Chapter 29: I Love You

3.9K 419 10
                                    

THOMAS’S POV

“You can have me as your new best friend,” she offered me.

She’s batting her eyes at me. “Oh! So are we starting now?”

“Starting what?” painosente niyang tanong.

“The deal!” impatient kong tugon.

She grinned and had another sip of her iced tea. Pagkatapos ay sumeryoso ang kaniyang mukha. “Speaking of the deal. I just want to clear a loophole in there.”

“Ano ‘yon?” tanong ko na may kasamang pagsasalubong ng mga kilay.

“How can you say that the one is in love with the other?” usisa niya.

Paano nga ba? Napaisip din ako ng malalim. Biglang may pumasok na ideya sa aking isip. Alam ko na! “Simple! That person have to say these three words and mean it:” inalis ko ang bara sa ‘king lalamunan and spoke to her seductively and huskily. “I. Love. You.” Matagal na natulala si Amethyst pagkatapos kong sabihin ‘yon.I snapped my fingers in front of her face. She finally came back to her senses.

“Teka! Malabo yata ‘yon. Sa tingin mo ba sasabihin niya ‘yon kahit na in-love na in-love na siya sa taong ‘yon lalo na’t alam niyang matatalo siya ‘pag inamin niya ‘yon?” She asked me like she was referring to a third person and not about the two of us.

“That’s the point, Amethyst!” I told her confidently. “‘Pag in-love ang isang tao, wala na siyang pakialam kung ano man ang sasabihin ng iba o kung ano man ang deal nila sa isa’t isa. Ang tanging mahalaga sa kaniya’y masabi, maipakita at maiparamdam sa taong ‘yon kung gaano niya ito kamahal.”

Natilihan na namang muli si Amethyst sa ‘king sinabi. Tila pinag-iisipan ng malalim ito habang iniinom ang kaniyang iced tea. Napatango na lang siya in agreement. “And the first one to say those words have to face the consequences, right?”

“Tama!” sang-ayon ko.

Nanahimik na naman siya. I know she’s thinking again while looking at nothing in particular. Nakuha ko na ang ugali niyang ‘yon. ‘Yon ang kaniyang ginagawa ‘pag nag-iisip siya ng malalim. I’m looking at her and I can say that she’s like an open book. But, no one even dares to read her except for me. “We need to have a time limit. We’re already in the second semester of our last year here in MU at hindi ko gustong kung kelan graduation ay doon ka lang magtatapat sa ‘kin.”

You wish! I commented in my mind.

“I need to savor my success,” dugtong niya. “Sa loob ng isang buwan ay kailangang masabi ng isa sa ‘tin ang tatlong salitang ‘yon.”

“Paano kung matapos ang one month at walang umamin sa ‘ting dalawa?” usisa ko.

“Katulad nga ng sinabi mo,” she told me in a matter-of-factly tone. “Ang tanging mahalaga para sa taong nagmamahal ay ang masabi at maipakita sa taong gusto nito ang nararamdaman nito. No matter what the deal is. No matter the consequences are. And I’ll make you say those words to me in no time…and mean it!”

I shrugged my shoulders and smirked at her. Asa ka pa, Amethyst!

-=o0o=-

The rest was history.

Before, I thought Amethyst was a devil. Complete with a pair of full grown horns, fangs, bat-like wings, a tail and a fork. Only with a pretty face. Dati, tanging alam ko lang ay vain siya, matapobre at masama ang ugali. Hindi siya ang uri ng nilalang na dapat gayahin at hangaan ng mga tao. Pero, nagbago na ang pagtingin ko sa kaniya ngayon.

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon