Chapter 20

2.3K 176 24
                                    




"What took you so long?"-nakasimangot na tanong ko kay Aniela pagkalabas nya ng gate.

Hindi naman nya ako pinansin at nauna ng naglakad papuntang labasan.

"Hoy babae! Kinakausap pa kita!"- sapat lang ang lakas ng sigaw ko para marinig nya pero sadyang nang aasar yata sya dahil hindi manlang sya lumingon.

Nakasimangot tuloy ako hanggang sa may intayan ng sasakyan.

Pumara na ko ng taxi at sumakay na kami.

Syempre ako sa tabi ng driver kasi ako naman magbabayad. Habang sya nanduon sa likod nakatingin sa labas.

Ngayon kasi yung pangako kong igagala ko sya. Sa sobrang excited yata nawalan na sya ng dila at hindi na ako kinakausap.

She looks fine and beautiful wearing the clothes I bought for her. It's a pink crop top paired with high waisted black pants. Yung skirt nga sana ang balak kong bilhin pero baka maging uncomfortable sya kapag tinitigan sya ng mga tao. Nakakairita pa naman kapag nakakakita ako ng mga manyakis.

Our first stop is in the Mall. Sabi kasi nya gusto nyang makapunta dito. Curious sya kung ano yung mga nasa loob nun.

Nagbayad na ako at bumaba na din para masundan sya.

"This is huge."- she muttered while gazing in front of the mall.

"Yes, so let's go?"

Tumingin naman sya sakin at ngumiti bago kami lumakad papasok.

As always yung spotlight na nasa akin pagpasok namin ay napunta sa kanya.
Paano ako makakabingwit ng prince charming e sa tuwing kasama ko sya sa kanya na lahat nakatingin?

Hindi naman nya pinansin ang mga tao sa paligid at naglakad lang na parang amuse na amuse sya sa mga nakikita nya.

"So this place was full of different things, or let's say products, just like what I've read in the books."- sabi nya habang naglalakad kami.

"May mga fast food din dito."

"Fast food?"

"Oo duon pa yon sa kabilang side. Fast food sya kasi pang mabilisan kain lang din at saka mabilis lang maiserve."

Naglakad pa kami ng naglakad at napansin ko na nakatingin sya sa elevator tapos lumilingon din sya sa escalator.

"Aniela.."- pagtawag ko sa kanya at hinila sya ng bahagya sa tabi ko kasi nakakahiya naman sa mga taong dumadaan na gusto na yatang tumulo ang laway.

"That's an elevator. The one with a door If you want to reach a certain floor as fast as possible, you can use it. But if you want to enjoy looking around while going up without walking , you can use the escalator. The moving ladder right there."-mahabang sabi ko habang minumwestra sa kanya kung alin sa dalawa yung sinasabi ko.

"Okay then let's go up."- she said and walked towards the escalator.

Natawa nalang ako kasi nauna syang umapak pero umatras sya para lang humawak sa braso ko dahil paakyat na kami.

"This is cool!"- she said with a tone of happiness in her voice.

Nakarating kami sa taas at halos lahat na yata ay nilibot namin . Pati mga tindahan ng damit.

So my role for today is her freakin' tour guide. Kasi kahit saan kami magpunta ineexplain ko sa kanya yung mga nakikita nya.

Different music can be heard from different stores that's blending with the chattering of people around us.

"They're beautiful."

Sinundan ko naman ang tinitignan nya. Nanunuod pala sya dun sa screen ng t.v

"Of course. They are Blackpink."

The Angel's Portrait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon