Chapter 8: Dinner Date

6.6K 694 57
                                    

SEAN’S POV

“Sinunod ko na ang gusto mo,” sabi ko. “Nasa’n na ang susi ko?” Hinagis niya ‘yon sa ‘kin at nasalo ko naman ‘to. Pinatong niya ang bitbit niyang t-shirt, medyas at pantalon na sinuot ko kahapon. Tuyo na ang mga ‘to at bagong laba pa.

“Basa pa ‘yong boxer shorts mo,” sabi niya. “Gusto mo pa bang hintaying matuyo?”

“You can keep it,” sagot ko na kinataas niya ng kilay. Gusto ko na umuwi ng bahay sa lalong madaling panahon. Hindi dahil sa hinahanap na ‘ko ng mga magulang ko. Sanay na silang wala ako sa bahay every weekend. Iisipin lang nilang nag-bar ako kagabi at nakitulog sa bahay ng mga kabarkada ko. Gusto ko ng umuwi dahil habang nandito ako kapiling ang babaeng ‘to, naiisip kong parang pinagtataksilan ko si Lenox. “Panunuorin mo ba ‘ko habang nagbibihis?” Nakita kong namula ang kaniyang pisngi o guni-guni ko lang ba ‘yon? She whispered her sorry at mabilis na lumabas ng kwarto. Pakatapos kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala kung saan siya naghihintay. Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya papunta sa labas ng village kung saan ko iniwan ang kotse ko kagabi. Habang nagda-drive siya at ako’y nasa backseat ay hindi ko maiwasang masilip ang kaniyang mukha. When you look at her, you can notice the air of sophistication and confidence. Sa sandaling oras na nakasama ko siya, masasabi kong napaksigurado niya sa kaniyang sarili at ‘di siya papayag na apihin lang ng kahit na sino. Mula sa likod, nakikita ko ang kaniyang makinis at maputing batok na merong beauty mark sa gitna. She had a narrow and delicate shoulders. From the interior mirror, I can glance at her cat’s eyes, straight nose andthin pink lips. She’s gorgeous, indeed!

“Did I pass your standards?” mapanukso at nakangiti niyang tanong. Naramdaman kong nag-init ang aking mga pisngi. How can this girl make me look so foolish? Gusto ko sanang ipagtanggol ang aking sarili pero mas pinili kong manahimik na lang dahil baka isipin niyang guilty ako (which is true). Sa halip, tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Nalaman kong nakatira pala siya sa condominium na malapit sa bahay nila Lenox. Sa wakas, nakarating na kami sa destinasyon namin. Nakita kong naroon pa ang aking kotse at nasa maayos na kalagayan, mabilis akong bumaba ng sasakyan pagkahinto nito samantalang siya ay nanatili sa loob. Pinindot ko ang unlock button sa ignition key at nag-click ang mga kandado na ang ibig sabihi’y maaari ng buksan ang mga pintuan ng sasakyan. Binuksan ko ang pinto sa driver’s seat.

“Wala man lang kahit simpleng ‘thank you’?” tanong niya sa ‘kin.

“Bakit ako magpapasalamat sa ‘yo?” sarkastiko kong tanong sa kaniya. “You want to be anonymous in helping other people, ‘di ba?”

Sa tingin ko’y tumahimik siya sandali para mag-isip. Siya ‘yong uri ng taong nais na siya palagi ang may last say sa isang argumento. Tulad ko, pride is very important to her. I think she’s the female version of me.

“Sabagay,” wika niya. “’Thank you’ is not in the vocabulary of a Solomon Madrigal, Jr.”

Nabigla ako sa sinabi niyang ‘yon. “You know my name? Sino ka ba talaga? Anong pangalan mo?”

“You’ll know it soon,” sagot niya. “Then, I’ll make you pay.” At saka mabilis na tumaas ang tinted window ng kaniyang sasakyan at humarurot pabalik sa loob ng village.

MILTON’S POV

Pumayag si Charlie na makipag-date sa ‘kin ngayong Sabado sa isang kondisyon: ‘Di kami pwedeng lumabas. Pa’no kaya ‘yon? Ayaw niya daw kasing may makakita sa ‘min at baka isipin nila na two-timer siya. So, nagpasiya ako na sa school na lang kami mag-meet in secret.

Maraming spies ang Dad ko inside and outside the campus para magmatyag kung nakikipag-usap o nakikipagkita ako kay Charlie at mga bodyguards para siguraduhin na hindi makakalapit si Charlie sa ‘kin. Well, dati ‘yon. Nagbago ang lahat simula last month dahil sa isang insidenteng nangyari sa ‘kin. I attempted to kill myself…

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon