KIEV'S POV
Sa wakas at nakauwi na rin. Masiyadong naging mahaba ang araw na 'to para sa 'kin. Na-miss ko ang aming bahay. Parang ten years ang nakalipas bago ulit ako nakauwi dito.
"O, anak," pambungad ng nanay ko habang naghahain sa mesa pagkabukas ko ng pinto. "Hihintayin ka na lang sana namin pero mabuti at andyan ka na. Tamang-tama ang dating mo at maghahapunan na tayo. Kumusta naman ang first day mo sa bago mong school? Okay ba?"
"Okay lang po, Ma," sagot ko sa kaniya habang inaalis ang nakasukbit na bag ko sa likod at inilagay sa ibabaw ng sofa. 'Wag mo ng itanong kung anong nangyari sa 'kin buong maghapon, Ma, advice ko sa kaniya sa isip ko dahil alam kong 'di niya ko tatantanan ng kakatanong 'pag sinabi ko 'yon. At baka ma-highblood ka pa.
My mom is my hero. She's a superwoman. Nang mamatay ang dad ko dahil sa isang tragedy nang sanggol pa lang ako, siya na ang tumayong bread winner ng pamilya namin. 'Yong dating hobby niya lang na pananahi e ginawa na niyang source of income namin. She can do repairs to creating dresses, gowns and suits. Minsan suma-sideline din siya ng paglalabada, pamamalantsa at paglilinis ng bahay ng may bahay. On-call si Mama. Ika nga nila, 'Just call Aling Perla!'
"Kuya!" tawag sa 'kin ng bunso kong kapatid. Dali-dali siyang bumaba mula sa hagdan at lumapit sa 'kin habang naka-unat naman ang mga bisig ko para salubungin siya ng isang mahigpit na yakap. Sa bilugan ba namang katawan niya e siya na ang aking stressball. Sa totoo lang, mukhang siopao ang kapatid kong 'to pero cute pa rin naman. Naka-pigtails ang maikli niyang itim na buhok at 'pag tumatawa siya e nawawalan na siya ng mga mata. "Kumusta, kuya?" tanong niya sa 'kin na parang matanda. "Marami ka na bang kaibigan sa bago mong school?"
"Madami," sagot ko sa kaniya habang pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya at ginulo ang buhok niya. Bibang-biba ang kapatid kong 'to. Marami siyang talents. Marunong siyang kumanta, sumayaw at umarte. "E ikaw naman? Marami ka bang one-hundred?"
"Madami," sagot niya sa 'kin habang lumalapit na kami sa lamesa para maghapunan. "One-hundred sa Math, sa Science, sa English, sa Filipino, sa Makabayan at sa Arts. Sa PE lang wala kasi nakakapagod 'yon e."
"O, Lillian," sabi ni Mama sa kapatid ko habang nilalagyan na niya ng kanin ang plato nito. "'Wag kang masiyadong magkakanin para makumpleto mo na 'yang one-hundred mo sa sususnod."
"Pero, Ma, nobody's perfect so why onting rice, 'di ba?" inagaw niya ang sandok kay Mama at dinagdagan ang kanin nito. Natawa naman ako sa corning joke ng kapatid ko at si Mama'y napangiti lang.
"O, Kiev," tawag sa 'kin ni Mama. "Naubos mo ba 'yong baon mo?"
Oo nga pala, naalala ko. 'Yong baon ko! Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa sala. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang aking bento box saka 'ko bumalik sa hapag-kainan. Nilagay ko ang aking baunan sa ibabaw ng mesa at binuksan. "Sorry, Ma," apologize ko sa kaniya. "'Di ko nakain. Sobrang busy kasi the whole day e kaya nakalimutan ko na rin mag-lunch."
"Wow, kuya," sabi ng kapatid ko habang kinukursunada ng kaniyang tinidor ang baon ko kanina. "Pwede pa ba 'yan? Akin na lang!"
"Hoy! Lillian, magtigil ka," saway ni Mama na may kasamang palo sa kamay nito dahil aktong tutusukin na niy ang ulam ko. "Pwede pa ulit 'yan baunin ng kuya mo bukas. Adobo naman 'yan kaya hindi mapapanis. Kung gusto mo sa 'yo na lang 'yong kanin bago pa masira 'yan. Sayang naman." Nang matapos ng hakutin ni Lillian ang lahat ng kanin e inutusan na 'ko ni Mama na ipasok sa ref ang to-be-replayed na ulam ko para bukas.
"Ikaw Markievin, ah!" sabi sa 'kin ni Mama na nagbabadya ng sermon nang makabalik ako sa aking kinauupuan. "Baka nahihiya ka lang kumain sa school niyo porke't sosyal lahat ng mga classmates mo. Tandaan mo! Mas mahal ang magpa-opera kesa sa pagkain."
BINABASA MO ANG
Magnamour University [Magnanimously Completed]
Novela JuvenilSynopsis #1: What will happen if a poor boy has been granted a full scholarship at the best University in the country where the most elite, richest and brattiest kids alive are? A. Riot B. Drama C. Romance D. All of the above Note: For a...