"She's the girl that I'm talking about.""I heard she's pretty popular because look at her! She's a goddess in disguise."
I was walking to my next class when I heard those compliments. Wala namang bago. This is my life since nakahanap ako ng kakampi. Siya ang naghihiganti para saakin
I was once a nerd. The one who's being bullied by the whole class. But someone help me to fight back kahit na ayoko.
I'm sitting in my favorite couch as I watch the sun goes down. Oras nanaman... Makikita ko nanaman siya. Ang aking kinatatakutan
Humiga ako sa kama. Tiyak na paparating na siya.
Pumikit ako...
Kreeekkk...
It already arrived...
Kreeekkk...
Tok tok tok
"I'm here." I whispered.
Tud...
Tud...
Tud...
I open my eyes and...
I saw it.... Hanging in the ceiling. I smiled as it stare at me. Ang mga daliri niya, dito nakahulma ang susi patungo sa aking kaluluwa.
Tuwing gabi ay hinihiram niya ang aking katawan. Pinapatay niya ang mga taong nanlait saakin dati. Tinutulungan niya akong makaganti. Pumapatay siya gamit ang aking katawan.
Ayoko!
Ayoko!
Ayokong pumatay ng tao! Sinubukan ko siyang takasan ngunit palagi niya akong hinahanap
Sa isang iglap, nakapasok na siya sa katawan ko. Gumagalaw ako kahit hindi ko gusto. Kontrolado niya ang galaw ko.
Ngayon ay patungo na ako sa isang madilim na kalye. Nakita ko si Kate.
"Ang pangit ng babaeng ito diba?! Wag na wag ninyo siyang lalapitan! Demonyo siya!"
Naalala ko ang mga salitang sinabi niya noong bata pa ako. Ngayon... Nanggigil ang mga kamay ko kahit alam kong hindi ako galit kay Kate. Hindi ako ang galit sa kaniya kundi SIYA.
Lumapit ako sa kanya at itinago ang piraso ng tubo na nadampot ko kanina. Kaagad ko namang nakuha ang atensyon niya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"H-Hi! No time no see. Uhm... M-May kailangan ka ba?"
Napangiti ako. Mukha siyang dagang nakakita ng isang mabangis na pusa. Unti-unti kong ipinakita ang tubo at napanganga naman siya.
Sinubukan kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko kaya. Malakas siya. Nagawa niyang manipulahin ang katawan ko.
Unti-unti ko nang sinakal si Kate. Saktong ngumanga ito para sana huminga ay siya namang pagsubo ko ng tubo sa bunganga niya. Ilang segundo pa ay tumagos na ang matulis na tubo sa leeg niya. Sumisirit ang malapot at mapupulang dugo sa leeg niya.
Hindi ko alam ngunit sobrang saya!.
Nilalamon nanaman niya ang isipan ko. Sa halip na maawa ay tuwang-tuwa sa nasasaksihan.
Biglang nanginig ang katawan ni Kate. Patay na siya. Ngunit hindi ako makuntento. Hinugot ko ang tubong nakabaon sa lalamunan niya at pinagpapalo ang kaniyang bungo hanggang sa madurog ito.
Nakakapagod pero... Masaya!
Biglang pumasok sa isip ko sina Amber. Sila ang kapit bahay namin na walang-wala sa buhay. Narinig ko silang umiiyak kanina dahil walang makain kaya naman pumutol ako ng laman ni Kate sa gawing binti at iniuwi. Sakto naman na ako lang mag-isa sa bahay kaya magagawa ko ang lahat ng bagay na gugustuhin ko.
Hinablot ko ang cookbook ni mommy. Gagawa ako ng adobo. Siguradong magugustuhan nila ito. Sinunod ko ang nakalagay sa libro.
Nang sa tingin ko ay luto na ito, hinango ko iyon at inilagay sa isang presentableng lalagyan at isinilid ito sa paper bag. Talaga nga namang pinaghirapan ko ito.
*Tok tok*
"Iha i-ikaw pala? Napasyal ka?" Bungad saakin ng nanay ni Amber.
"Heto po. Narinig ko ho kasi kayo kanina kaya nagdala ho ako ng makakakain. Sana po ay magustuhan niyo."
Dapat lang na magustuhan niyo...
"M-Maraming salamat! Hesus ko... Hulog ka ng langit! Talaga nga namang napaka bait mong bata." Naiiyak pang sabi niya.
"Wala ho iyon."
Umuwi ako kaagad at nilinis ang kalat dahil sa pagluluto ko kanina. Pihadong lalansa ang basurahan kung itatapon ko ito. Napatitig ako sa natirang laman...
Mukhang masarap...
Isang subo lang.
Isa pa!
At isa pa!
Namalayan ko nalang ang sarili kong nakangiti habang kinakain ang hilaw na laman ni Kate.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina lamang.
Pinatay ko si Kate
Tinapyas ang laman niya
Iniluto.
Ibinigay ko ang mga iyon kina Amber
At ang natira'y...
Kinakain ko ngayon.
Napaluha nalang ako habang yakap ang sarili. Hindi ko ginusto ang lahat! Hindi ako ang pumatay kay Kate!
Nakaya kong maghiganti kahit hindi ko ninais iyon. Nakapatay ako kahit hindi ko gusto.
Wanna know why?
There's a demon inside me...
BINABASA MO ANG
One Shot Stories (creepy edition)
Короткий рассказDefinitely not the perfect story to read when you're alone at 3am. Wait... Are you sure you're alone?