"Good morning ma'am and sir! Welcome to Kokobop Cafe." Ngumiti ako ng malawak kahit kanina pa ako naiinis.I don't know how many times we've always remake this scene, just because of Rome and Lisa acting. Sa totoo lang maayos naman ang mga scene kanina. Dito lang talaga kami sa scene na ito na nagpaulit-ulit. Hindi ko nga alam kung ako ba ang may problema o sila na kanina pa hindi magkasundo sa script.
"Can I take your orders Ma'am and Sir?" I asked them.
"Hmm... I want two regular Affogato and two slices of blueberry cake." Lisa na pinipilit 'wag ngumiti.
Nagkunwari akong sinusulat ang mga orders nila sa hawak kong maliit na papel. Tutal hindi naman mahahalata sa camera.
"Would that be all Ma'am? Sir?" I asked.
"Yes, that's would be all, thanks." Rome na seryoso sa ginagawang pag-acting hindi tulad ni Lisa na konti na lang siguro at matatawa na s'ya sa ginagawa.
"May I repeat your orders Ma'am? Sir?... Two regular Affogato and two slices of blueberry cake, would you like to add anything else." Ulit kong tanong.
"No, thanks." Lisa and Rome.
I gave a glimpse at Rome. He looks shocks too ngunit hindi na nag-abla pa magsalita. Gusto kong umiling dahil linya lang iyon ni Lisa.
"Cut!" Sigaw ni Patty na pumapalakpak na ngayon. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay natapos na rin kami.
"OMG! Natapos din tayo, I thought we were overnight here eh." Sabi ni Patty habang hawak-hawak ang camera.
Si Patty ang naatasang videographer namin, at ang mga gumanap naman na mga guests ay sina Lisa, Rome, Aira and Echo, habang kami naman ni Jayjay ay ang gumanap na mga waitress.
"E-edit na lang 'to tapos okay na, so... tara mag-meryenda muna kayo." Alok ni Patty habang nakangiti ng malapad.
"Bet ko iyang offer mo Patty girl, kaya lang I'm going to visit my mom right now eh, sorry girl." Malungkot na sabi ni Echo.
"Ako din." Singit ni Lisa.
"Bibisita ka din sa Mommy mo?" Biglang sabat ni Rome na halatang inaasar si Lisa.
"Baliw! May dinner kami ng family ko." Sagot ni Lisa saka niya binatukan si Rome.
"Ako naman kailangan ko na din umuwi, alam niyo naman hanggang 5p.m lang ako." Sabi ni Jayjay na inaayos na ang kaniyang mga gamit, It really seems she ready to go home.
"Sorry Patty, kailangan ko samahan si ate sa mall eh." Aira.
"So, si Illie lang pala ang maiiwan, okay naiintindihan ko kayo."
Ano?
Gusto ko sana tumanggi sa sinabi ni Patty at sabihing uuwi na rin ako, kaya lang nakakahiya naman kung pati sa pag-edit siya pa din ang gagawa.
___
Seryoso akong nakaharap sa laptop ni Patty habang ine-edit ang mga bawat scene kanina. Nandito ako sa kuwarto ni Patty ngayon. Upang tulungan si Patty sa pag-edit. Lumabas si Patty and until now hindi pa rin siya bumabalik.
I can't control myself to admire her room. She had an amazingly huge room with spotless view, and she's also extremely organized to all her things na sobra ko talagang ikinamangha.
Napagtanto ko tuloy na malayo talaga ang agwat ng buhay namin ni Patty. Siya mayaman, ako? May kaya naman. Siya close sa pamilya, ako? Hindi ko alam, hindi ko nga maramdaman na may magulang pa ako e. Siya may Kuya at Ate na mahal na mahal siya, ako? Wala akong kapatid na dadamay sa akin. Wala akong kapatid na ipagtatanggol ako. Wala akong kapatid na gagabay sa akin. Wala akong kapatid na pwede kong pagsasabihan ng mga hinanakit ko. At higit sa lahat wala akong kapatid na mahal na mahal ako.
BINABASA MO ANG
GETTING ME OUT (Ongoing)
Chick-LitWhat's your ideal for life? Is it having a perfect family and friendship? Or having a relationship for someone you loved? Everything is fine. Not untill. A darkness night came to Illie's life... Ang mga taong akala niya ay kaagapay at kakampi niya s...