Chapter 3

3.5K 241 6
                                    

Pababa na ako mula sa second floor ng bahay ng matanaw ko sa dulo ng hagdan si Bebang na inaayos yung kurtina kanina na tinanggal nya dun sa portrait.

"Bakit mo binalik? Mas maganda nga kung wala ng takip e."- sabi ko ng makalapit ako.

Bumaba na sya sa upuan na tinutungtungan nya at pinagpag ang kamay nya bago bumaling sa akin.

"Hindi ako komportable."- tanging sagot nya bago hinila yung bangko at binalik sa pinag kunan nya.

Naiiling na tumungo na lamang ako sa kusina.

May kuryente naman dito sa bahay. Kaya lang konting ilaw lang ang nakabukas. Hindi totally lahat kaya may mga parts na medyo madilim pa.

"Tsk. I should have brought my small ref."- palatak ko ng makita na walang ref dito.

I also forgot to ask Tatay Lando if the water in here is clean or not. Baka mamaya nalang kapag dumating na sya.

Lumapit ako sa lumang lutuan na nakita ko. May lumang banga din nga e.
Sobrang tanda na din pala ng bahay na ito.

"Aria, nandito na sila."- rinig kong sabi ni Bebang kaya naman tumalikod na ako at umalis ng kusina.

Natanaw namin mula sa front door si tatay Lando kasama ang isang matandang babae. Iyon siguro ang asawa nya.

"Pasensya na mga ineng medyo natagalan kami. Kinuha ko na din kasi kayo ng tubig."- si tatay Lando.

Saka ko lang din napansin na may buhat pala syang jug.

"Ako na po magbuhat."

"Ayos lang ito. Saka nga pala, ito si Edna asawa ko."- pakilala nya sa kasama nya.

Magalang naman kaming nagmano dito.

"Ang gagandang bata naman nito.Maligayang pagbabalik nga pala Isabel."

"Salamat po"- Brie and I answered in unison.

Sabay sabay na kaming nagpunta sa kusina. Nilapag ni tatay Lando yung jug ng tubig na dala nya at nagpunas ng pawis gamit ang bimpo na nasa leeg nya.

"Lalabas muna ako."- paalam nya sa asawa nya at umalis na.

Nilabas naman ni nanay Edna ang laman ng basket na dala nya.
May saging duon at mga gulay at karne. Meron din tinapay na mukhang bagong luto pa dahil mainit init pa at amoy na amoy ang bango.

Naupo naman ako sa may kitchen counter habang si Bebang ay kumuha naman ng saging bago ako tinabihan.

"Gusto nyo po ba na tumulong kami?"- tanong ko.

Nakakahiya naman kasi kung sila lang ng asawa nya ang kikilos dito sa bahay e hindi naman talaga namin sila kasambahay.

"Naku wag na. Alam namin ni Lando na malayo ang binyahe nyo kaya pagod kayo."

"So, nay may anak po ba kayo?"- si Brie na ang nag iba ng topic. Magaling naman sya sa ganyan para hindi awkward ang atmosphere.

Bigla naman lumungkot ang itsura ni nanay at bumuntong hininga.

"Meron pero hindi na sya umuuwi e."- may himig ng lungkot sa boses na sabi nito.

"Why? Where is he or she?"

Siniko ko naman si Brie at pinanlakihan ng mga mata. Chismosa yern?

"Sa syudad. Mas maganda daw kasi duon kesa dito."

"Sorry to hear that."- si Brie ulit at nanahimik na.

I cleared my throat and smiled to ease the tension. I know the old woman isn't comfortable with the topic.

"Mas maganda po dito. Tahimik ang paligid at maaliwalas ang hangin."

"Oo tama ka. Pero ewan ko ba at ayaw na nyang bumalik pa dito."

Nagsimula na syang magluto ng sinigang at ako naman ay kumuha ng tinapay.

Siguro bibili nalang ako ng lutuan, ref, at mga groceries kung magawi ako sa pamilihan.

Malaki pa naman yung ipon ko e saka para may pakinabang naman yung kotse ni bebang.

I glance at my wristwatch. Hapon na pala at siguro palubog na ang araw sa labas.

Natapos naman magluto si nanay Edna ng hapunan bago pa mag ala sais ng gabi.

Namangha pa si Bebang habang pinapanuod ang pagkasunog ng gatong sa lutuan.
Sanay daw kasi sya sa gasul kesa sa ganun.

"Dito na po kayo kumain."- yaya ko habang nag hahanda ng mga plato.

Bigla naman pumasok si tatay Lando galing sa likod. May inabot ito kay nanay Edna at parang nag usap pa ang mga ito gamit ang kanilang mga mata.

"Is that a feather?"-si bebang na nakatingin sa sahig.

"May patay na ibon kasi sa likod bahay. Natagalan ako at nilibing ko pa."-sagot ni tatay Lando

"Dito na po kayo kumain."- ulit ko sa naunang sabi ko.

"Naku hindi na Isabel. Kailangan na din namin umuwi at gabi na. Bukas babalik ulit kami. Kung may problema man puntahan nyo lang kami malapit sa pamilihan."

Sumang ayon nalang ako tutal mukhang buo nadin ang desisyon nila na hindi talaga kumain dito sa bahay.

Hinatid namin sila sa labas ng bahay bilang pagbigay galang sa kanila bilang bisita.

"Maraming salamat po. Mag ingat po kayo."

Tumango at ngumiti naman ang dalawang matanda bago tuluyan lumakad paalis.

"Let's go."- yaya ni Brie at nauna ng pumasok.

Bumuntong hininga ako saka tinignan ang buong paligid.
Tumalikod ako at sinarado na ang pinto. Ni lock ko pa ito bago nagtungo sa kusina para kumain na.

"Gutom na gutom lang bebang?"- sabi ko ng makita na enjoy na enjoy na sya sa pagkain.

"Ang tagal mo kaya."- sagot naman nya.

Napailing nalang ako at kumuha na din ng sarili kong pagkain.

After namin kumain ako na ang naghugas. Nagitla pa nga ako dahil sa lamig ng tubig na lumabas sa gripo.

Pinatay ko ang ilaw sa kusina ng matapos ako sa aking ginagawa.

Nasa taas na din kasi si bebang. Nasa kwarto nya marahil at naliligo na.

Muli kong pinagmasdan ang portrait ng anghel na ngayon ay natatakluban pa din ng kurtina.

I want to remove it, but Brie might get uncomfortable seeing the portrait.

Nag kibit balikat nalang ako at pumanhik na sa taas para makapa ligo din at makatulog na.

Nag babad lang ako saglit bago ako nagdesisyon na lumabas na ng banyo at magbihis.

Habang pinapatuyo ko ang buhok ko muli kong nakita yung papel na napulot ko kanina.

Muli ko iyon binasa..

"If the eyes see it and the lips read it,
then life will begin there and it will leave its place."- medyo malakas na bigkas ko with so much feelings of curiosity.

Iyon kasi ang nararamdaman ko e. Curios ako at gusto kong malaman what's behind this message.

"What the--!"- gulat na sambit ko ng biglang kumidlat. Nagsanhi iyon ng matinding liwanag na pumasok sa loob kwarto ko.

Humangin din ng bahagya dahilan para liparin ang kurtina na nasa bintana kong bukas.

Binaba ko ang towel na hawak ko at lumapit sa bintana para isarado iyon.

"Uulan ba? Ang lakas naman nun. Parang may tinamaan."- mahinang sabi ko at bumalik sa kama para kunin yung towel ko at maisampay na.

Paglabas ko. Balak ko na sana na kunin yung papel para itapon pero wala na ito.

Tanging abo na lang ang nakita ko sa ibabaw ng mesa na pinag iwanan ko.

"Weird."- I mumbled before wiping it off.

I tuck myself inside the comforter and force myself to sleep.

Baka pagod lang ako sa byahe kaya kung ano ano ang nakikita ko.

The Angel's Portrait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon