Untitled #4

0 0 0
                                    

"Manang? Si Thristan po?" Umiling si manang kaya napabuntong hininga ako.

"Subukan mo muling kumbisihin ang nobyo mo iha. Hindi pwedeng manatili siya habang buhay diyan."

Tumango ako at tumungo na lamang sa kwarto niya. Pihadong nakatulala nanaman siya.  Pagbukas ko ay hindi nga ako nagkakamali. Tulala nanaman siyang nakaupo sa harap ng aparador niya.

Sa mismong kaarawan niya ay nawala ang nanay niya. Hindi lamang iyan. Ilang linggo lamang ang nakakalipas ay balibalitang itinakas ang tatay niya kasama ang kaniyang dalawang kapatid.

Hindi na muling nakita ang pamilya niya. Maraming nagsasabi na iniwan na raw si Thristan dahil baliw na daw ito.  Ngunit hindi ako naniwala. Nanatili ako sa tabi niya.

Pagkatapos ng lahat ay nakita na lamang siyang nakatulala sa harapan ng closet niya. Sa tuwing may magbubukas daw nito ay hinaharang niya.

Sa mga sumunod na araw ay nananatili pa rin siyang tulala. Tatayo lang kapag kailangan at magsasalita kung gugustuhin niya.

Napaka saklap ng pinagdaanan niya kaya nga palagi akong nandito at dinadalaw siya.
______________
"Manang?"

Ilang beses na akong sumisigaw ngunit walang sumasagot. Baka naglalaba sa likod?

Dumiretso nalang ako sa kwarto ni Thristan at ganoon pa rin siya nang madatnan ko. Nakatulala.

"Kumain ka na love."

"Buksan mo yung aparador." Biglang sabi niya kaya nagulat ako.

Hindi ba't ayaw niyang binubuksan iyon? Pinagkakatiwalaan na ba niya ako?

"Sigurado k-ka?" Tumango naman siya kaya marahan akong naglakad sa harapan ng aparador niya.

Muli ko siyang tinignan. Walang emosyon siyang nakatitig saakin. Dahan-dahan akong humarap sa aparador at hinawakan ang seradura.

Bakit kinakabahan ako?

Pinihit ko ito

Bakit bigla ang lansa?

San ito nanggagaling? Sa loob ba ng aparador niya?

Binuksan ko pa

Ibukas mo pa

Natutop ako sa kinatatayuan ko nang mabuksan ko ito.

Ang baho! Amoy nabubulok!

At nakita ko...

Ang pamilya niya! Pati na rin si manang! Naagnas na ang katawan nila at halos mabali na ang leeg.

Napatakip ako sa aking bibig.

Hindi!

Hindi ito totoo!

Hindi baliw ang mahal ko!

Hindi!

Narinig ko siyang tumatawa. Mahina ngunit nakakakilabot. Hindi ako makaharap. Ayokong humarap!

Ilang saglit pa, naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga. May binulong siya dahilan para mas lalo akong manginig sa takot.

"Ikaw na ang susunod."

Sa takot ko ay nanakbo ako papunta sa kusina. Hindi manlang niya ako hinabol. Pinanood niya lang ako hanggang sa makarating sa kusina. Agad kong dinampot ang kutsilyo.

"Hahahahah! Becka... Hindi mo ako kayang saktan." Habang marahang naglalakad papalapit saakin.

"W-Wag kang lalapit kung ayaw mong masaktan!"Ngunit hindi siya natinag.

Patuloy pa rin siya sa paglapit habang nakangiti.

"Halika dito!"

Agad niya akong dinamba kaya napapikit ako at agad na itinurok ang kutsilyo sa kung saang parte ng katawan niya.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Hesus ko! Nakita ko si Thristan nakamulat ang mata at naghihingalo! Ang kutsilyong itinarak ko ay nakabaon sa kanyang leeg.

"H-Hindi... Hindi... Hindi! P-Patawarin mo ako! Thristan!" Napahagulgol nalang ako habang yakap ang walang buhay niyang katawan.

"Dapa! Dumapa ka kung ayaw mong masaktan!"

Sa taranta ay sumunod na lamang ako. Mga pulis. Pihadong ako ang paghihinalaan nila sa lahat ng ito.

Napangiti nalang ako. Sa wakas ay hindi na maghihirap ang mahal ko. Magkita nalang kami sa impyerno.

Dinampot ko sa isa sa mga pulis ang baril at ipinutok sa akin ulo at unti-unting nanlabo ang aking paningin.

One Shot Stories (creepy edition) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon