Chapter 30: I Won't Give Up

3.9K 395 14
                                    


A/N:

Please enjoy this new chapter, be inspired and sing along. If you liked it, kindly press the little star on the upper side of the screen. Its yellow glow means a lot to me. Or if you want to say anything about this chapter. You may leave a comment below. Thanks! 

THOMAS’S POV

 “We need you to help Kiev become the next Mister Magnamour University,” walang pag-aalinlangang sagot ni Lenox sa ‘king tanong.

Ikinabigla ko ang aking narinig na kaagad ding nawala. “So, you already know that I will be one of the judges in the contest?” I asked her which sounds like more of a statement.

Tumango siya. “Yup.”

“Anong gusto niyong gawin ko?” tanong ko sa kanilang parehas.

“I want you to give Kiev a perfect score in everything he do,” tugon ni Lenox.

Nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa kaniyang sinabi.

Kalimitang nagmumula sa ibang bansa o ‘di kaya’y kilalang mga personalidad ang kinukuhang maging hurado sa Mister and Miss MU which is being held annually and I’m glad na isa ako sa mga napili for this year. Marahil, dahil isa akong alumni at former scholar nito. And I’m not yet ready to stain that reputation. “Meron akong dignidad na pinapangalagaan.”

Naglambong ang mukha ni Kiev while Lenox’s face became more furious. “Will you just let your brother terrorize the lives of everybody in MU including the scholars and me? Will you let him reign like a king in the university and chop all the heads of anyone who displeases him for no reason at all?”

‘Di agad ako nakasagot doon. Napaisip ako ng malalim.

“That’s the only way to make him stop,” dagdag ni Lenox. “And we need your help, Thomas.”

Nagpatuloy pa rin ako sa ‘king pagbubulay-bulay. Kailangan ko ‘tong pag-isipang mabuti. Kahit gaano kasama si Sean, kapatid ko pa rin siya. Kahit gaano niya ‘ko kinaaayawan, siya pa rin ang aking nakababatang kapatid. At bilang kuya, tungkulin ko ring disiplinahin siya kahit papaano. Lalo na’t hindi maganda ang kaniyang ginagawa.

Sa kabilang banda, kailangan ko rin siyang unawain dahil alam ko namang kinamumuhian niya lang ako dahil sa pagbi-brainwash na ginagawa sa kaniya ni Doña Severina. Bukod doon ay isa siyang bipolar. Bagama’t walang nakakaalam noon bukod sa ‘ming magkakapamilya at mga kasambahay nila sa mansion. Sa wakas ay nakapagpasya na rin ako.

“I need to have grounds to let you win,” paliwanag ko kay Kiev. Pinagmasdan ko siya and scrutinized him from head to toe. I assessed him in my mind. Not bad. But, looks are not enough to win. Hindi rin ito isang money contest. The owner has a lot of it.

Kilala ang Mister and Miss MU sa pagpapanalo ng mga karapatdapat. It’s a battle of grace, wits and talents. Marami na sa mga nanalo sa patimpalak na ito’y sumali pagkatapos sa iba’t ibang mga international beauty pageants at naging titleholders. Halimbawa, ang reigning champion ng Manhunt International ay naging Mister MU dati. Because of that, Kiev should have something to offer. “Ano bang kaya mong gawin?”

Instead, it was Lenox who answered me confidently. “Kaya kang tunawin ng boses niya.”

Alam ko kung anong ibig niyang sabihin doon. Kiev’s talent is singing. At base sa paglalarawan ni Lenox, hindi lang basta marunong kumanta si Kiev kung ‘di magaling. “Melt me, then,” I told him.

LENOX’S POV

Tumingin si Kiev sa ‘kin. Bakas ang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha. Alam ko kung ano ang kaniyang nararamdaman. Nahihiya siya. Si Thomas ang singer pero ito ang nagre-request na awitan siya.

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon