Suicide

0 0 0
                                    

"Ma'am, sorry po. Insufficient funds po yung card niyo."

"H-Ha? Paki try ulit. B-Baka nagkamali ka lang ng swipe."

Niswipe niya ulit ang aking credit card ko. And yeah... Insufficient funds nga. Pihadong nihold na ni Mom ang bank account ko. Saan ako kukuha ng pera nito?

"A-Ah sige. Babalik ako para kumuha ng cash." At binigyan ko siya ng hilaw na ngiti.

Hindi na ako babalik. Wala akong mapagkukuhanan ng pera.

Hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako sa condo ko. Ito nalang ang natitira saakin. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pangbayad ng kuryente at tubig. Walang-wala na ako.

*Kriiinggggg*

It's Gio. My boyfriend.

Nabuhayan ako kahit papaano. Siya nalang ang nag-iisang tao na mayroon ako.

"Hello love?" Bungad ko.

"Yesha, I'm breaking up with you. Mas mahal ko si Hannah. I'm so sorry."

Para akong nabingi sa naririnig ko. Baka naman nagkamali lang ako ng rinig?

"L-Love?"

"Yesha, ayoko na." At binaba na niya linya kaya napahagulgol nalang ako.

Anong bang ginawa ko para maranasan ang lahat ng ito? Pinili kong humiwalay kay mom para makasama siya! Pero... Hindi na nya ako mahal?

Nakatulog nalang ako sa sobrang pagod.

"I love you baby." Basa ko sa isang post ni Hannah kasama ang isang lalaki.

Akala ko ba ay mahal nila Hannah at Gio ang isa't-isa? Paanong?...

Kasalakuyan akong nagbabasa sa timeline ni Hannah nang may tumawag saakin kaya naman sinagot ko iyon kaagad.

"Hel--"

"Yesha! Yesha! It's Gio's mom. May nagsabi saakin. N-Nasa taas siya ng condo ninyo ni Hannah, anak. Pigilan mo si Gio. Magpapakamatay siya. Please, I'm begging you!" Humahangos na sabi niya.

"S-Sige po. I'm on my way."

Kaagad akong tumungo sa rooftop. Nadapa at nadulas ako katatakbo ngunit hindi ako nagpatinag hanggang sa marating ko ang rooftop. Nakita ko si Gio na luhaan at nakatanaw sa ibaba. Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa kanya.

"G-Gio..."

Tumingin siya saakin na tila nagtataka kung anong ginagawa ko sa harapan niya.

"Huwag mo nang ituloy. Please..." Lumuhod ako. "Huwag mong sayangin ang buhay mo. G-Gagawa ako ng paraan para magkatuluyan kayo. Basta 'wag mo nang ituloy." At tuluyang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.

Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop.
"Gio! Oh my gosh! I'm so sorry babe. I love you!" It was Hannah.

Gio suddenly run on Hannah's direction. Ang lahat ng 'yan, nangyari sa aking harapan. Sobrang sakit. Hindi ko nagawang mapagbago ang isip niya ngunit isang 'I love you' lang mula kay Hannah ay nagawa na niuang baguhin ang isip ni Gio.

Masaya silang nagyayakapan at heto ako nakaluhod habang umiiyak.

Kaagad namang dumating ang parents ni Gio. Pinapanood ko sila habang pinasasalamatan si Hannah sa pag-sagip sa buhay ni Gio.

"Yesha.."

Pinunasan ko kaagad ang luha ko. "Oh! Abby ikaw pala." Kapatid ni Gio.

"Ayos ka lang ba?" Bakas sa mata niya ang pagkaawa.

"Oo naman!" Atsaka binigyan siya ng isang pilit na ngiti. "Abby, si Gio. Make him feel loved. Huwag ninyong hayaang gawin niya ito ulit." Pakiusap ko.

"Makakaasa ka."

Umalis na ako at tumungo pabalik sa condo.
_________

Ilang araw na mula nang nagkabalikan kami ni Hannah. Gusto ko ngayong bisitahin si Yesha. I want to clear things up between us.

I bought her flowers. This symbolizes my apologies. Sana ay tanggapin niya.
Pagdating ko sa condo niya ay nadatnan kong mag nagkakagulo sa harap ng building. Na-curious ako kaya naman nakisilip ako.

And there, I saw her.

Duguan ang ulo niya ngunit nananataling nakabukas ang mga mata niya. Ang labi niya, nakangiti...

Nagmamadali akong tumungo sa kaniya. Napaluha nalang ako. Naalala ko, siya ang unang pumigil saakin ngunit si Hannah ang pinakinggan ko.
What have I done?

Napansin ko ang isang papel na nasa kamay niya. Binuksan ko iyon. Nagulat ako sa kung ano ang nakasulat doon.

"Do you she commit suicide? Nope. Look up."

Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ang nasa papel. Unti-unti akong nag-angat ng tingin. And I saw Hannah.

She's looking straight to me.

One Shot Stories (creepy edition) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon