Chapter 13

2.3K 199 6
                                    




Nakapag luto na ako lahat lahat pero wala pa din Aniela na bumababa.

Paakyat na sana ako sa taas ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan.

Sumabay pa ang nag iingay kong cellphone.

I fished out my phone first while walking towards the door.

Brie's the one who's calling me.

"Hello?"

"Hey! I called to inform you that we're already in L.A."

"Hmm. Good for you. So how's your grandma?"

Pinihit ko na ang doorknob at hinila pabukas ang pintuan.

Bumungad sa akin si Nanay Edna.

"Magandang tanghali ineng." - sabi nito habang may dalang isang basket na prutas.

Ngumiti ako ng tipid.

"Pasok po kayo nay."

"Ako lang mag isa. Hinatid lamang ako ng asawa ko hanggang tarangkahan dahil may kailangan pa syang asikasuhin sa bukid."- sabi nya ng mapansin na hindi ko pa sinasara ang pintuan.

"Ah okay po."

After closing the door, I went back to talking to Brie. Nagtatampo na kasi dahil hindi ko daw pinapakinggan ang kinukwento nya kanina pa.

Kahit malayo sya naiimagine ko pa din ang inis nyang mukha kapag hindi ako nakikinig sa kanya.

Natapos ang pag uusap namin at kasabay nuon ay ang pagkalam ng sikmura ko.

Binalik ko sa bulsa ng pantalon ko ang phone ko at tumungo na ulit sa kusina.

Naabutan ko si Nanay Edna na tapos ng mag handa ng pagkain.

Aniela, on the other hand, was still nowhere to be found.

"Nay sumabay na po kayo sa amin. Tatawagin ko lang po si Aniela."- paalam ko at pumanhik na sa itaas.

I knock on her door, but she's not responding.

"Lunch is ready. Come out now."

Napakamot ako sa kilay ko ng hindi ako makarinig ng sagot.

I comb my hair and heave a sigh before twisting the doorknob.

"An-- HEY ARE YOU OKAY?!"

Mabilis akong lumapit sa kanya dahil naabutan ko syang nakahiga sa sahig.

I tap her cheek and she slowly opens her eyes.

"Anong masakit sayo?"

"My back."- she mumbled, clutching my shirt.

I felt her back soaked with sweat.

Kanina pa ba sya nakahiga sa sahig at nahihirapan?!

Inalalayan ko sya tumayo  at iniupo sa kama.

"Let's take this off."- I said referring to her upper clothes.

Wala naman syang imik kaya hinubad ko na.

Sinilip ko ang likuran nya at gayon nalang ang gulat ko ng makita na sobrang namumula na naman iyon.

"They want to come out. But I don't want to." -halos pabulong na sabi nya.

"They're your wings. So why are you preventing them?" 

She looked at me after I put on her the t-shirt I picked from her closet.

"I can't risk it. Other people might see me and I don't want them to bother you."

I caress her back when she leans on me. I can hear her heavy breathing.

The Angel's Portrait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon