"... And that's what will happen if she smiles at you."Napailing ako sa pinag-kukwentuhan nila.
"Pfft. Nagpapaniwala talaga kayo diyan?" I said while trying hold back my laugh.
They were talking about some kind of a girl. And they say something will happen if she smiles. That's hilarious.
"We're not joking!" Selene shouts.
Hindi ko nalang sila pinansin. I grab my things and walk to the exit. Hindi na ako nagpaalam. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa sakayan ng jeep. I was about to get my wallet nang naalala ko, naiwan ko nga pala ito sa bahay kanina.
No choice. Maglalakad nalang ako since hindi naman ganong kalayo ang saamin. Ang kaso, kailangan kong magmadali. May madadaanan kasi akong kakahuyan. Mahirap na at baka may mangyari saaking masama.
Walk...
Walk...
Walk...
Napansin kong may babae akong makakasalubong. She looks old and creepy. Well, pasalamat nalang ako. Bibihira lang kasi ang may makasalubong or makasabay sa part na ito.
Walk...
Then I look at her... She's looking at me.
Walk...
Walk...
Isang tingin pa... She's now smiling at me...
Walk...
Wal--
Wait? She's what?!
Isang tingin pa... Isang tingin lang.
Huh? Nasaan na siya? Hindi ba't napaka bilis naman niyang maglakad? Nakalayo siya kaagad saakin?
Phew... Nevermind!
After 5 minutes, nakauwi na rin ako sa wakas. To my surprise, wala sila mama sa bahay. Hindi lang si mama kundi lahat sila.
Saan naman sila pupunta? Hindi manlang sila nagsabi.
Sa pagod ay patalon akong humiga sa kama. Ramdam ko ang bigat ng talukap ng mata ko kaya naman napagpasyahan kong umidlip muna.
*kreeeekkk*
Nagising ako dahil sa isang ingay. I bet that was the main door. Kinapa ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.
3:33 am
Huh? Ang tagal ko namang nakatulog.
At saka... Hindi pa rin umuuwi sila mama? Wala pa kasi ang kapatid ko sa kama niya. At kung nakauwi man sila ay tiyak na gigisingin nila ako.
*tud* *tud* *tud*
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang mga yapak. It's getting louder and louder.
I started to panic when I recall my classmate saying...
"Sabi ng lola ko, kapag may nakasalubong ka na matandang babae sa isang liblib na lugar, wag na wag kang magkakamaling lingunin iyon. Some says na biktima raw sila ng mga cannibal at bumalik para maghiganti. If ever you caught her staring at you, smiling, then she's right after you and your family. Mas kabahan ka kung pag-uwi mo ay wala na ang pamilya mo. You better leave and go somewhere na may kasama ka. Because if you're alone, she'll hunt you down and eat your heart... And that's what will happen when she smiles at you. "
Ow shit...
*tud*
*tud*
*tud*
Footsteps are getting louder and louder.
*tud*
*tud*
*tud*
Hindi ko maialis ang paningin ko sa pinto. Alam kong ito nalamang ang pagitan namin. She's here...
*kreeeekk*
I heard the door open. Pinagmasdan ko iyong bumukas.
Darkness...
1...
2...
3...
4...
5...
Magpakita ka na...
Narinig kong lumangitngit ang sahig.
Then I saw her face... SMILING. Unti-unting tumatabingi ang ulo niya. Nakatingin pa rin siya saakin at NAKANGITI. Ang mukha niya... Duguan.
Mas lumawak ang ngiti niya. Nakita ko ang matatalas niyang ngipin na may dugo pa. Napako ako sa kinatatayuan ko.
"Run..." Nakakakilabot niyang bulong.
Sa sobrang taranta ko ay binuksan ko ang bintanang nasa gilid ko at walang alinlangang tumalon.
And then I realized... IT'S A TRAP.
Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa braso, binti, leeg at tiyan ko.
So....
Run WHEN SHE SMILES
BINABASA MO ANG
One Shot Stories (creepy edition)
Short StoryDefinitely not the perfect story to read when you're alone at 3am. Wait... Are you sure you're alone?