9

2.8K 119 3
                                    

9

"And we're here!" Mary announced.

Maddie grinned when the van stopped in front of the building where a fashion magazine photoshoot will be held. She picked her rolling makeup luggage. Poise na poise niyang hila-hila ang kanyang makeup luggage habang masaya niyang binabati ang mga kakilala at dati na niyang nakatrabahong supermodels at makeup artist.

"And my favorite Asian babe is here!" Ngumisi ang pamilyar na British supermodel sa kanya atsaka nakalahad ang mga braso. "Maddie!"

Akmang lalapit ang lalaki para yakapin siya pero itinaas ni Maddie ang kanyang index finger, "Stop right there, Taylor!"

Nagtaka naman ang matangkad na si Taylor, "Huh? You mad at me or something?" Marahil ay nagtataka si Taylor bakit naging ganoon ang reaksyon ni Maddie.

Ngumisi si Maddie, "I'm off limits."

Humalakhak si Taylor atsaka na binaba ang nalakahad na braso, "Hmm. There is this man, huh?"

She just held her head high up and walked, "You can say that. He does not want me being sweet to other men. Let's be professional."

Malakas na tumawa si Taylor. "Damn, you're hotter when you become a faithful woman."

Nagtungo sila sa palapag kung saan gaganapin ang photoshoot. Higit sa tatlumpung modelo ang naroroon, pero sasampu lang naman ang aayusan ni Maddie dahil ang iba ay may kanya-kanya rin namang makeup artist.

"He must be the reason for the new clothes, huh?" Taylor said while he is sitting on a high chair and Maddie is fixing his hair.

Napatingin si Maddie sa kanyang suot, itim na leggings at knitted sweater ang kanyang suot-suot tapos ay high sneakers. "Well, you can say that." Hinawakan niya sa magkabilaang sentido si Taylor para ayusin ang pagkapwesto ng ulo sa tapat ng salamin. "Now, let's fix your hair."

Halos umabot siya ng anim na oras para maayusan ang mga supermodels na nakaassign sa kanya. Nang ipatawag na ang mga modelo ay nagpahinga muna siya sa may dressing room habang masayang iniinom ang kape.

Hawak-hawak niya ang kanyang phone. "Hmm, gising pa kaya siya?" Ala una na ng hapon sa London at dahil ahead ng walong oras ang Pilipinas ay alas nuebe na ng gabi roon. Napanguso naman siya, "Kung bakit naman kasi wala siyang social media accounts."

Habang busy siya sa pagscroll sa kanyang newsfeed ay muntik na niyang mabuga ang iniinoom niyang kape dahil sa video call notification sa Facetime.

"Oh my gosh." Mahina siyang napatili, nagmamadaling tumingin siya sa salamin at inayos-ayos ang sarili. Tumikhim pa siya ng ilang beses at hinanda ang magandang ngiti, tsaka niya sinagot ang tawag.

"Hi!" She waved her hand while Ronan looked so serious.

"Madeline."

Impit siyang tumili, "Hmm, gising ka pa?"

Titig na titig lang si Ronan sa kanya, si Maddie naman ay inayos pa ang pagkakaanggulo ng camera ng kanyang phone.

"On-going yung photoshoot, nandito ako ngayon sa dressing room." Pinakita niya ang cup, "I'm drinking coffee."

"I see. I'm about to sleep I just called to check on you."

"Really?" She smirked. "Not because you miss me?" She playfully moved her brows.

Matipid na ngumiti si Ronan, "Of course, I miss you."

She bit her lower lip, "Ronan."

"Mmm?" Nangunot ang noo ni Ronan dahil sa kagat-kagat ni Maddie ang kanyang labi, "Madeline, you're going to hurt your lip, stop that."

HRS5: Provoking a Hot Romance with the PrimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon