Chapter 16: Dashing Debonair

4.9K 558 16
                                    

12/10/14, Wednesday

AUTHOR'S NOTE:

I know I said last Monday that I'll release a new chapter the day after that. But sadly, for me, promises are made NOT to broken but to be delayed only. Si #RubyPH kasi e! Bumagyo kahapon at dahil doon ay #walangpasok. Anong connect? Umaasa lang kasi ako sa free WiFi ng school. He he he! Okay lang para sa 'kin dahil nagamit ko naman 'yon para makagawa ng new chapter that I'm planning to release within this week. That'll be the last chapter I'll be releasing for this week.

I entitled this chapter 'Dashing Debonair' because it'll tell you about the POV ng character na kilala sa pagiging ganito. Kung hindi niyo pa siya kilala. You better read the Synopsis #2 na kagagawa ko lang din ngayon. Masyado kasing maikli 'yong Synopsis #1 and not very descriptive.

O, siya! I'm talking too much. Please enjoy this new chapter.

SYNOPSIS:

What kind of help can Helena give to Charlie para mapakawalan si Kiev? Manhid ba talaga si Kiev sa mga pagpaparamdam ni Charlie? May katapusan pa ba ang mga pambu-bully kay Kiev? At sino ang tinutukoy na Dashing Debonair?

Find it all out in this new chapter of Magnamour University entitled 'Dashing Debonair'.

CHAPTER'S OST:

None yet

REMINDER:

Don't forget to read, vote, comment and share. Thanks!

 +-~=o0o=~-+-~=o0o=~-+-~=o0o=~-+-~=o0o=~-+-~=o0o=~-+-~=o0o=~-+

CHARLIE'S POV

With the use of threat, I persuaded Helena to help me set Kiev free. Gamit ang kaniyang pera'y binayaran niya ang janitor ng shower room na pinagkukulungan ni Kiev para hanapin ang duplicate key na ang original ay na kay Sean para pakawalan si Kiev. When the door opened, we saw Kiev right in front of us. He's wearing his PE uniform and his pair of eyes were red.

"Umiyak ka?" tanong ko sa kaniya.

"Of course, not!" masidhing pagtanggi niya. "Pa'no mo nalaman na nandito 'ko?" Napatingin siya sa babaeng kasama ko. "H-Helena?" Parang hindi siya makapaniwala na kasama ko ang babaeng naging dahilan ng pagkakakulong niya dito. In a way na dahil siya ang nagbulgar sa pagiging scholar ni Kiev sa university na 'to.

Naaawang tumingin si Helena kay Kiev. "I... I'm sorry, Kiev," apologize niya. "H-hindi ko alam na hindi pala nila alam ang tungkol sa pagiging scholar mo sa university na 'to. Sana nalaman ko ng mas maaga. I'm really sorry."

Nginitian ni Kiev si Helena. "It's okay," sabi ni Kiev. "Nangyari na ang nangyari. Kung hindi ngayon, maaaring malaman din nila balang araw. Kung hindi ikaw, maaaring sa ibang tao nila malalaman. I just have to face the consequences of my lies and the reality."

Kung hindi ko lang kilala si Kiev at hindi ko alam ang tungkol sa pagiging likas niyang mabait ay maaaring nabatukan ko na siya kanina pa. Pero, ganito talaga si Kiev. "Hey, Mr Nice Guy," tawag ko sa kaniya. "Baka gusto mo ng lumabas diyan?"

"Ay! Oo nga pala," bigla niyang naalala. Bago siya lumabas ay kinuha niya muna ang school uniform niyang naka-plastic. Umaalingasaw ang bahong nagmumula do'n. "Ano bang nangyari d'yan? Bakit ganiyan ang amoy n'yan?"

"Binuhusan kasi ako ni Gabby ng grasa kanina sa OSA," tugon ni Kiev. "Kaya nga ako nag-shower dito. 'Di ko alam na ikukulong din pala nila 'ko dito. Pa'no mo nga pala nalaman na nandito ako?"

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon