Chapter 32: Mister and Miss MU

3.6K 375 15
                                    

KIEV’S POV

Binigla ako ni VJ Yas.

Nang hinawakan ko ang microphone ay naramdaman kong nagsimula na ang aking isang minuto dahil na rin sa tick na naririnig ko mula sa timer. Bukod sa nanginginig ang mga kamay ko ay nagka-mental block pa ‘ko. But, I need to give an answer right away. Kahit ano na lang.

Nilapit ko ang mic sa ‘king bibig at nagsalita. Sinikap kong iwasang mag-buckle. “My purpose of joining this contest is to become this year’s Mister Magnamour University.”

Bumunghalit ng tawa ang madla maliban sa mga judges na kabaliktaran ang reaksyon. Tinanong ko ang aking sarili kung may mali ba sa sinabi ko.

“Oo nga naman,” malakas na sigaw ng isa mula sa audience.

And that’s when I realized how pathetic my answer was. The judges gazed at me with frustration in their eyes. Maging si Thomas. I knew they were expecting something more from me dahil aminin man nila o hindi, sa tingin ko’y isa ‘ko sa mga crowd’s favorite. Bago nila isulat ang score ko sa kanilang mga papel ay naisipan kong bumawi.

“But,” wika ko. I caught their attention once again. Huminto ang mga judges sa kanilang gagawin at muling tumingin sa ‘kin. Ganoon din ang madla na biglang tumahimik para makinig. “If you would ask me why I wanted to become the new Mister MU, my answer is that because I need it. I need it for no selfish reason. I need it because it will help my family, my friends and those people who are dear to me. By winning the title, I can change so many lives. Thank you.”

‘Di ko alam kung tama o maganda ba ang sinabi ko. Pero, ‘yon ang pumasok sa isip ko. ‘Di ko alam kung naipahayag ko ba ng maayos ang nais kong sabihin. But, based from the crowds’ applause, especially my fellow scholars and family, I think my answer was outstanding. Tumingin ako kina Lenox at Charlie, maging sila ma’y napalakpak at nakangiti din sa ‘kin. I’m just hoping na ganoon din ang palagay ng mga judges sa ‘kin kahit mukhang gumawa ako ng sarili kong tanong at sinagot ito.

“Thank you, Mister College of International Studies,” wika ni VJ Drew. “You may now go back to your place.”

Sumunod na tinawag ay si Miss College of Music na sinundan naman ni Mister College of Design as the last finalist to reply for the question and answer portion. Maganda ang kanilang mga sinagot at kung bibigyan akong muli ng pagkakataong baguhin ang aking sagot sa kanilang tanong sa ‘kin kanina’y hindi ko gagawin.

THOMAS’S POV

Dinaos din ang Coronation Night nang gabing ‘yon. The first award was given to Milton Casimiro from the College of Economics and Julienne Knox from the College of Business as Mister and Miss Popularity, respectively. Tinanghal naman na Best Runway Male Model si Gabriel Montecarlo representing the College of Business at sa babae nama’y si Charlotte Chua representing the College of Communications. Laking gulat ni Kiev nang magkasunod niyang tanggapin ang pair of sashes as Mister Personality and Mister Physique. Si Miss College of Education naman ang naging Miss Physique dahil obvious na siya ang may pinakamagandang hubog ng katawan na mas lalong naging halata nang rumampa siya suot ang kaniyang hot pink bikinis sa swimsuit competition kanina. Iginawad naman kay Miss College of Music ang pagiging Miss Personality. Sa pangalawang pagkakatao’y nagkaroon ng award si Lenox as Miss Photogenic habang si Mister College of Engineering naman ang sa lalake. Ginawad naman ang pagiging Mister and Miss Talent kina Mister College of Design for his outstanding sand animation art at kay Miss College of Liberal Arts para sa kaniyang mapangahas na aerial dance. Tinapos ang minor awards ng contest sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Mister and Miss Congeniality sa pares ng kandidato mula sa College of Business giving Lenox an assumed landslide victory.

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon