13

3K 119 4
                                    

13

Abang na abang si Maddie sa may tapat ng isang glass display. Hindi na siya makapaghintay na makita ang kanyang binili.

Nang makita niya ang sales lady na papalapit sa kanya at hawak-hawak ang isang box ay napangiti na rin siya.

"Is that it?" Tanong ni Maddie.

Tumango ang babae at maingat na pinatong ang parisukat na kahon sa ibabaw ng glass display. "Yes, Ma'am."

Napapalakpak si Maddie, "Oh my gosh! Patingin!"

The sales lady gently lifted the upper part of the box and Maddie's eyes sparkled. "Perfect!" She carefully removed from the jewelry cushion the two branded watches. The first watch is a bit bigger because it is meant for Ronan while it also has a smaller version which is for her.

Kaarawan kasi ni Ronan ngayon at ang naisip na iregalo ni Maddie ay ang His and Hers set ng Rolex. Tinignan niya ang likuran nang dalawang relo.

Engraved on the watch is a statement.

Time flees, but we will stay.

Hindi na makapaghintay si Maddie na maibigay iyon kay Ronan. Inayos niya kaagad ang kanyang transaksyon atsaka na siya umalis sa mall. Kailangan niyang makabalik sa kanyang apartment dahil susunduin siya mamayang gabi ni Ronan para sa kanilang dinner date sa isang roof deck bar sa Seda Hotel.

"Pwede naman siguro akong magsuot ng dress?" She asked while pinching her chin. She is looking for the perfect dress to wear. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapagsuot ng dress, halos puro na siya pantalon at long sleeves.

"Hmm, birthday naman niya." Nagsimula siyang hawiin ang bawat damit na nakasabit sa clothing rack.

She decided to wear a cold-shoulder midi dress that is in pure white. The sleeves are puffy in style and has sweetheart neckline showing her sexy collarbone.

"Gosh, huwag sana siyang mabeastmode." Medyo natetense na sabi niya habang hindi maalis-alis ang tingin sa harapan ng salamin. Tinitignan niya talaga nang mabuti kung kabastos-bastos ba ang damit niya o maging rason iyon para magalit si Ronan sa mismong birthday niya.

For the last piece that would complete her dinner date outfit, she wore a glamorous pair of silver strappy sandal heels. Tumangkad pa siya lalo dahil sa four-inch heels niya, pero sigurado siyang hindi pa rin siya papantay kay Ronan.

She heard the chime of the door bell and the beeping sound of entering a passcode. "Oh my gosh! He's here." Dahil alam ni Ronan ang passcode ng kanyang apartment ay talagang hindi na magdadalawang isip ang nobyo na buksan iyon.

She immediately grabbed her black Chanel shoulder bag with a golden chain and went out of her room. Ang mabilis na kilos ay biglang bumagal dahil ayaw ni Ronan ang masyadong magaslaw sa isang babae.

Nakita niya ang malapad na likuran ni Ronan na nakatitig sa isang abstract painting na nakasabit sa may sala. Maingat na maingat na lumapit si Maddie, gusto niya kasing yakapin mula sa likuran si Ronan.

Her arms are ready to hug him when she screamed in surprise because Ronan swiftly turned and grabbed her waist. "Gotcha." He whispered then kissed the top of her head.

Napatingala naman si Maddie. Sumalubong sa kanya ang masayang hitsura ni Ronan, kaya pati siya ay napangiti na rin.

"Happy Birthday, sweetheart." Sinserong bati niya sabay hawak sa magkabilaang balikat ni Ronan at hinalikan siya sa labi. "Hala, sorry." Pagkahiwalay kasi ng mga labi nila ay naiwan ang bakas ng kanyang lipstick.

HRS5: Provoking a Hot Romance with the PrimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon