7
Taimtim siyang umiinom ng fresh orange juice sa isang baso, habang nakatayo naman sa tapat niya ang nakahalukipkip na babae at pinagmamasdan siya.
Nginitian naman ni Maddie ang nasa harapan niya tapos ay pinalibutan ng tingin ang magarang dining room, "Wow! Your house is extravaganza!"
Hinila ni Mirkka ang upuan sa tapat niya, "Araw-araw kang nakatambay sa bahay namin, wala ka bang gigs ngayon? I heard from Mary marami kang offers sa London at States."
Lumabi naman si Maddie pero sinamaan lang siya ng tingin ni Mirkka, "Nakakaistorbo ba 'ko?"
"Gusto mong sagutin ko 'yan?" Masungit na tanong ng kambal niya.
Humagikgik naman si Maddie, "Uy, hitsura mo, tigang na tigang? Magpahinga naman kayo."
Eksaktong pumasok naman ang asawa ni Mirkka na pawis na pawis, pero ewan ba ni Maddie at wala ng epekto sa kanya ngayon ang mga lalaking ganun ang get up.
All because she has set her eyes to one man. Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot at pangungulila kay Ronan.
Isang linggo na rin niyang hindi nakakausap o nakikita ang lalaki dahil todo iwas si Maddie, natatakot siya at nahihiya dahil baka malaman ni Ronan ang tungkol sa nakaraan niya, idagdag pang childhood best friend niya pa ang involved sa pangyayaring iyon.
"Hi Maddie." Nakangising bati ni Franz, ang asawa ng kanyang kambal. Lumapit naman si Franz kay Mirkka atsaka hinalikan ang tuktok ng ulo, "Hey, baby. What's with the frown, huh?"
Tinuro ni Mirkka si Maddie, "Ito kasi, nakakaistorbo siya. Dito pa siya nakikikain."
Umaktong nasaktan si Maddie, "Ouch."
Humalakhak naman si Franz, "May iniiwasan ka ba, Maddie?"
"WALA!" Malakas na sagot niya, nabigla pa si Mirkka habang si Franz ay ngumisi at humalukipkip.
"Hmm, namimiss ka nun sigurado." Sambit ni Franz.
Napainom sa kanyang orange juice si Maddie. Hindi niya alam kung totoo ang sinasabi ni Franz lalo pa at iniba na ni Maddie ang kanyang sim card.
Tumunog naman ang landline phone na nakaattached sa wall ng dining area. Tumayo ang kambal niyang si Mirkka at sinagot iyon. "Hello? Oh, Mom. Hi!"
Yikes! Mukhang pati ang Mommy Mari niya ay nag-aalala na rin sa kanya.
"What?!" Lumingon si Mirkka sa kanya at nagsalita, "She's here, Mom. Araw-araw siyang nandito sa bahay. Tinatawagan ka raw ni Mom, Maddie."
"Ahm eh, oh talaga?" Parang tangang sagot niya habang si Franz ay nakangisi lang. Sinamaan ng titig ni Maddie si Franz dahil kapag kasi nakangisi ang isang 'to nakakapikon talaga.
"You changed your number, Maddie?" Tanong ni Mirkka.
"Ah, oo! It got a problem with the signal, so nagpalit ako ng number." Palusot niya pero alam ng kambal niyang nagsisinungaling siya.
"Yes, Mom. Alright. Next week po dadalaw kami ni Franz." Nang matapos ang tawag ay humalukipkip si Mirkka, "Hindi ka rito kakain. Umuwi ka raw kina Mom."
"Tss!" Marahas na tumayo si Maddie, "Sige na aalis na. Para makapag-sex na kayong dalawa."
"MADDIE!" Sigaw ng kapatid niya habang nginisian lang ni Maddie nang nakakaloko ang kambal habang si Franz ay amuse na amuse sa kanilang dalawa. "Bye, lovers!" She made a flying kiss then left their place.
Sumakay siya sa kanyang Sportage atsaka na umalis sa isang exclusive village kung saan nakatira ang kambal niya at si Franz.
"Ugh, next week pa yung flight ko sa Paris. Eh kung maaga na kaya akong pumunta roon?" Tanong niya sa sarili habang bumibiyahe na siya patungong Pineview para magtungo sa bahay ng magulang.
![](https://img.wattpad.com/cover/257034451-288-k488056.jpg)
BINABASA MO ANG
HRS5: Provoking a Hot Romance with the Prim
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet Maddie Apostol who is a total siren because of her fascinating face. With her vibrant personality, it is no wonder why every social circl...