EIGHT YEARS AGO
"Nakakaloka naman si Dr. Jose Rizal!" Iiling na sambit ni Maddie habang gumagawa siya ng kanyang assignment na ipapasa niya mamaya sa Life and Works of Rizal. "Akala ko ba first love never dies, ang bilis namang nakalimutan si Katigbak."
Habang busy siya sa pagsagot sa mga guide questions na binigay ay nadidinig niya ang paghagikgik ng mga katabing estudyante.
Nasa Miguel de Benavides library kasi siya ngayon para magawa ang assignment ngayong mahaba ang vacant period niya.
Sinamaan niya ng titig ang mukhang mga freshmen na kababaihang naghahagikgikan gayong nasa library sila.
"Ano bang tinatawanan ng mga 'to?" Bulong niya atsaka sinundan ng tingin kung saan nakatingin ang grupo ng mga babaeng kasama. Mahinang suminghap si Maddie dahil gets na gets niya bakit todo hagikgik ang mga haliparot.
Oh la la! Ang gwapo naman niya!
Nakatingin sila ngayon sa banyagang binata na kausap ng isang kilalang tourism student. Mukhang exchange student yata siya at nililibot siya ngayon sa campus.
Nagmamadaling tinapos niya ang kanyang assignment atsaka na siya nagmamadaling lumabas ng library dahil lumabas na rin ang exchange student.
Eksakto mag-isa na lang siya ngayon, inayos niya ang suot na white blouse uniform at black slacks. Pati ang pagkakasuot ng kanyang mini backpack sa likuran ay inayos pa niya.
Hmm, gusto ko yata ng imported na ka-friendship.
Walang hiyang tumayo siya sa harapan ng lalaki, na sobrang tangkad pala ngayon sa malapitan. "Hi!"
Nangunot ang noo ng banyagang estudyante, "Ah, hi?"
Humalakhak si Maddie, "Are you a regular student here? Like a transferee?"
Umiling naman siya, "I'm an exchange student. Just taking few courses." Namangha naman si Maddie dahil sa British accent niya.
Nilahad ni Maddie ang kamay, "I'm Maddie Apostol. I'm a student here." Pinakita niya ang kanyang ID, "I'm a sophomore student and studying interior designs. What's your name?"
Napangisi naman si Maddie dahil napangiti niya ang gwapong exchange student, tinanggap niya ang kanyang kamay. "Nice meeting you, Maddie. I'm Riley Bennett. I'm actually from Birmingham, England."
"Hi Riley! So, how long will you be here? Do you have friends already? Is there anything I could help you with?"
Humalakhak naman si Riley, "Now that's a lot of questions you got there, love."
"Sorry. I'm just thrilled to meet an exchange student like you."
That's the start of her friendship with Riley. Dahil sa parehas sila ng vacant period ay palaging si Riley ang kanyang kasama, minsan ay nakakasama nila ang kanyang kambal na si Mirkka pero madalas ay sila ni Riley, may ibang group of friends din kasi si Mirkka gaya nung mga kasama niya sa isang student organization na MUSIKAT.
While her boyfriend, Xyrus Altamirano, is not around because he is busy with his internship already because he is a graduating student.
"Don't you have friends on your block?" Riley asked while they were busy eating snacks at the Rosarium.
Nilangot muna ni Maddie ang nachos, "Hmm, I have. They just love to go hangout outside the campus. I'd rather stay here. You met them already."
"Right. They are vibrant like you."
Nang matapos ang kanilang vacant period ay inihatid naman siya ni Riley sa building kung saan ang susunod niyang klase.
BINABASA MO ANG
HRS5: Provoking a Hot Romance with the Prim
Ficção GeralWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet Maddie Apostol who is a total siren because of her fascinating face. With her vibrant personality, it is no wonder why every social circl...