Chapter 10

2.8K 235 22
                                    



"Are you really leaving?" - I asked Brie while she was busy packing her clothes.

"If it wasn't for an emergency, I would stay here a few more days,"- sagot naman nya at tumayo matapos maisara ang zipper ng bag nya.

Sinundan ko sya hanggang sa baba at tinulungan na ipasok sa kotse ang iba pang gamit nya.

She faced me and smiled. A teasing one.

"Ang panget mo malungkot."

Sinimangutan ko naman sya at inirapan.

"Sino may sabi na malungkot ako?"- masungit na tanong ko at humalukipkip pa.

"Ay, may kasama ka naman pala dito kaya hindi ka maboboring."- sinundan pa iyon ng isang hagikgik.

"Nang aasar ka ba?"

"What's with you? Ang aga aga ang sungit mo."

"Dalian mo na. Lumayas ka na."

Hindi naman nya ako pinansin. Bagkus ay sa likod ko sya nakatingin.

"Aniela!"- she said and went on her way.

Mukha naman tuod yung isa ng yakapin sya ni Bebang.

"I will miss you."- sabi pa ni Brie bago ito binitawan.

Aniela, on the other hand, just chuckled and caressed Bebang's hair.

"We'll come with you."

"Ha?"- naguguluhan kong tanong.

Anong 'we'll come with you' na sinasabi nya ?

"May nakita akong sasakyan sa garahe. Mukhang gumagana pa naman."- sagot nya.

Kaya ba kanina pa sya wala sa loob ng bahay at nanduon sya sa likod?

"Tara tignan natin."- pagyaya ni Brie.

So the three of us go at the back. In the garage, to be exact, to see the car.

Hindi nga sya nagbibiro. May sasakyan nga duon.

Hinila ko paalis ang tumatakip duon at tumambad sa amin ang isang kotse. Hindi sya katulad ng normal na kotse na nakikita sa ngayon. Pang old fashioned ang design. At 3 lang ang kakasya sa loob. Maayos pa naman ang kulay nuon. Hindi naman mukhang luma.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa driver seat. Kinapa ko ang lagayan ng gamit sa loob. Nakuha ko naman duon ang susi.

I glanced at them before I decided to put the key in the key hole.

"Wow! Gumagana naman pala e!"- Bebang said excitedly when the engine roared.

**********

Nakasimangot ako habang nagmamaneho at nakasunod sa sasakyan ni Brie.

Nagkasundo kasi silang dalawa. Oo sila lang na ihahatid daw namin hanggang sa syudad itong si Brie.

I get that it's dangerous to let Abriella drive alone. Lalo na at hindi pa sya pamilyar sa daan dito. Paglabas mo kasi ng San Martin wala ka ng makikitang mga bahay. Halos puro puno na at mga damohan.

Sa susunod na brgy. pa at sa mismong syudad ka na makakakita ng mga bahay.

"You're not happy."- komento ng katabi ko.

Muntik ko ng makalimutan na may kasama pala ako sa loob ng kotse.

"Kapag tayo nawalan ng gasolina. Ibebenta kita."- naiinis na sabi ko.

Isa kasi yon sa iniisip ko kanina kaya ayaw kong umalis at gamitin itong kotse. Ina alala ko hanggang saan aabot ang gasolina nito.

Narinig ko naman ang pagtawa nya. Kunot noo na binalingan ko sya saglit ng tingin bago muling humarap sa kalsada.

The Angel's Portrait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon