yo Missy."



Natawa lang siya at hinatak na ako.



"Tara na nga sa counter, para makakain na tayo. Kanina pa ako nagugutom e."



Mabilis kami nakapagbayad sa counter kaya nilisan na namin ang national book store upang humanap ng makakainan.



"Tara Jollibee na lang tayo." Patalon na kumapit sa kanang braso ko si Missy.



Hindi ko pinansin si Missy at nanatiling nakatayo sa tapat ng isang restaurant, si Papa ba iyon? pero, anong ginagawa niya dito? saka sino yung mga kasama niya.



"Hoy, Illie! Ano pang ginagawa mo diyan?" Napakurap-kurap ako at tumingin kay Missy na papalapit sa akin.



"Kainis ka talaga! Akala ko nasa likuran lang kita, ibang kamay tuloy nahawakan ko."



Nginitian ko na lang si Missy at naglakad na papunta sa Jollibee.



"Bakit kaba nakatayo lang doon? gusto mo ba doon tayo kumain? ayaw mo ba sa Jollibee? mas masarap kaya sa Jollibee." Sunod-sunod na sabi ni Missy. I smiled at her.



"Wala, may nakita lang ako kakilala."

___

"Ma, saan po kayo pupunta?" Takang tanong ko nang maabutan ko si Mama na nag-iimpake.



Kakauwi ko lang galing SM TACTIX dahil masyado kami nag-enjoy ni Missy, kaya ginabi na din kami. Bakas sa mata niya ang gulat nang tumingin siya sa akin.



"Oh, Illie, nakauwi kana pala." Nakangiting tumayo si Mama at saka lumapit sa puwesto ko, hinawakan niya ang magkabila kong balikat at marahan ito hinaplos.

"Aalis muna ako anak, may business trip kasi kami ng Tita Belen mo."

"Ano naman po iyon?" Tanong ko.

"Yung binabalak namin ng Tita mo na negosyo."

Napatango na lang ako at lihim na napatingin sa mga maleta na dadalhin niya. Bakit parang ang dami naman ata? gusto ko sana itanong, pero pinili ko na lang 'di umimik.

"O, sige na anak, baka malate pa ako sa flight namin." Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at humalik sa noo ko.

"Si Papa po? hindi po ba uuwi?"

"Naku! Huwag mo na'ng problemahin ang papa mo, hindi pa iyon makakauwi."

Hindi na ako umimik at nanatili lang nakatitig sa kaniya.



Bakit parang okay lang sayo iyon ma? bakit hindi ko na kayo madalas nakikitang magkasama? bakit parang may mali? bakit parang may nagbago sa pamilyang ito? I have so many questions that I want to ask her, pero pinili ko na lamang tumahimik uli. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi hindi ko magugustuhan ang isasagot niya.



I've turned off the light in the living room pag-kaalis ni Mama, at Umakyat na papunta sa aking kwarto. Hindi na ako nag-abalang kumain pa, I already lost my appetite, huminto ako nang madaanan ko ang kuwarto nila Mama at Papa.



Napakunot ang aking noo nang hindi ko mabuksan ang pinto. Nakakapagtaka lang, hindi naman nila sinasarado 'to dati, ah?



I tried again na buksan ang pinto. Inipon ko ang lahat ng aking lakas at buong pwersa itong tinulak, ngunit ayaw talaga.



Napahampas na lamang ako sa pinto dulot ng inis.

GETTING ME OUT (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon