6
"Are you sure you don't want me to come over, hija?"
Nanghihinang umiling si Maddie habang nakahiga sa kanyang kama, kasalukuyan siyang nasa apartment niya.
"I'm fine, Mom. Complete bed rest lang po."
Kagabi kasi ay nararamdaman na niya ang pamimigat ng katawan at para siyang sisipunin, kaya kinaumagahan ay nagkatrangkaso na siya dahil sa lagnat, panghihina at pananakit ng ulo.
"I could tell to your Dad to postpone our trip for Dubai."
Mabilis na umiling si Maddie, alam niya gaano kahalaga ang getaway ng kanyang mga magulang. Dahil sa successful project ng kanyang Daddy sa Batanes ay niregaluhan siya ng kliyente niya ng trip to Dubai for two, eksakto ay anniversary ng mga magulang niya.
"Mom, no. You should go. Please, maguguilty lang ako kung malaman kong napostpone yan. Kaya ko na po 'to."
Bumuntong-hininga ang kanyang Mommy sa kabilang linya, "Alright. But I will be calling you from time to time."
Ngumiti naman si Maddie, "Alright, Mom. Enjoy your trip, please don't forget my pasalubong."
"Alright, Maddie. Take care of yourself. One week lang naman 'to, then let's go out with your Dad?"
"That's great, Mom!"
Nang matapos ang tawag ay nanakit ang kanyang ulo, matinding pamimintig ang kanyang nararamdaman. "Ugh."
Dahil sa kailangan niyang uminom ng gamot at gutom siya ay kinailangan pa rin niyang tumayo para maghanda ng kanyang makakain.
"Brr." Napayakap siya sa sariling katawan dahil sa labis na panginginig pagkatapos mawala sa pagkakabalot sa kanyang katawan ang blanket.
Nagmamadaling kinuha niya ang remote ng aircon atsaka pinatay iyon, pero lamig na lamig pa rin siya. Kaya naman kumuha siya ng isang oversized sweater para ipatong sa kanyang tank top.
Pagtingin niya sa kanyang refrigerator ay nanlumo siya dahil hindi siya nakapaggrocery, tanging laman niyon ay ilang bote ng mineral water at isang sandwich spread.
"I don't even have loaves." Nakangiwing sambit niya atsaka nagtungo sa kanyang kwarto upang kuhanin ang phone para magpadeliver.
She craves for a Japanese food so she decided to call for a delivery in Saboten. Tumambay muna siya sa kanyang living room para abangan ang magdedeliver tutal ay dalawampung minuto ang pinangakong pagdating ng kanyang order.
Lunes na Lunes at nagkasakit siya, nanulis ang kanyang labi dahil hindi niya makukulit si Ronan sa may coffee shop.
"Nakakamiss naman ang isang iyon." Malungkot niyang wika. "Tawagan ko kaya?" Napatingin siya sa oras, "He might be working."
Ilang minuto pa at dumating na ang pinakahihintay niyang pagkain. "Hello!" Masiglang bati niya sa delivery boy.
Nakita niyang bahagyang natigilan ang lalaki at di mapigilang pasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan. Kahit sino yata magugulat dahil sa nakakasilaw niyang legs na litaw na litaw at aakalaing walang suot na shorts dahil sa natabunan ang kanyang dolphin shorts ng kanyang oversized sweater.
"Ahm, ito po yung order niyo." Pulang-pula ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa kanyang mukha.
Tinanggap naman iyon ni Maddie, "Thank you!"
Inabot naman niya ang kanyang card sa lalaki. Nakita niyang nanginginig pa ang kamay ng lalaki nang tanggapin ang card, "Relax, Kuya. Ako lang 'to." Mukhang kahit papaano ay kumalma ang lalaki dahil sa biro niya.
BINABASA MO ANG
HRS5: Provoking a Hot Romance with the Prim
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet Maddie Apostol who is a total siren because of her fascinating face. With her vibrant personality, it is no wonder why every social circl...