5

2.7K 126 6
                                    

5

"Ladies and gentlemen, our newly-weds! Mr. and Mrs. Williams!"

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga taong nasa garden-inspired wedding reception venue. Todo palakpak at hiyaw din si Maddie habang pinagmamasdan niya ang kanyang kambal at ang kanyang asawa na nagduduet habang patungo sa kanilang assigned table ng reception.

Her twin sister's wedding is very intimate because the only guests in this wedding are their closest family members, friends and colleagues.

I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I've broken
Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason

Napa-aww si Maddie pati na rin ang mga bisita dahil sa pagtinginan ng bagong kasal habang kinakanta nila ang napakasweet at madamdaming awitin. Nilabas ni Maddie ang kanyang phone at kinuhanan ng video ang romantic duet ng dalawa.

She immediately posted that video on her Instagram Story. Napanguso naman siya pagkapost niya, "Ako kaya kailan?" Napahagikgik naman siyang habang naiimagine ang kanyang wedding dance kasama si Ronan. "Ay!" Naiipit niya ang dalawang palad sa kanyang magkabilaang pisngi.

Even with Ronan's absence, he can still make her feel giddy and all. Sobrang dalang lamang nilang magkita, hindi tuloy alam ni Maddie kung may patutunguhan ba 'tong nararamdaman niya para kay Ronan, napakastrict!

"Should I text him?" Tanong niya sa sarili atsaka nagmamadaling pumunta sa katangi-tanging conversation na nasa messaging app niya.

Ang huling mensahe pa ni Ronan ay noong isang linggo pa, nagkandahaba tuloy ang kanyang nguso. "Hindi ba 'ko namimiss nito?"

Nagtitipa na siya ng kanyang mensahe ng bigla ay manginig ang kanyang phone. Napatalon pa siya sa kinauupuan kaya napatingin sa kanya ang iba pa niyang kaibigan na sina Irina at Ivy.

"Huy, okay ka lang girl?" Takang tanong ni Irina habang bitbit sa braso ang kanyang baby boy.

"Hah? Ah, oo." Tumayo naman siya, "Ahm, alis lang ako."

Nagmamadaling pumunta siya sa may pond area nang malawak na hardin. Pumuwesto siya sa may wooden bridge at sinagot ang tawag, "Hi!" Nakangisi siya ngayon dahil siyempre si Ronan ang tumawag. Alam siguro ng lalaking 'to na miss na miss na niya siya.

"Took you so long, why?"

"Nasa may wedding kasi ako ng kambal ko. Kailangan ko lang lumayo kasi maingay." Paliwanag naman niya.

"I see. You're not in Manila right now?"

Umiling si Maddie, "We're in Baguio."

"You did not tell me."

"Eh hindi ka naman kasi tumatawag. Sasabihin ko sana sa'yo, kaso gusto mo ikaw unang tatawag o magtext." Natahimik naman sa kabilang linya at pinakiramdam niya ang paligid, parang narinig niya ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan, "Ronan? Are you driving?"

"I am."

"Oh, take care. Is your phone connected to your car stereo or to a Bluetooth perhaps?" She's worried that he might be violating the anti-distracted driving act by holding his phone.

"It is."

Hindi naman alam ni Maddie kung anong sunod na sasabihin, mabuti na lang at nagsalita ulit si Ronan.

"Madeline." Tawag niya sa kanyang pangalan at nagwala na ang puso ni Maddie.

"Hmm?" Pigil niya ang paghagikgik.

HRS5: Provoking a Hot Romance with the PrimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon