Chapter 1: First Day, Hay!

29.2K 1K 150
                                    

KIEV'S POV

Magnamour University. Its former name: University of Filipinos. Kolehiyo ng Masa. Para sa mga mahihirap na estudyanteng Pilipino na gustong makarating ng kolehiyo munit walang pera. Dito, basta matalino, masipag at matiyaga, ga-graduate ka with flying colors.

Based on my research, this University already produced successful individuals. From artists, journalists, musicians, scientists, politicians to business tycoons. And one of them is Solomon Madrigal. Pinakamayamang Pilipino sa buong Pilipinas. He is the founder, chairman and CEO of the Madrigal Premier Company. He owns a lot of shopping malls here and abroad, and even the biggest mall in Asia. He owns a banking company. A real estate property company. A mining company. Hotels and convention centers. A gaming corporation. At ang school na 'to.

Yes! Kung dati, state university ito. Ngayon, private na! Kung bakit? Well, muntik na kasing magsara ang school na 'to. Ni-rally kasi ng mga estudyante ang buong campus dahil sa mga corrupt officials ng school. Headline 'yon no'n kasi madugo ang naging labanan. Nabalita pa nga 'yon sa international news e. At nang humupa ang issue, pinatapos lang ang last batch of students then nagsara ang school. For one year lang naman. Walang operation na naganap. Walang freshmen na tinanggap.

Naging sentro na naman ng usapan ang school nang sinimulang i-renovate ito. Clueless ang mga tao kung anong nangyayari dito. Maraming nagsabing gagawin daw itong ospital. May nagsabi rin na gagawin daw 'tong government office. May nagsabi pa ngang gagawin daw 'tong hotel, casino, resort at marami pang iba.

Pero nang matapos ito. Nagkaroon ng big revelation. Binalita sa TV na binili na ni Solomon Madrigal ang University of Filipinos upang i-privatize. Well, maganda naman ang hangarin niya. Graduate siya do'n at bilang pagtanaw ng utang na loob, sinalba niya ang school. 'Yun nga lang hindi para pag-aralin ng libre ang mga Pilipino.

Hindi naman niya kinalimutan ang kaniyang pinagmulan. That's why may mga students na katulad ko sa school na 'to: Scholars.

 "Para!" sigaw ko sa mamang driver na parang nadudumi sa sobrang bilis magpaandar ng jeep. "Dyan lang po sa tabi!" At 'yon, biglang huminto ang jeep. Muntik na ko mapunta sa driver's seat kahit sa dulo ako ng jeep nakaupo. Nagreklamo ang mga pasahero pero wala siyang pakialam. "Sandali," paulit-ulit kong sinasabi habang ako'y bumababa dahil sanay na 'ko sa mga ganitong klase ng driver. "Sandali lang," dahan-dahan na niyang pinaandar ang sasakyan niya kahit 'di pa 'ko nakakatapak sa lupa. "Wait lang po," At 'yun, nakababa na 'ko pero pinabaunan niya pa ko ng napakaitim na usok na halos magmantsa na sa uniform ko. "Smoke belcher," paubo-ubo kong reklamo. "Bastos!" Pinagpag ko ang napakaputi kong uniform at pina-flat ng mga kamay ko tapos t-in-uck in ko sa ash-gray kong trousers. Mamahalin ang polo na 'to tapos papausukan mo lang, reklamo ko sa isip ko. Inayos ko yung red tie ko na merong white and dark blue stripes. Saka ko binutones 'yong cream-colored cardigan ko na merong blue, white and red linings na may crest ng Magnamour University sa left part ng chest. Kasama sa scholarship.

Kaunting lakad pa at tumambad na sa harap ko ang isang napakataas na black gates with an elaborate ironwork kung saan sa itaas nito ay naka-lettering ang pangalan ng university at nakasara pa 'to. Walang guard? Tanong ko sa isip ko. Sobrang aga ko yata. 'Di ko alam kung paano binubuksan ang gate na 'to. Hinahanap ko 'yong tarangkahan pero wala. Tumingin ako sa taas at doon ko nakita sa lamppost na may naka-install na CCTV camera.  So, kinuha ko 'yong ID ko sa loob ng bag ko para ibandera do'n sa CCTV kung sakaling nanonood sila nang may biglang bumusina sa likuran ko. Napatalon ako sa gilid ng kalsada at do'n ko na-realize na nakaharang pala 'ko sa driveway. Ang gara ng kotse! 'Di ako mahilig sa mga kotse pero alam ko kung anong model 'to. A classic black Subaru XV.  Huminto 'yong kotse sa harapan ko at bumaba yung driver na parang pang-piloto 'yong uniform.Pinagmasdan ko ang ginawa niya. Pumunta siya dun sa may gate kung saan may naka-install na biometric machine. Diniin niya ang thumb niya doon at dahan-dahang bumubukas ang gate saka siya bumalik sa loob ng kotse. Ah, sabi ko sa sarili ko. Gano'n pala 'yon. Naalala ko, para doon pala 'yong in-email kong scanned fingerprint sa kanila. Bago tuluyang bumukas ang gate para magkasya ang kotse, nag-roll muna pababa yung tinted window sa may backseat. Do'n ko nakita 'yung nakasakay. Ang ganda niya. Mala-foreigner. Familiar siya sa 'kin. Parang nakita ko na siya sa TV. Commercial? Naisip ko. Siguro. Mahaba at slightly curled ang kaniyang blonde hair. Naka-shades siya at nang binaba niya 'yon para makita ako, d'on ko siya nakilala. Tama! Siya yung model ng Lustroussè Shampoo.

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon