Chapter 2

4K 250 9
                                    

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na nakahinto kami. Nilingon ko ang driver seat. Wala duon si Bebang.

I roam my eyes around. We're currently at the gas station.  Nag stop over pala kami.

Bumukas naman ang pintuan at pumasok na sya.

"Gising ka na pala. Sorry ha, naiihi na kasi ako e."

"Kakahinto lang ba natin?"- tanong ko habang na inat.

"Hmm mga 5 minutes ago na."

Muli nyang binuhay ang kotse at nagdrive na paalis.

Bigla naman kumalam ang tiyan ko kaya narinig ko ang pagtawa nya.

"May pagkain sa backseat. Abutin mo nalang tapos subuan mo ako."

Napailing naman ako sa huling sinabi nya pero kinuha ko pa din yung pagkain.

"O nga nga."- sabi ko at inumang ang pagkain.

Kumagat naman sya dun sa tuna sandwhich at mukhang tuwang tuwa pa na nautusan nya ako. Baliw talaga to.

*******

"Is this the right way?"- she asked after a while .

"San Martin"- basa ko sa karatula na medyo nilulumot na ang paligid.

"Sabi ko nga nandito na tayo."

Pinihit nya ang manibela at pinasok sa diretsong daan.

"This is giving me creeps."- himutok nya habang binabaybay namin ang mapuno at madamong paligid.

Sementadong kalsada naman ang dinadaanan namin kaya hindi malubak.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa mga ala alang bumabalik sa isip ko.

"Kumalma ka. May mga bahay na tayong makikita mamaya."- sabi ko dahil iyon ang na aalala ko.

Pagkatapos ng ilang minuto nakita na nga namin ang mga bahayan.
Narinig ko pa ang pag singhap ni Bebang habang nakatingin sa mga bahay na nakikita nya.

"Wow, this place looks like paradise in the inside."- sabi nya

"Yeah. Andami na palang nagbago."

Except sa mga taniman na matatanaw pa din. May mga tao din na naglalakad at karamihan ay may mga dalang basket. Mag aani siguro ng mga pananim nila.

Pansin ko din ang pag sunod nila ng tanaw sa sinasakyan namin ni Bebang. Nagtataka siguro kung sino kami.

Lumagpas din kami sa pamilihan bago namin natanaw ang dalawang palikong daan.

"Saan ako liliko?"

I point to the left side because that's what my instinct is telling me.

Hindi kalaunan ay nakita na namin ang isang malaking gate at ang isang malaking bahay sa likod nun.

Saroza - iyan ang nakalagay sa mismong gitna ng gate.

"Ay palakang mukhang tibe!"- sigaw ni Bebang nang may kumatok sa bintana.

She sighed before rolling down the window. An old man looked at us.

"Private property po ito. Pwede ko po bang malaman kung ano ang kailangan nyo mga ineng?"

Nilingon ako ni Bebang kaya naman ako na ang nag salita.

"Ako po ang apo ng may ari ng bahay na ito."

"Ikaw ba si Isabel? Yung bata dito dati?"

Tumango naman ako sa kanya. Sumilay ang ngiti sa mukha ng matanda.

The Angel's Portrait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon