18

2.6K 120 9
                                    

18

Ronan is busy in reviewing the accuracy of the financial statements and audit reports in his office, when his phone rings.

Tinigilan niya ang pagbabasa sa papel na hawak atsaka tinignan ang phone. Kaagad niyang kinuha ang phone nang makitang si Tito Alaine pala ang tumatawag.

"Tito?"

"Ronan, I'm sorry for the calls." Paumanhin ni Tito Alaine.

Napailing naman si Ronan, "It's fine, Tito." Napapadalas nga ang pagtawag ni Tito Alaine sa kanya at isa lang naman ang dahilan kung bakit siya tatawag.

Si Maddie.

"Maddie's been out the whole day. She left her phone again, and she did not bring her car."

Napabuntong-hininga si Ronan, isang linggo kasi matapos mailibing si Tita Mari ay palagi na silang nag-aalala kay Maddie, kaya naman si Tito Alaine ay palaging napapatawag sa kanya para hingan siya ng tulong.

"She might be there again, Tito. I'll check."

"Thank you, hijo. Wait, are you working?"

"No, Tito. I'm done actually." He lied. Magundertime na lamang siya dahil hindi siya mapapakali kung sakaling mapahamak si Maddie. "I'll try to go there, Tito."

"Thank you, Ronan."

Pagkatapos nang pakikipag-usap niya kay Tito Alaine ay dali-daling nagligpit si Ronan at kinuha ang kanyang coat na hindi na niya naisuot dahil sa pagmamadali.

Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan patungo sa Emerald Memorial Gardens. Nagtungo siya sa lugar kung saan nakatayo ang iba't ibang mga mausoleum.

Nang matapat siya sa isang konkreto at may malaking salaming pintuan ay lumambot ang titig niya nang makita niya si Maddie sa loob na nakaupo sa sahig at nakatingin lang sa libingang gawa sa granite.

Malalim siyang huminga atsaka pumasok sa loob. "Madeline." Mahinang tawag niya pero hindi tumalima si Maddie, nakatingin lamang siya sa maliit na portrait ni Tita Mari na nakalagay sa lapida.

Napalunok si Ronan nang makita niya ang nakakahabag na hitsura ni Maddie. Maputla ang kutis at nangingitim ang ilalim ng mga mata, ang mga mata naman ay namumula dahil sa pag-iyak.

"Your dad is worried about you. Let's get you home." He squatted so he could adjust his level to her.

Umiling si Maddie, "I don't want to leave her alone."

Nanghihina si Ronan sa tuwing nakikita niyang walang kabuhay-buhay si Maddie ngayon. "Did you even eat something? Maaga ka raw umalis, it's ..." napatingin sa relo niya si Ronan at nakita niyang alas kwatro na ng hapon. "four in the afternoon."

"I'm not hungry. You should go."

"Madeline, please. Let's get you home." Pakiusap ni Ronan at sa wakas ay nilingon din siya ni Maddie.

"Why are you here again?" She asked coldly.

Ronan cupped her cheeks. "Because I'm worried. You've been like this for days. Nag-aalala ako, pati si Tito."

Ang mga pagod na mga mata ni Maddie ay nakatitig lang sa kanya. "This will be the last."

Ronan nodded his head then kissed her forehead, "Don't do this again, sweetheart. We're worried."

Nagtaka naman si Ronan nang dahan-dahang nilayo ni Maddie ang mukha sa kanyang hawak, at nasaktan si Ronan, dahil sa pagbabago ng trato ni Maddie sa kanya. Of course, he understands why Maddie is treating him this way, it is entirely his fault.

HRS5: Provoking a Hot Romance with the PrimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon