3
"Maddie!"
Napatalon siya sa kanyang kinauupuan dahil sa malakas na kabog sa pintuan ng kanyang kwarto at ang pagsigaw ng kanyang kambal mula sa labas.
"Saglit lang!"
"The Williams are here! Nakakahiya! Bumaba ka na hah?!"
Umirap naman si Maddie at pinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Nang makuntento na sa kanyang hitsura ay lumabas na siya sa kwarto niya.
Kasalukuyan siyang nasa bahay ng kanyang mga magulang. Ikakasal na kasi ang kanyang kambal na si Mirkka sa isang sikat na Fil-Am celebrity. Umuwi siya sa kanila dahil sa mamanhikan nga ang mapapangasawa ni Mirkka.
Sa may dining room kaagad siya dumiretso. Masayang binati naman niya ang mga naroon, nginisian lang niya ang kambal na si Mirkka na busangot ang mukha.
"I will be having a press conference on Saturday, Tita." Lahat sila ay nakikinig sa fiancé ng kanyang kambal.
Napangiti naman si Maddie dahil nang lingunin ng lalaki ang kambal ay kita niya ang sinseridad at nag-uumapaw na pagmamahal sa kanyang mga titig.
"I will be announcing to the public that I will be leaving the entertainment world, and that I am going to marry the woman I love the most. I want to be a full-time husband to Mirkka."
"Awwwwwwww!" Magkakurus ang dalawang palad ni Maddie sa kanyang dibdib. "You're so sweet!"
Naghalakhakan naman sila dahil sa reaksyon ni Maddie na medyo exaggerated.
"Your twin sister is really a bubbly one. I like her!" Sambit ng ina ng fiancé ni Mirkka at tuwang-tuwa na nakatingin kay Maddie.
Umikot ang usapan sa plano tungkol sa kasal pati kung saan titira ang kanyang kambal matapos ikasal. Habang nakikinig si Maddie at pinagmamasdan si Mirkka at ang kanyang fiancé ay nakangiti lang siya.
Hay, si Ronan kaya matititigan niya rin ba ako ng ganyan one day?
Sumunod na pumasok sa isip niya ang masungit na hitsura ni Ronan pero kinilig pa rin si Maddie.
"Kainis kasi, bakit di ko man lang matext o matawagan." Iyon din ang problema ni Maddie, matapos ang makapigil hiningang pag-uusap nila ni Ronan sa kanyang opisina ay hindi pa rin sila nagkikita ulit.
Balak ni Maddie ay balikan siya sa kanyang opisina kaso itong si Ronan ay may ultimate rule na hindi siya pwedeng lalapit-lapit sa kanya hangga't gusto niya.
Dahil gusto niyang patunayan kay Ronan na kaya niyang sundin lahat ng gusto at kondisyon niya ay nagtitiis ngayon si Maddie.
"Anong meron?" Tanong ni Mirkka sa kanya isang araw. Pinasadahan ni Mirkka ang kanyang kasuotan, paalis kasi si Maddie ngayon. "Jeans and long-sleeves huh?"
Marahil ay naninibago ang kambal bakit napakakonserbatibo ng suot niya ngayon, gayong sanay siyang nakacrop o kaya ay skirt.
"Bakit ba? Jeans in street style ang bet ko ngayon."
Humalakhak pa si Mirkka, "Wow! You are wearing sneakers, hmm! It suits you!"
Nakipaghigh five naman si Maddie sa kambal, "Got to go!" She kissed her twin sister's cheek and immediately left.
Nakaisip ng paraan si Maddie kung paano niya pwedeng makita si Ronan kung saan hindi naman halatang siya ang gumawa ng first move.
Humahagikgik siya habang bumibiyahe patungo sa coffee shop kung saan niya nakita si Ronan noon. "Pwede ko namang sabihing may business ako roon." Nakangising sambit niya.
BINABASA MO ANG
HRS5: Provoking a Hot Romance with the Prim
Narrativa generaleWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet Maddie Apostol who is a total siren because of her fascinating face. With her vibrant personality, it is no wonder why every social circl...