AROMA OF EVE
Niliingon ko si Missy matapos kong mabasa ang pangalan ng cafe na nasa harapan namin. Manghang-mangha kong pinagmasdan ito. In front of us is a remarkably cosmopolitan cafe with two floors. It is surrounded by trees, and it has a large parking area, at sa tuktok nito ay may isang pabulaklak na style na kung saan nakalagay ang name ng cafe. Ang kinaganda pa nito ay kitang-kita dito sa labas ang mga tao sa loob. Inside the cafe, there is a reception desk on the first floor where customers can make an order, I think...
May ganitong cafe pala rito, madalas sa mga movies lang ako nakakakita ng ganitong kagarang kainan. Ang gara rin ng pangalan. Aroma of Eve, ano kaya meaning no'n?
Sa sobrang pagkamangha ko rito ay hindi ko na namalayan ang ginawang paghila sa akin ni Missy patungo rito.
As soon as we enter the cafe sinalubong kami ng napakabangong aroma at maaliwalas na paligid, the aroma of coffee and their addictive smell really makes me crave for a cup of coffee. It's a quiet place ngunit may katamtamang sound ng music hindi nakakabingi, with a industrial style of decoration with wooden tables and chairs. Ang bawat table ay mayroong mga chandelier
"Bakit tayo nandito Missy?" Sa wakas nakapagsalita na rin ako. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkaexcite nang tuluyan na kami makapasok sa loob.
Sa buong buhay ko ay hindi ko pa nararanasan makapunta sa ganitong cafe. Madalas sa mga fast food lang ako nakakapunta, kahit noong bata pa ako never talaga.
Wala akong narinig na sagot mula kay Missy kaya bumaling na ako sa kan'ya. Napansin ko na palinga-linga ito na para bang may hinahanap. Dinutdot ko ang kaniyang tagiliran. Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay kaya inulit ko uli ang tanong.
"Bakit tayo nandito?"
"Uh, kakain?" Hindi n'ya siguradong sagot. Lihim na lamang ako napailing... halata namang mayroon s'yang hinahanap dito.
"Kakakain lang natin, remember?"
Bago kasi kami pumunta dito ay niyaya ko muna siya kay Mang Toben. Ang dami nga niya nakain na kwek--kwek saka kikiam, eh... imposible na gutom siya. Bigla itong napatakip sa mukha at nagpapadyak ng paa na parang talunan.
"So... sino ba ang pinunta natin dito?" Deretsa ko.
"Si Tyron..." mahina man ang pagkakasambit niya ay nadinig ko pa din.
Sa sobrang tahimik ba naman ng ambiance dito sa loob maririnig talaga, miski nga bulong 'ata maririnig rin, e. Ni isang boses na malakas ay wala akong naririnig. Hindi pala pwede rito ang mga malalakas ang boses, gaya ni Missy. Naramdaman ko ang paghila sa'kin ni Missy patungo sa reception desk.
"Good afternoon Ma'am and welcome to Aroma Of Eve. How may I help you?" Magiliw na wika ng receptionist.
"Uhm, Hi... may bakante pa ba kayo?" Si Missy na lumingon pa sa second floor.
"Yes Ma'am meron pa po, table for two po ba?."
"Uh, yes... Much better sana kung sa pinakatagong parte at maganda yung view."
Demanding pa.
Luminga ang receptionist sa kanan at may tinawag na isang waitress saka pinapunta dito. Sandali sila nagusap at tumango-tango naman ang waitress sa receptionist. Matapos mag-usap nilingon kami ng waitress saka pinasunod sa kanya.
"This way, Ma'am."
"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko nang mapansin ko siya na kumanan imbis na dumeretso.
"Mauna kana, susunod ako."
Teka, huwag niyang sabihin na susundan niya pa talaga sa second floor si Tyron? She's unavailable!
"Kung ano man 'yang binabalak mo... please lang Missy, h'wag mo nang ituloy. Nagmumukha ka lang stalker 'yan."
Akala ko maaapektuhan siya sa aking sinabi pero tumawa lamang ito na para ba'ng isang malaking biro ang sinabi ko.
"Stalker naman talaga ako hahaha." Mahinang tinulak pa ako nito palayo. "Sige na Illie, mauna kana... susundan ko lang sila."
"Sila?"
"Yup! sila. Kaya kailangan ko'ng sundan. Feeling ko kasi iyon yung sinasabi niya na nagugustahan niya. Gusto ko lang makita ang pagmumukha no'ng babaeng 'yon. Para naman malaman ko kung ano ba ang nagustuhan ni Tyron doon."
Malala na talaga siya.
Wala na nga akong nagawa nang magtungo na ito pa-second floor at iniwan ako kasama ang isang waitress. Habang sumusunod sa waitress na magdadala sa magiging pwesto ko. Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Halos gusto ko na lang umatras pabalik sa pinto at lumabas na rito. Bakit ba naman hindi?
Para akong isang alien sa mga paningin ng mga tao dito. Grabe makatingin... Ngayon lang ba sila nakakita ng taong naka-uniform na kakain sa magarang kainan na ito?
Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa nang makaupo na. Laking pasasalamat ko na lang na sa isang tagong pwesto ako dinala ng staff. Malayo sa mga iba pang customer. Hindi talaga ako sanay sa atensiyon.
Nag-angat ako ng tingin sa waitress na maglapag ito ng isang menu sa table.
"Uhmm... Miss, t-tubig na lang po muna."
Binigyan ako nito ng hindi makapaniwalang tingin. Well, hindi ko naman siya masisisi. Sino ba naman kasi ang pupunta sa magarang restaurant na ito ta's tubig lang ang oorderin. Ang tanga ko lang talaga.
Hindi ko naman alam na dito ako dadalhin ni Missy. Kung alam ko lang, e'di sana hindi na ako sumama. Hindi ako handa.
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at nakahinga ng maluwag nang tuluyan na umalis yung waitress. Mukhang nag-aalangan pa ngang umalis e. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at kagaya kanina ay mangha-mangha pa rin talaga ako sa ambiance ng restaurant na ito. Napaka-relaxing. Mararamdaman mo talaga dito ang kapayapaan at katahimikan.
Bigla akong natigil sa pagmumuni nang matanaw ko ang waitress kanina na ngayon ay may tulak-tulak na food trolley na mayroong mga laman na pagkain saka tubig na siyang tanging nirequest ko lang naman. Habang sa likod naman nito ay isang makisig na lalaki. Customer siguro, hindi mukhang staff e.
HIndi nakaligtas sa aking mga mata ang pagsunod at pagbaling ng tingin ng mga ibang customer patungo roon sa lalaki. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kaniya. Tindig pa lamang aakalain mo talaga na para siyang modelo. Kahit hindi nakangiti naguumapaw
pa rin ang kagwapohan nito.
Umiwas na ako ng tingin saka sumulyap sa suot na relo. 15 minutes na ang lumilipas hindi pa rin bumabalik si Missy. Ano na kaya nangyari roon?
Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin dahil sa dalawang pares na sapatos na aking napansin huminto sa puwesto ko. Bumungad sa'kin ang waittress kanina. Biglang kumunot ang aking noo nang magsimula itong maglapag sa mesa ko ng mga pagkain mula sa food trolley.
Tubig lang naman ang inorder ko ah... ba't may mga pagkain?
"Uhm... Miss, nagkamali ka po yata ng table na pinuntahan." Wika ko. Nilingon ako nito habang patuloy pa rin sa paglalagay ng mga pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng pagkalam ng sikmura sa mg putaheng nilalagay niya.
"No Ma'am, dito po talaga po ito." She smiled a bit.
"Pero Miss tubig lang naman ang inorder ko, e.." mahina ko'ng usal sa takot na may makarinig pa. Tipid na ngiti lamang ang isinagot niya at nagpatuloy muli sa ginagawa. Wala na akong nagawa at hinayaan na ito hanggang sa matapos siya.
"Enjoy your food Ma'am."
Nagpasalamat ako rito at bahagyang yumuko.
I sighed. Ano na gagawin ko sa mga ito? Hindi sapat ang pera na mayroon ako ngayon. At kahit may pera man ako, hindi ako magwawaldas para lang dito.
Hay naku...
"Ehem."
Sana naman bumalik na si Missy para siya na lang magbayad sa mga ito. Tingin pa lang kasi masyado nang masakit sa bulsa.
"Ehem."
Isang tikhim ang aking narinig dahilan para mag-angat ako ng ulo. Isang matipunong lalaki na nakangiti ng malapad ang bumungad sa akin.
"Hi." Mabilis pa sa alas-kwatro ako napatayo nang mamukhaan kong ito yung lalaki na kasunod ng waitress kanina. Teka anong ginagawa niya dito sa pwesto ko?
"Ano po 'yon?"
Hindi ito sumagot at nanatili lamang na nakatitig sa aking mukha. Nagkaroon din tuloy ako ng pagkakataon titigan ito pabalik. Mula sa makapal nitong kilay na bumagay sa kaniyang makinis na mukha. He also has amazing blue eyes na sobrang lalim kung makatingin. And his gorgeous dark brown hair.
"What's your name?" Woah, ang bilis naman nito.
'Di hamak naman na mas matanda ito sa akin ng maraming taon at saka masyado siyang gwapo para magkaroon ng interes sa isang tulad ko. Anong tinira niya?
Napapadalas yata ang pagpuri ko sa mga lalake, ah. Bumuka ang bibig nito senyales na may sasabihin.
"And you look familiar to me, Miss." Ngumiwi ako. Wala na akong pakielam sa kung ano man ang ekspresiyon ko ngayon
Ang ibang mga waiter at customer ay tumitingin sa amin. Ay mali! Sa kan'ya pala. pasalamat na lang talaga dahil nasa dulo ang aking puwesto at bilang lamang sa daliri ang mga tao na narito malapit sa amin. Hindi ko alam kung anong meron. Kung makatingin kasi sila parang isang nakakatuwang senaryo ang kanilang nakikita ngayon.
Okay.... hindi ko sila masisisi kung ganito ba namang kagandang lalaki ang bigla na lamang susulpot sa harapan mo. Isang magadang tanawin nga iyon. Pero... hindi ko talaga maintindihan anong trip nito sa buhay at ako pa ang napiling lapitan saka kausapin.
Ang malala pa bigla-bigla na lang tatanungin ang aking pangalan sa kaswal na paraan. At higit sa lahat bigla na lang pumipick-up lines. May pa-you look you look familiar pa siya diyan, akala naman niya masyado akong inosente sa mga bagay bagay, tsk...
"Bumabanat ba ito sa'kin?"
Nagulat ako ng bigla itong tumawa ng bahagya. Problema nito? Tumingin sa amin ang waitress na malapit sa pwesto namin at kagaya ko ay kunot rin ang noo.
"Hindi Miss, hindi ako bumabanat..." he chuckled again. "Talagang pamilyar ka lang sa akin." Sumeryoso siya bigla ngunit naroon pa rin ang ngiti sa kaniyang labi.
"Kahawig mo ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko."
Hindi ko alam kung namamalikmata ako na mayroong dumaan na lungkot sa mga mata niya dahil sandali lamang iyon at bumalik na ulit sa seryoso ang kaniyang mukha. Kumurap-kurap ako at ibinuka ang bibig ngunit kaagad ko din itong tinikom. Wala akong mahagilap na salita.
Ano ba naman 'tong si kuya! Gamit na gamit ang galawan, ah! Ano next? Kamukha ko ang future niya? Ganoon? Tsk... natawa ako sa naisip.
Lihim ako bumuntong-hininga at inipon ang lakas ng loob upang magsalita. Naroon pa rin ang mga ngiti at nananatiling serryoso ang mga mata.
"Banat po ba 'yan? Kasi kung oo... lumang luma na po ang ganiyang style." Unti-unting napawi ang pagkakangiti niya at umawang ang labi na tila ba'y isang joke ang narinig. umuko siya at ilang sandali lamang ay napansin ko ang pag-alog ng kaniyang balikat.
Tumatawa siya!
May nakakatawa ba sa aking sinabi? Teka, ano ba'ng sinabi ko? Minsan gusto kong tampalin ang bibig ko, walang control e!
"Wait Miss, mali ka ng iniisip." Aniya nang makarecover sa pagtawa. "hindi ako bumabanat, you really look like my- hey Dude!" Sabay kami napabaling sa nagsalita sa likod niya.
A tall man wearing a suit was the first I noticed. Agaw pansin ang matipuno nitong pangangatawan na ani mo'y babad sa mga gym. Hindi lang 'yon, naguumapaw din ito ng kagwapuhan. Ang hanggang balikat nitong buhok ay tila sumasayaw at ang kutis nito na mahihiya siguro ang uling na dumikit rito.
Tila nagslow motion ang paligid habang naglalakad ito papalapit sa amin. Miski ang paghagod nito ng buhok gamit ang kanang kamay ay naging slow motion din, habang ang kaliwang kamay naman nito ay may hawak-hawak na isang white folder. Sa palagay ko ay mga dokumento ang laman.
Hula ko malayo pa lang sumigaw na ito para lang tawagin itong kaharap ko.
Tuluyan nang napunta sa amin ang atensiyon ng mga customers at waitress na nandito. Ay mali! Dito lang pala sa dalawang lalake na kaharap ngayon. Sino ba naman hindi? Dalawang lalake lang naman na saksakan ng kagwapuhan ang nasa aking harapan ngayon.
"Mabuti at nandito ka pa, naiwan mo 'to, oh..." Winagayway pa nito ang hawak na folder at napasulyap sa akin. "Woah, who is she, dude? Your girl?"
"Pinagsasabi mo diyan?"
"Bakit hindi ba?" Sinulyapan ulit ako nito at nagtagal na iyon ng ilang segundo. Dahan-dahan kumunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. "Wait, pamilyar ka, ah?" Huh? Na naman... Pati ba naman sa kaniya pamilyar din ako? "You're the girl on Peter house, right? Patty's friend... Ang ganda mo pala lalo sa malapitan." Nakangisi nitong wika habang nakapamulsa na ang kanang kamay.
Para akong kumain ng maraming sili labuyo sa naramdaman kong pagdaloy ng init sa aking buong mukha. Hinala ko namumula na ang mukha ko sa sinabi ng lalaki. Bukod pa roon, gusto ko na lang umalis at iwan si Missy kung nasaan man siya ngayon. Now... Alam ko na kung bakit nasabi ng nauna na pamilyar ako. Sila pala yung mga kaibigan ng kuya ni Patty.
Nakakahiya!!!
Pinagkamalan ko pang bumabanat yung isa, 'yon pala may interaksyon na ako sa kanya. Pero teka... Anong ibig sabihin niya kanina na kamukha ko yung pinakaimportante sa buhay niya?
Namutawi ang baritonong halakhak dahilan para magising ako sa pag-iisip.
"Hindi mo ba naaalala?" He chuckled again. "Sabagay ilang taon rin ang lumipas, pero ang cute mo pa rin, ah... At mas lalo kang gumanda."
"Hey dude, stop."
Napatingin ako sa lalaki kanina at napansin ko ang nakasimangot nitong mukha habang kunot ang noo nakatingin sa kaibigan. Tumawa naman ang isa na nakatitig pa rin sa akin ngumit bumaling na ulit sa kaibigan.
"Kalma. Wala akong balak. At saka... Hindi ako katulad ng isa nating kaibigan." Sandali niya pa akong sinulyapan at ngumiti sa paraang hindi ko maintindihan.
"O s"ya. I need to go dude, dumadami na ang customer. Bye, bye Miss and... See you next time?"
"Don't mind him, may topak talaga ang isang 'yon."
"A-ayos lang po." Usal ko habang nakatanaw pa rin sa papalayong pigura.
"Tsk. He's right, cute ka nga. Namumula ka."
Wala sa sariling napahawak ako sa mukha at kahit wala man akong kaharap na salamin, alam kong namumula talaga ang aking mukha.
BINABASA MO ANG
GETTING ME OUT (Ongoing)
ChickLitWhat's your ideal for life? Is it having a perfect family and friendship? Or having a relationship for someone you loved? Everything is fine. Not untill. A darkness night came to Illie's life... Ang mga taong akala niya ay kaagapay at kakampi niya s...