19

2.6K 117 8
                                    

19

Ronan kept on looking around the place before he decided to go out from his car. Nagmamasid siya sa bawat lugar na nadadaanan niya hanggang sa makapasok siya sa isang restaurant.

Pagkapasok ay nilabas niya ang kanyang phone dahil sa mensaheng natanggap.

On your six.

Sa mensaheng iyon ay dahan-dahan siyang pumihit patalikod at doon ay nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng polo shirt at mag-isang nakaupo sa pang-apatang lamesa.

Lumapit kaagad si Ronan, "You're the informant that my brother mentioned?" Seryosong sambit niya.

Marahang tumango ang lalaki, "Please, have a seat."

Hinila ni Ronan ang isang upuan atsaka umupo. "You better give me facts, Roy."

Nakita niyang napalunok ang lalaki halatang natakot sa kanya, "I will tell you facts, Ronan. Hindi ko na rin kaya pang itago na lang ang lahat, may dalawang anak ako na babae at hindi ko maatim mangyari sa kanila iyon."

Tumango si Ronan. Si Roy Palermo ay schoolmate ng kanyang Kuya Rohan at nabanggit niyang ang kanyang mga magulang ay parehong naninilbihan sa mga Molina at pinag-aral siya ng mga namayapang matandang Molina, ang lolo at lola ni Dominick.

Pahirapan si Ronan sa paghahanap sa pwedeng magdiin kay Dominick sa ginawa niya kay Maddie, hanggang sa mabanggit ng kanyang Kuya Rohan si Palermo na takot na takot siya kay Dominick, dahil sa may malaking bagay siyang alam.

"Kilala mo ba siya?" Pinadulas ni Ronan ang phone patungo sa pwesto ni Roy para ipakita ang litrato ni Maddie.

Nailing naman si Roy at parang nadismaya si Ronan, "Hindi ako pamilyar sa kanya. What's her name?"

"Madeline Dionne Apostol. Madalas siyang tawaging Maddie."

Nangunot ang noo ni Roy, "Maddie Apostol?"

Napaupo ng tuwid si Ronan, "Yes. Naaalala mo ba siya?"

"I am not familiar with her appearance, but her name does sound familiar." Napayuko pa si Roy tila nasa malalim na pag-iisip.

"Think about it, Roy. Please. This woman ..." tinuro niya pa ang phone, "is my fiancée. Nick has done something to her but I lack proof to sue him."

"Siya ba yung may kakambal?"

Napatango si Ronan, "Yes. Mirkka, si Mirkka naman ang kambal niya. Why?"

Napatango si Roy mukhang may naaalala na, "Madalas imbitahan ni Sir Nick ang mga kaibigan niya sa kanilang bahay lalo na kapag wala ang kanyang mga magulang dahil busy sa farm. Ako ang nauutusan ni Sir Nick doon na dalhan sila ng pagkain at maiinom sa may pool area. Madalas nilang pag-usapan ang mga ..." Napatingin si Roy sa kanya para bang nag-aalinlangan.

"Go on, Roy. Just tell me everything, I promise I will keep you safe."

Tumango naman si Roy, "Madalas nilang pag-usapan ang mga babaeng kursanada nila ... pati na iyong mga bisyo nila." Malalim na huminga si Roy at pinagpatuloy ang kwento, "I remember how they talk about orgies. Plus, how they get the girls on their bed, that was the time when I heard the Apostol twins. Nick kept bringing up Maddie Apostol, how he desired her and how he desired her even more because she is feisty and challenging."

Nanguyom ang mga kamay ni Ronan, "Sa tingin mo, si Nick at ang mga kaibigan niya, marami silang kabalastugan noon?"

"Sigurado ako. There was this one night when Nick brought a girl who seems enjoying Nick's company, and his friends came. At first, I did not want to conclude what was happening in his room, until the next morning, I needed to help in the chores such as cleaning his room."

HRS5: Provoking a Hot Romance with the PrimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon