Chapter 48: No More Dream

3.1K 276 7
                                    

A/N: Dalawang kabanata na lang at tapos na ang MU sa wakas. Nasa chapter na 'to ang pinakahuling pagsubok na kakaharapin ng ating mga tauhan. Maybe much worse than the kidnapping incident. Ano kaya ang mangyayari kung si David ang mawala sa eksena? Will it make everything better or the other way around?

Sundan po natin ang mga pangyayari sa kanilang buhay sa bahaging ito.

Please, don't forget to read, vote, comment and share. Thanks! ;-)



LENOX'S POV

Everything happened like a whirlwind. Tumakbo ang mga boys ng Golden 10 palapit sa van na sinasakyan naming mga girls. They're all wearing bulletproof vests. Pagkatapos n'o'y binarikadahan kami ng mga lalakeng nakasuot ng black suits at may hawak na mga samurai swords. I quickly distinguished them as yakuza men. Biglang sumulpot sa likuran ng lalakeng bumaril sa 'min ang isa pang yakuza at pinukpok ang dulo ng sword handle nito sa ulo na kaniyang kinahimatay. Nakadama ako ng ginhawa sa nasaksihan kong 'yon. Pagkatapos ay naramdaman ko ang sobrang pagod at stress. 'Yon ang aking huling mga alaala bago 'ko tuluyang sakupin ng karimlan at saluhin ng mga bisig ni Gabby where I found solace.

-=o0o=-

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang kidnapping incident. Nahuli ang lahat ng mga may kinalaman sa krimeng 'yon and was sentenced of Reclusión perpetua. Bagaman sugatan ang marami'y walang namatay sa insidenteng 'yon maliban sa tatay ni Charlie – si Willard Chua. Nabagsakan siya ng container van sa loob ng abandonadong bodega.

Paulit-ulit kong binabasa ang sulat na nilagay ni Charlie sa bulsa ng aking pantalon nang iligtas niya kami. Ganito ang nakasaad do'n:

To my truest friends – the Golden 10,

Habang binabasa n'yo ang sulat na 'to'y wala na 'ko. Pagkatapos ng masamang pangyayaring 'yo'y wala na 'kong mukha pang ihaharap sa 'nyo. I don't know if you hate me. But, maybe, you do. Especially, my girls. Hindi ko kayo pinipigilan. Pero, bago n'yo gawin 'yon, hayaan n'yo muna 'kong magpaliwanag kung bakit ko 'yon nagawa.

My father approached me the night he escaped prison. Batid niyang hindi ko boyfriend si Kiev. Pinaalam niya sa 'kin ang panibago niyang planong kidnapin kayong lahat including the boys. Sa una'y tinutulan ko ang kaniyang plano dahil ayokong mapahamak kayo. Pero, nagmatigas siyang kahit hindi ako sumang-ayon sa plano niya'y itutuloy niya 'yon sa tulong ng ibang mga kasamahan niyang nakatakas din sa bilangguan at kung hahadlangan ko siya sa kaniyang balak o ipapaalam ko sa mga pulis ang kinaroroonan niya'y mapipilitan siyang ikulong din ako kahit anak niya 'ko.

My Dad changed. He became crueler na napagbuhatan niya 'ko ng kamay sa mga sandaling 'yon. Kinokonsensiya niya 'ko sa pamamagitan ng aming pamilya. Alam kong wala na 'kong magagawa kung 'di ang sumang-ayon sa kaniya. But, only to try and save you.

Sinabi ko sa kaniyang mas makakabuti na ang mga babae lang ang dukutin niya dahil kung isasali niya pati ang mga lalake'y baka mapurnada lang ang kidnapping dahil magaling sila sa self-defense. But, actually, ginawa ko 'yon dahil alam kong mas may kakayahan ang boys na iligtas ang girls kesa ang girls sa boys.

Maybe you already figured out why I suggested na maghiwalay ng sasakyan ang boys at girls. Bantay-sarado ni Dad ang bawat kilos ko. May mga binayaran siya para magmanman sa bawat galaw ko kaya hindi ako maaaring magbigay ng anumang clues tungkol sa masamang balak ni Dad sa 'nyo dahil malalaman at malalaman niya 'yon at mawawala ang pagkakataong mailigtas ko kayo. I just knew in some way that the boys will be able to find you.

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon