Chapter 40: Best Of Me

3.5K 280 14
                                    

HELENA'S POV

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang mag-overnight stay ako sa Madrigal Mansion where Sean and I slept under one roof, nakilala't naka-usap ang kaniyang mga magulang, nalibot ang buong propiedad, nasabi kay Sean ang tungkol sa naudlot kong paghihiganti sana sa kaniya na nauwi sa pag-amin ko ng tunay kong nararamdaman for him. And it all was just like a dream. Parang hindi nangyari. Balik kami sa pagiging estranghero sa isa't isa. Nagkikita man kaming dalawa inside the campus pero parang hangin lang akong dumaan sa tabi niya.

Linggo ngayo't narito 'ko sa mall para mag-unwind. Window shopping lang sana ang pinunta ko rito pero nang may nakita akong sapatos na gusto ko'y binili ko na rin 'yon. Dito na rin ako nananghalian dahil hindi na 'ko umuwi para magluto pa. Besides, 'di ko rin naman alam kung anong ihahanda ko. Bago umuwi'y nagtungo muna 'ko sa supermarket para mag-grocery.

"Chanson?" banggit ko sa pangalan ng lalakeng nagmamay-ari ng pamilyar na likod na tumambad sa paglingon ko mula sa estanteng pinagpilian ko ng detergent bar.

Kasulukuyan siyang nakaharap sa isang estante ng mga imported goods. Humarap siya sa 'kin. Tinanggal ang kaniyang shades sa mata.

"Ma'am?" pagkilala niya sa 'kin and displayed his complete set of white teeth. Nakasuot siya ng light blue long sleeved polo na nakarolyo ang manggas lampas sa kaniyang siko na naka-tuck in sa kaniyang maong na pantalon. Sa kaniyang bewang ay brown leather belt na kakulay rin ng kaniyang pares ng loafers na walang medyas. Ang porma, puri ko sa kaniya sa 'king isip. Ibang-iba sa butler na kilala ko. But, he's still gorgeous as the devil.

"My, gosh!" I faked a shock. "Don't call me, ma'am, Chanson. We're outside the mansion. Call me Helena."

"Okay," he agreed smilingly. "Helena, then. How're you?"

"I'm good," I answered smilingly, too. "And you?"

"Just as fine," he replied.

"By the way, why're you here?" tanong ko. "I mean, why're you out of the mansion?"

"It's my off today," he informed me. "So, I decided to go watch a movie."

"Where's your date?" usisa ko habang hinahanap 'yong kasama siya.

"None," tanggi niya. "I don't have anyone to date. I'm just going to grab some food 'cause I don't like the food they sell at the cinema."

"You're going to watch all by yourself?" I asked unbelievably.

"Nope," depensa niya. "There're a bunch of people inside the theater with me."

I smiled at his wit.

"How 'bout you?" tanong niya. "You're meeting with someone?"

"Oh, no!" mariing tanggi ko. "I'm here to buy some grocery for my unit."

"Ah, okay," sinulyapan niya ang mga pinamili ko at napangiwi. "Mind if I join you? I've got some good knowledge when it comes to household products, you know?"

"Sure!" pagsang-ayon ko. Double purpose ang sagot kong 'yon. Una'y dahil naniniwala nga 'ko sa kaniyang kaalaman pagdating sa mga produktong magandang gamitin para sa bahay. Pangalawa'y para ipaalam sa kaniya na maaari niya 'kong samahan. "No problem. My pleasure."

"Let's go!" yakag niya kasabay ng pagkuha ng pushcart mula sa 'king pagkakahawak at pagtulak n'on para sa 'kin. What a gentleman!

-=o0o=-

"Tell me about yourself, Chanson," pakiusap ko sa kaniya habang hinihintay naming magsimula ang panoorin sa loob ng theater.

Dahil tinulungan niya 'ko sa 'king groceries ay pinagbigyan ko ang kaniyang pakiusap na samahan siyang manood ng sine. It's a movie date, wika ko sa 'king isip. But, a friendly one. Besides, na-engganyo niya 'ko dahil ayon sa kaniya'y napakaganda ng palabas na 'yon. Iniwan muna namin ang pinamili ko sa package counter ng supermarket at tumuloy sa cinema para bumili ng ticket bago pa kami ma-late. I insisted on buying my own pero nagpumilit siyang ilibre ako.

Magnamour University [Magnanimously Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon