5 years later
Staring at our old ancestral house brings back old memories as well. A memory that I am the only witness to.
It's been five years already, but I'm still hoping that everything that happened way back then was real.
Matanda na sina Tatay Lando at Nanay Edna kaya naman sabi ko wag na sila mag abala pa na maglinis dito dahil magpapadala nalang ako ng tao buwan buwan para mag asikaso dito dahil kaya ko naman na magpa sweldo ng tao.
Binigyan ko naman ng pakunswelo yung dalawang matanda kahit pa tumatanggi sila binigyan ko pa din. Matanda na kasi sila at kailangan nila ng maintenance ng gamot para manatili ang lakas nila. Kung hindi ko nagawang alagaan ang magulang ko dahil maaga silang nawala , gusto kong gawin nalang iyon sa ibang tao dahil parang naging magulang ko din naman sila nuong panahon na pumunta ako dito.
It took me months to finally walk again and to regain my strength. Naging madali naman ang recovery ko dahil ginusto ko din talaga na gumaling kaagad.
May ilan ilan din akong naging session sa psychologist dahil sa paulit ulit ko pa din na pinaglalaban na totoo ang nangyari at totoong may nakasama akong anghel.
It's so hard to believe in something that other people don't want to believe in.
They may imagine you as insane when you're completely sane.
Pero sa nagdaan na taon ay pinilit ko pa din na humanap ng kasagutan kahit pa lahat ng nangyari ay parang nag mistulang abo na naglaho.
Walang bakas na naiwan. Na parang panaginip nga lang talaga ang lahat.
Sinubukan ko din hanapin yung naiwan na sulat ni Aniela sa apartment pero wala.
And I remember Erica's words to me.
"We heard what happened to you, ate Isabel. But believe me, we don't know anything about this Aniela girl that you're talkin' about. We just received news that you've met an accident a few days after your graduation."
Diba nakakainis? Na lahat sila walang maalala. Na lahat sila hindi kilala si Aniela.
Nuong pumunta ako dito sa San Martin nuong pagkatapos kong maka recover hinanap ko yung matanda na may kakaibang mata. Sinubukan kong magtanong sa pamilihan pero iisa lang ang sinasabi nila sa akin.
"Wala kaming kilalang ganyan dito, pasensya ka na hija."
Sinubukan ko din na baybayin yung daan kung saan dumaan dati yung matanda nuong inimbitahan nya ako sa bahay nya para kausapin ako tungkol sa larawan. Nagbabakasali ako na makita ko ang tahanan nya pero sa kasamaan palad wala akong nakitang bahay o lumang bahay sa lugar na iyon.
Purong mga damo at puno lamang ang nanduon.
Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na pumasok na sa bahay namin matapos kong magbalik tanaw sa nakaraan.
Ang huling ala ala ko ay nasunog ito pero nuong bumalik ako nuon wala naman nagbago. Buong buo ang bahay. Ang tanging wala lang ay ang larawan.
Sinubukan ko naman mag research tungkol duon sa larawan pero wala akong nakita.
I didn't find the same exact portrait on the internet. I can't find the same info I read a few years ago when I was looking for an answer.
Malungkot akong nakamasid sa dulo ng hagdanan. Kung saan dati ko unang nakita ang larawan ng anghel.
Walang bakas duon na sinabitan iyon ng larawan. Isang simpleng pader lamang iyon na may kulay puting pintura.
Tinanggal ko ang telang puti na nakatakip sa sofa at naupo muna ako duon para magpahinga.
BINABASA MO ANG
The Angel's Portrait ✔
Random"It's moving!" "Ha? Alin?" "Yung larawan ng anghel!" "Alam mo Bebang kung ano ano sinasabi mo." "Bahala ka nga dyan! Basta lalabas na ako. Sabi ko na nga ba may something dito sa lumang bahay ng family mo" I shook my head while watching her disappea...