Chapter 37: The Unknown Heir

3.8K 289 30
                                    

A/N: Please vote before reading. Comment and share after. Thanks! ;-)

KIEV'S POV

My life drastically changed overnight. I accepted the fact that Doña Severina is my real mother. Gusto niyang dalhin ako kaagad sa kanilang mansyon at ipakilala sa kaniyang buong pamilya roon na animo'y 'pag hindi niya agad 'yon nagawa'y mababago ang katotohanang siya ang aking ina.

Dinala muna niya 'ko sa 'ming bahay at ipinagpaalam kay Mama Perla. Bagama't pumayag naman ito'y naaaninag ko sa kaniyang mukha ang kalungkutan na anumang oras ay mawawala ako sa kaniya.

"Mauna ka na, D-" I stopped in midsentence. "Mama..." I acknowledged her. Dahil tanggap ko na naman sa sarili kong tunay ko siyang ina'y nararapat lamang na tawagin ko siya ng naaayon rito. "Kakausapin ko lang si Mama Perla."

"Okay, hijo" pagpayag niya. "Take your time. Maghihintay ako sa loob ng sasakyan." She smiled at us even though my mom didn't return it. Then, she left.

"Ma..." malambing kong tawag sa 'king kinilalang nanay na si Pearl.

"'Wag mo 'kong alalahanin, 'nak," nakangiting wika niya. Her eyes misty. "Naiintindihan ko. Matagal ko na rin namang naihanda ang sarili ko kung sakaling mangyari 'to."

"Ayokong nakikita kang nasasaktan ng dahil sa 'kin," I told her sympathetically.

"'No ka ba?" aniya. Sinisikap magmukhang masaya. "Normal lang 'to. Syempre, 'di maiiwasang ganito ang maramdaman ko. Oo, hindi kita dinala sa sinapupunan ko sa loob ng siyam na buwan. Hindi ko naranasan ang hirap at sakit ng pagpapanganak sa 'yo. Pero, ako ang nag-aruga sa 'yo..." Sa pagkakataong 'to'y hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Napahikbi siya. 'Di ko na rin napansin na maging ako'y naapektuhan na rin ng kaniyang mga sinasabi. "M-mula ng bata ka pa lang. Ako ang unang nagpaligo sa 'yo, tinuruan kitang magsalita, ginabayan kita sa paglalakad, hinatid kita sa eskwela, pinatawa, pinagalitan, pinaiyak. Binahagi ko ang pagmamahal ko sa 'yo. Tinuring kitang totoong akin. Pagkatapos ay bigla na lamang may kukuha sa 'yo. At ang pinakamasakit doo'y wala akong magawa dahil... dahil siya ang tunay mong ina." Sa pagkakataong 'yo'y napahagulgol na siya.

Wala akong magawa kung 'di ang yakapin siya ng mahigpit. "I'm sorry, Ma..." patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "At maraming, maraming salamat." Pinakawalan ko siya mula sa 'king pagkakayakap. Hinawakan ko ang kaniyang mga balikat. "Please, 'wag ka ng umiyak. Pangako. Babalik din ako."

Finally, tumahan na siya. She wiped her own tears away. "S-sige na," aniya. Sinisikap maging normal. "Bumiyahe na kayo. Gabi na't ma-traffic sa daan. Ako ng bahalang magsabi kay Lillian. Hindi na kita maihahatid sa labas dahil magbibihis pa 'ko para sunduin sa school ang kapatid mo."

Bagama't hindi aminin ni Mama'y alam ko kung bakit ayaw niya 'ko ihatid hanggang sa gate. Hindi niya kayang makitang kinukuha na 'ko ng sarili kong ina. Naintidihan ko naman 'yon. "Sige, Ma. Ite-text ko na lang po kayo."

Tumalikod ako't dinala ang travelling bag na naglalaman ng mga gamit at damit ko. Inimbitahan kasi ako ni Mama Severina na manatili doon sa loob ng isang linggo at pagkatapos noo'y maaari na 'kong bumalik sa kinagisnan kong tahanan.

-=o0o=-

Walang kapantay ang nakita kong karangyaan sa Madrigal Mansion. Higit pa 'to sa mga nakikita ko sa mga palabas sa TV. Akala mo'y nasa ibang bansa ka pagpasok na pagpasok mo pa lamang sa bakuran nito. The environment itself will remind you of Rome. At 'di ako magtataka kung malaman kong do'n nagmula ang lahat ng mga kagamitan dito.

Pagbaba ko ng kotse'y sinalubong naman kami ng mga nakahilerang maids at butlers sa entrada ng bahay. Para kaming mga dugong-bughaw at kulang na lang ay red carpet. 'Di naman ako nabigo dahil pagyuko ko sa 'ming nilalakara'y may red carpet nga roon. Puro bati naman ang natanggap ko sa mga kasambahay na parang empleyado ng isang factory sa dami. Kung sabaga'y sa laki ng bahay na 'to'y kung kaunti lang ang mga maglilinis ay baka umikli lang ang lifespan niya.

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon