Chapter 22

2.2K 155 32
                                    





"Bakit ganyan?"

Nakita ko kasi na inipon na nya yung mga libro na nabasa nya at nilagay sa isang tabi.

Pansin ko din na tiniklop nya yung kumot at sapin ng kama nya.

"I'm off to somewhere."-she simply said, not looking at me.

I frowned, but I didn't bother to ask. Maybe she will wander off on her own.

Dinampot ko na ang bag ko at muli syang tinignan.

"Aalis na ako. Wag ka magtatagal sa labas ha. Umuwi ka kaagad baka mapano ka."-sabi ko at tinungo ang pinto.

Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang boses nya na tinawag ako kaya naman napalingon ulit ako sa pinto.

Nakatayo sya dun at mataman na nakatitig sa akin.

"Take care of yourself, Aria. Goodbye."- sabi nya at pinagmasdan pa ako ng matagal bago pumasok sa loob at sinara ang pinto.

Weird.

Binati ko pa si Nanay na naglilinis ng halaman nya sa garden bago ako nagpasya na umalis na ng tuluyan.

This day felt so gloomy for me, but I don't know why. The weather is good, but I can't bring myself to smile.

**********

Busy ako sa paghanap sa ID ko sa bag ng makapasok ako sa kompanya. Kailangan kasi yon para makadaan kami.

"What the heck!"- I exclaimed, losing my balance because someone bumped me.

Mabilis naman na nahawakan ako ng bumangga sa akin pero tumilapon na ang bag ko.

"Sir?!"- gulat na sabi ko at lumayo sa kanya.

"I'm so sorry. It's just that I'm in a rush."- Sir Damian said.

Inayos ko ang sarili ko at ang medyo nagulo kong buhok.

"Ayos lang po. Pasensya na din."- sabi ko at dadamputin na sana ang bag ko pero naunahan nya ako.

"Here. I'm sorry again."- he said, and was about to walk off when he noticed something on the floor.

Sinundan ko naman kung ano iyon at nagulat ako ng makita ang tinitignan nya.

It's the stone carved butterfly given by Aniela.

"That's--"

"Sir, we need to go now."- humahangos na wika ng isang ka office mate ko.

Hindi sya nakatingin sa dinadaanan nya kaya naman...

"NO!"- I exclaimed when he accidentally stepped on the butterfly, causing it to break into pieces.

Muntik pa nga syang ma out balance dahil duon pero tinignan lamang nya ang ilalim ng sapatos nya at kibit balikat na pinagpag ang paa nya.

Hindi ko alam kung bakit pero sobra sobra na ang kaba ko ngayon.

For some unknown reason, just looking at the broken butterfly makes my heart break too.

Bigla naman nagring ang phone ko dahilan para mas dumoble ang kaba ko na nararamdaman.

Number lang yung tumatawag. Nag isip pako kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli mas pinili ko na sagutin nalang dahil mukhang emergency.

"Hel--"

"Isabel! Ang 'nay Edna mo ito anak,pasensya ka na pero kasi kailangan mo magbalik ng San Martin. Muntik masunog ang buong bahay nyo!"

The Angel's Portrait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon