Chapter 6

3.3K 255 15
                                    

"Abriella!"- singhal ko sa kanya dahil tumama sa pisnge ko yung susi na hinagis nya.

"You'll  drive."- she said, and walked past me to drag Aniela with her.

Tigalgal akong nakasunod ang tingin sa dalawa na papalabas na ng bahay. Nakakapit pa si bebang sa braso nito at dinadaldal ito.

Nilock ko ang pinto at sumunod na. Sabay sabay kaming pumasok sa loob pero..

"Bat nandyan ka?"- tanong ko kay bebang habang nakatitig sa rearview mirror.

"Bakit ba? E sa gusto ko sya kausap at katabi."- nakangusong sabi nito.

"I look like a freaking driver here, Brie!"- sikmat ko naman at umirap.

Muli akong napatingin sa kanila dahil sa bahagyang pagtawa nung isa. Isang mabining pagtawa habang nakatakip pa sa labi ang kamay nya.

"Do you want me to sit there instead?"- she asked after a while.

"Nah,magsama kayo. Ang weird nyo parehas."- sabi ko at inistart na ang kotse.

Habang nagdadrive ako , nagpatuloy naman si Brie sa pag interrogate sa kanya. Pati nga yung kulay ng balat inusisa pa nito. At yung perpektong hugis ng mukha , mata, kilay, ilong at labi hindi nya din pinalampas.

Napapailing nalang ako. Kahit kailan talaga napakadaldal ng bestfriend ko.

"So, saan ka nakatira?"- rinig kong tanong niya kay Aniela.

"Duon sa bahay kanina."

"Ha? E bahay yon nina Aria."

"I live there."

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Brie at tinignan ako sa rearview mirror.

"I don't know what she's talking about."- I muttered, annoyed.

Ngayon ko nga lang sya nakilala at nakausap tapos sasabihin nya na duon sya nakatira.

"Hindi ka ba anak nina Tatay Lando?"- pag iba ni Brie ng usapan.

Umiling naman ito at sinalubong ang tingon ko sa rearview mirror.

Seryoso ang mga mata nito na para bang may sinasabi sa akin. Pero dahil badtrip ako ay umirap nalang ako at nagpatuloy sa pag dadrive.

*********

Nakarating kami sa pamilihinan. Pinagtinginan pa nga kami pagkababa namin ng sasakyan. Lalo na si Aniela. May lalaki pang nabitawan ang dala nyang basket kakatitig dito sa kasama namin.

I sigh and comb my hair. I look over my shoulder. Magkausap na naman sila.

"Hey, tell us where you live so that we can go home too."- pagkuha ko sa atensyon nya.

"I told you I live in your house."

I grunted before walking towards her. I grab her wrist and look at Brie.

"Dito ka lang bebang. Kakausapin ko lang to."- sabi ko at umalis na kasama sya.

Dinala ko sya sa medyo hindi madaming tao. Nakakakuha na kasi sya ng atensyon. Oo inaamin ko sobrang ganda nya pero, nakakaperwisyo sya dahil sa mga taong nakatulala sa kanya.

Di ako insecure ha. Maganda din naman kasi ako. OO MAGANDA AKO!

"Bakit ba ang kulit mo? Why do you keep on saying that you're living in our house? When in fact, this is my first time to seeing and conversing with you."- frustrated na sabi ko.

"I'm not a liar."

"I didn't say that."

"But that is what you're implying at this very moment. I'm trying my best here to be honest, but here you are taking everything I'm saying as a lie."

The Angel's Portrait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon