Chapter 11: Homecoming

5.7K 623 12
                                    

MILTON’S POV

I’m not expecting of a quiet homecoming. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pinto ay bumungad na sa ‘kin ang dumadagundong na boses ni Senador Ricardo Casimiro. “Where have you been all night, Milton?

“Kasama ko si Charlie,” diretsong sagot ko. I’m not intimidated by him.

“Buong magdamag?” usisa ni Mom.

“Opo,” I answered straightforwardly habang naakyat sa hagdan. “Na-trap kami sa school cafeteria kasi nag-blackout. There’s no way out so we decided na magpalipas na lang ng magdamag do’n.”

“Bastos kang bata!” sigaw ni Dad. “Bumaba ka nga dito at kinakausap ka pa namin!”

Tumigil ako sa pag-akyat pero hindi ako bumaba. Nlingon ko lang sila. “Ano bang problema n’yo? Ang aga-aga. I’m tired. Gusto kong magpahinga ng maayos.”

“Hanggang kailan mo ipagpapatuloy ang pagre-rebelde mong ‘yan, Milton?” nagngangalit na tanong ni Dad. Hindi ako kumibo. “At nakikipagkita ka na naman pala sa babaeng ‘yan?” Ang sinabi niyang ‘yon ang naging hudyat sa ‘kin na pakikipagtalo sa kaniya.

“At ano ngayon sa ‘yo?” walang-galang na sagot ko kay Dad. “Have you forgotten that you allowed me in seeing her again kapalit ng pagtatapos ko ng Political Science?”

“Hindi ba’t sinabi ko rin sa ‘yo na hindi magiging madali para sa ‘kin na tanggapin siyang muli sa pamilya natin lalong-lao na sa ‘kin?” paalala sa ‘kin ni Dad. “So, don’t expect that I will be happy with you in seeing her again!” I’m feeling sick of this conversation kung kaya’t tinalikuran ko silang muli. “’Yan ba ang kabastusan na tinuro sa ‘yo ng babaeng ‘yon sa nakalaipas na magdamag?” My Dad really knows how to make me angry.

“Wala siyang tinuturo sa ‘king masama!” lumingon ako at sinigawan siya. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito! Ako ang nagpupumilit na lumapit sa kaniya! At wala siyang ginawa kung ‘di ang layuan ako dahil sa ‘nyo!”

“Lapastangan!” bulyaw sa ‘kin ni Dad. Kung nando’n lang ako sa baba’y malamang nasaktan na niya ‘ko kanina pa. “I’m telling you. Mapanganib ang babaeng ‘yan! She’ll cost you your life ‘pag hindi mo pa siya nilayuan!” Nilapitan ni Mom si Dad at hinaplos ang kaniyang likuran.

“Tama na, Ricardo,” pagpapahinahon ni Mom kay Dad. Maya-maya’y lumabas ang aking mga kapatid na nakasuot ng pyjamas mula sa kanilang kwarto. Ang seven-year old twins na sila Michelle at Michael. Mukhang nagising sila dahil sa ingay namin ni Dad.

“Are you fighting?” papungas-pungas na tanong ni Michelle sa ‘ming lahat. Suot niya ang kaniyang paboritong pink pyjamas.

“Kuya Milton, you’re home?” tanong ni Michael habang kinukusot ang kaniyang mga mata na animo’y nananaginip pa. “You promised to read me a story last night. Sa’n ka ba nagpunta?” Linapitan ko ang aking mga kapatid at niyakap. Sa totoo lang, sila na lang ang natitirang dahilan kung bakit hindi pa ‘ko lumalayas sa pamamahay na ‘to. Alam kong ikalulungkot nila ‘pag nawala ako dito.

“Tonight, Mike,” wika ko. “I promise.”

“Promise, Kuya?” paninigurado ni Michelle. “Yes, Mich. Promise!”

“Gising na pala ang mga baby ko,” masayang wika ni Mom. “C’mon! Bumaba na kayo dito at naghanda na si Manang ng favourite niyong breakfast.”

“Pancakes?” excited na tanong ni Mike.

“Yes,” masayang tugon ni Mom. “Pancakes!”

“Yehey!” maligayang sigaw ng magkakambal. Binitiwan ko sila at tila nakalimutan na nila agad ako. Mabilis silang bumaba sa hagdan. Nakita kong gumuhit sa mukha ni Dad ang ngiti. A genuine smile of happiness.

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon