CHAPTER 9

1 0 0
                                    

Kanina pa ako palakad-lakad rito sa school, pero hanggang ngayon hindi ko pa din makita si Missy.

May usapan kami noong isang araw na magkikita kami sa crossing para sabay na kami pumasok. E kaso tinanghali na ako ng gising kaya no'ng dumating ako sa crossing wala na akong Missy naabutan roon.

Knowing her mainipin pa naman iyon kaya sa tingin ko nandito na 'yon sa school. Hindi ko naman s'ya magawang tawagan dahil nakapatay yung phone niya.

Napagdesisyonan ko na lang magtungo sa library dahil iyon na lang naman ang hindi ko pa natitingnan. Kahit mukhang malabo.

Kaagad kong nilibot ang mga mata nang makapasok na sa library. Hindi masyadong madami ang nakatambay ngayon sa library, halos bilang lang sa daliri ang mga nandito. kaagad kong natanaw si Missy. I quickly walked toward her saka umupo sa bakanteng upuan sa harap niya.

"Ano iyang sinusulat mo?" kaagad kong sambit.

Hindi niya pa rin ako pinapansin at patuloy lang siya sa pagsusulat ng kung ano. Pasimple kong sinilip ang sinusulat niya at doon ko napansin ang mga maliliit na drawing ng mga puso sa pagitan ng bond paper.

I raised my brow.

"Teka, love letter ba 'yan Missy?" I grinned.

I suddenly took her letter when she's ignored me.

"Dear, Tyron." Basa ko

"Uy! Illie akin na 'yan."

"Matagal ko na gustong sabihin ito sa'yo." Tuluyan na akong tumayo nang subukin niyang kuhain ang sulat.

"The first time I saw you, tumibok na 'tong puso ko." Patuloy ko. Natatawa na ako habang binabasa ang letter niya.

I looked at her while smirking.

"Baliw ka talaga Missy, tumitibok naman talaga ang puso mo.."

Mas lalo siyang sumimangot at pilit pa din inaagaw ang letter, kaya umatras ako ng kaunti atsaka inilipat sa kaliwang kamay ang papel.

Salamat sa height ko na 5'7.

"Matagal na kitang gusto... I like you Tyron." Patuloy ko habang umaatras.

"Illie akin na 'yan, nakakahiya!"

Walang bantay ngayon ang library kaya hindi kami mapapagalitan sa ginagawa naming ingay.

"Mahal na yata kita Tyron a-"

Matigas na bagay ang naramdaman ko sa aking likod na siyang dahilan ng pagkahinto ko sa pagbabasa. I looked at Missy, and there she is na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa likuran ko. Tumalikod ako kay Missy para sana mag-sorry sa nabangga ko.

"Sor-" nabitin sa ere ang aking sasabihin nang makilala ko ang nabangga ko.

Kanina pa ba siya diyan? Narinig kaya niya ang mga pinagsasabi ko kanina?

Napasunod ang mga mata ko nang dahan-dahan siyang yumuko at halos manlaki ang mga mata ko nang mapansin ko ang pinulot nito.

Patay.

Love letter ni Missy.

Naramdaman ang pagtabi ni Missy sa akin, kaya napa-peace sign na lang ako sa kanya na sinalubong naman n'ya ng matinding irap.

"Lagot ako nito Illie, nakakahiya!" She whispered na ngayon ay pulang pula na.

"Para sa'kin ba 'to?" Si Tyron!

GETTING ME OUT (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon