14 (SPG)

3.2K 123 5
                                    

14 (SPG)

"You should go, anak."

Natigil sa pagmamasid si Maddie sa kanyang ina nang marinig ang boses ng kanyang Daddy Alaine.

"Po?"

Her father smiled at her then tapped her shoulder, "Ako na magbabantay sa Mommy mo. For almost a month, ikaw palagi ang nandito sa ospital."

"Pero, Dad, makakausap ko naman si Ronan. We could just cancel our El Nido trip, and I could also call the Frasers that I can't do it."

Halos isang buwan ng comatose ang kanyang ina, hindi pa rin siya nagigising kaya nasa may ICU pa rin siya.

"It's not like you will be gone for a year, Maddie. Bakit ba natatakot kang bumalik sa mga nakasanayan mo? Are you thinking something?"

Napayuko si Maddie dahil meron nga siyang naiisip. Pakiramdam niya kapag nawalay siya sa tabi ng ina ay baka mangyari ang kinatatakutan niya.

"Your mother will be fine."

"Dad, hindi po talaga. Kahit si Ronan mas gugustuhin niyang icancel yung sa El Nido."

Bumuntong-hininga ang kanyang ama, "At least do that engagement you have with the Fraser wedding. You've already shouldered the expenses of your mom. Do you even have money left?"

Hindi nakasagot si Maddie. Hindi biro ang hospital bills ng kanyang ina, idagdag pang nasa intensive care unit siya.

Masuyong sinuklay ng kanyang ama ang buhok niya, "Have you seen yourself, hija? Mas mukha ka pang comatose kaysa sa Mom mo."

Natigil ang pagpatak ng luha sa mata ni Maddie dahil sa birong iyon ng ama. "Dad." Tumayo siya at niyakap ang ama, "Fine, I'll do it."

"Yes, you should. Mom is going to be fine. She'll be here when you get back home. You need to loosen up, just like what you asked me to do."

Tumango-tango lang si Maddie at mas hinigpitan ang yakap sa kanyang ama. Pagkatapos ng ilang oras nang pagbabantay niya sa ina ay sinundo naman siya ni Ronan para ihatid sa kanilang bahay sa Pineview, doon na kasi siya naglalagi simula nang macomatose ang Mommy Mari niya.

"Dad said we should go to El Nido." Panimula ni Maddie habang bumibiyahe sila.

"He did? I thought we should cancel it already?" Takang tanong ni Ronan.

Malalim na huminga si Maddie at nilingon si Ronan, "I think I need that, Ronan. Lately, parang napapraning ako. I cannot even sleep and I am so anxious."

Lumambot ang titig ni Ronan sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha, "I thought so too. Hindi ka rin kumakain nang maayos. I think I would agree to Tito Alaine, para makapagrelax ka."

Tumango-tango si Maddie, "Pero Ronan—"

"Sweetheart, stop thinking about it. Tita Mari will wake up soon. She's a fighter."

Napangiti si Maddie dahil alam ni Ronan ang sasabihin niya, "Right, Mom is a fighter."

Kaya naman sa sumunod na linggo ay tinuloy nilang dalawa ni Ronan ang napagplanuhang bakasyon. Sa may Balamban muna sila pumunta para maging makeup artist ng bride.

"Ang cute nung baby nila!" Natutuwang sambit ni Maddie habang paalis na siya sa venue ng kasal. "Ronan, gusto ko ganun kacute din yung magiging baby natin. Kasingcute ni baby Keevan."

Napangiti naman si Ronan sa kanya at kinuha ang kanyang kamay, "Of course, sweetheart." Sagot niya atsaka yumuko para halikan siya sa noo. "We should go. We cannot miss our flight."

HRS5: Provoking a Hot Romance with the PrimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon