WAKAS

4.9K 199 62
                                    

WAKAS

I kept on looking at my watch then at the staircases. Hindi ko mapigilang magtiim-bagang dahil sa bawat minutong nasasayang.

"Ramona, you go down here or you're going to school alone." Nagbabanta na ang boses ko at sa wakas, ang kambal kong babae ay pababa na rin at masama ang titig sa akin. "Don't glare at me. Nakikisabay ka lang."

"Ugh! Kapag talaga ako nabilhan ng sasakyan ni Dad!" Inis na sambit niya at nauna pang lumabas sa akin.

"Ronan." Napalingon ako kay Mommy na kalalabas lang sa kusina. "Don't be so harsh on your sister."

"Dad should really buy that car for her already. I don't want a hassle, Mom."

"Ikaw naman, ang lapit lang naman ng Ateneo sa school mo. Sige na, para namang matitiis mo si Mona."

Wala akong nagawa at hinalikan lang sa pisngi si Mommy at nagpaalam. Ang magaling kong kambal ay prente nang nakasakay sa passenger seat ng Rush na dating ginagamit ni Dad.

Walang tigil sa pag-irap si Ramona sa akin habang pabiyahe kami. "Ang sungit-sungit mo, hindi ka sana makapag-asawa."

I just chuckled at her and continued driving. Mom is right anyway, dadaanan ko ang school ni Mona bago sa school ko.

We're now on our fourth year. My sister is pursuing Management program at the Ateneo, while I am studying Business Administration and Accountancy in UP Diliman. Dapat pareho kami ng school ni Mona, pero dahil pumasa naman ako at qualified for full-scholarship sa UP, I grabbed the opportunity.

"Thanks!"

I puckered my lips trying to suppress my smirk when my ever sweet twin sister kissed my cheeks. Hindi rin namin matitiis ang isa't isa, siguro nga ay dahil kambal kami.

Ever since naman, magkakampi kami ni Ramona, inaaway namin pareho ang aming Kuya Rohan, pero kasangga ko naman si Kuya kapag may kung sinong lalaki ang umagrabyado sa kambal ko.

Another day again, I started with my routine of reading books and exploring about the accounting field. I could not wait to work in a company, kung papalarin gusto ko ay sa MDM Financial Group, kung saan nagtatrabaho si Dad bilang comptroller. He is no other than the famous and respectable Remnald Evangelista.

"Hey, Ronan!"

Napatingin ako sa mga bagong dating kong blockmates. Nakita kong napangiwi sila dahil sa ang aga-aga ay libro sa subject naming Cost Accounting ang binabasa ko. What to do then? Gumaya sa kanila? Kung sino-sino ang mga babae ang nililigawan.

"Alam niyo, may crush ako sa UST."

There they go again talking about girls. Bakit hindi nila tigilan ang paglalaro sa mga babae? I hate the idea that they do it for experience. I won't do that. I would do relationships, I would do girlfriends to marry not for experience.

"Hey, Ronan." Tinapik ni Rence ang balikat ko na kadarating lang at nakisali na sa pag-uusap ng mga babaero kong kaklase. "UST? Sino 'yan Chang?"

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Nabasa ko kasi sa syllabus na a week from now dito sa partikular na topic na kami so might as well do some advanced reading.

"Well, she's a freshman."

Napahiyaw ang mga kasama ko kaya nangunot ang noo ko dahil nakakadistract ang hiyawan at tawanan nila.

"Are you fucking serious, Chang?" That was Rence, he's been a friend of mine since high school. He's not that bad though. "Ang bata! Ahead tayo ng tatlong taon sa kanya."

HRS5: Provoking a Hot Romance with the PrimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon