Nakangiti ako habang nag aayos sa harapan ng salamin. Unang araw ko sa trabaho kaya naman hindi ko maiwasan na ma excite.
From now on, I'll be working in an office. Being an employee of one of the biggest companies in the country is really such a big blessing to me.
Pagkatapos kong mag ayos ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto. Bumaba na ako.
Nakarinig naman ako ng tawa. Boses ni Erica iyon. Kaya naman na curious ako at dahan dahan akong sumilip sa may garden nila ni Nanay.
Nakita ko duon na kausap nya si Aniela. Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila basta nakita ko na nakangiti si Aniela at ito naman si Erica may pahampas hampas pa habang natawa.
"Close na sila."- anang boses sa likod ko.
"Nay!!"- gulat na singhal ko at napahawak pa sa dibdib ko.
"O bakit? Aba ang ganda mo ngayon anak ah."
Pinasadahan nito ng tingin ang kabuoan ko. Medyo nahiya naman ako.
"Ngayon lang po?"
"Edi palagi."
"Yown! Kaya love na love ko kayo e. Pano ba yan kailangan ko na po umalis baka ma late po ako."- sabi ko at tumungo na sa gate.
"Mag iingat ka."- paalala ni nanay.
Ngumiti naman ako at binuksan na ang gate.
"Aria.."
Napatigil ako dahil sa boses na iyon. Nasa labas nako ng gate nakatayo.
Sumunod pala sya."Bakit?"- takang tanong ko pero humakbang lang ito palapit sa akin at nilahad ang palad nya.
I frown, looking at her pale palm that has a butterfly on it.
"Ano ang gagawin ko dyan?"
"Kunin mo."
"Aniela, madudumihan ang kamay ko."
Kasi naman buhay pa yung butterfly. Ang ganda nga ng kulay pero ayaw ko pa din hawakan dahil baka dumikit sa kamay ko yung kulay nun.
The next thing she did made my jaw drop. Not literally.
She closed her hand and when she opened it again, the butterfly turned into a stoned one.
She reached for my hand and placed the stone-carved butterfly there.
"Take her with you. It's a secret between the two of us, Aria. We both know that butterflies' lives are short, shorter than people. That's why I turned her into stone so that she wouldn't die."
"She's dead."
"Not yet. But she will if you break it."
Umatras na sya pagkatapos nun at tumalikod.
Nagulantang lang ako nung marinig ko ang pagsara ng gate. Tinago ko nalang sa bulsa ng bag ko yung paru- paro at nagmamadali na pumara ng taxi sa labasan.
Nakarating ako sa trabaho sa tamang oras. Buti nalang mabilis lang ang byahe.
Ayaw ko naman na first day of work may warning agad."You're the new one, right?"- pagbungad sa akin ng lalaking naka formal suit pagkalapag ko ng gamit ko sa cubicle ko.
"Yes Sir."
"Follow me."
Sumunod nalang ako at lumabas kami.
Sumakay kami sa elevator."I'm Dasian Faust. The one supervising y'all, but you can call me Ian for short."
"Sir is better because it would be inappropriate to address you casually."
BINABASA MO ANG
The Angel's Portrait ✔
Sonstiges"It's moving!" "Ha? Alin?" "Yung larawan ng anghel!" "Alam mo Bebang kung ano ano sinasabi mo." "Bahala ka nga dyan! Basta lalabas na ako. Sabi ko na nga ba may something dito sa lumang bahay ng family mo" I shook my head while watching her disappea...