Sebastian

0 0 0
                                    

Naglalakad ako pauwi nang tumunog ang phone ko. Selena sent me a message. Kaibigan ko siya mula since elementary. Sobrang close kami na minsan, napapagkamalan kaming magjowa kahit na may boyfriend siya. Sebastian and Selena started daiting when we're in college. Nakakamangha nga na hanggang ngayon ay sila pa rin

Selena:
Let's jave a dinnwr. Kaikan ang free time mo? I'm craving for oasta, burger and nilk tea. Librw mo ako :<
18:04 4/09/20

Naintindihan ko naman yungkahit puro typo. Ang dalas niya talaga matypo. Hay naku.

Akala ko naman kung bakit. Bakit hindi siya sa boyfriend niya magpabili? Baliw talaga kahit kailan. Tss.

Ako:
Alright. Dadaan ako sa fastfood chain. Check ko nalang din kailan ang free time ko.
8:07 4/09/20

Tulad nang ipinangako ko, binilhan ko siya ng mga cravings niya. Napaisip ako. Gutom na gutom ba talaga 'tong babaeng to? Mukhang hindi pinapakain.

Dumiretso ako kaagad sa condo ng boyfriend niya. Doon siya ngayon nakatira dahil yoon daw ang gusto ng nobyo niya. He's quite possessive and strict to be honest.

Nang mahanap ko ang room nila ay agad akong kumatok. Hindi nagtagal ay binuksan iyon ni Selena. Lumawak ang ngiti niya nang makita ang mga pagkain dala ko.

"Wahhh! Thankyou Felix! Love na love mo talaga ako." She giggles.

Bago ko pa man maiabot ang mga pagkain sa kaniya, bigla siyang napapikit at kinusot ang mga mata niya. Minsan ay tatlong mabilis  a pagpikit at minsan naman ay mabagal. Paulit ulit na ganoon

"Okay ka lang? Masakit ba?"

"O-Ok na. Napuwing lang. Sakin na nga yaang pagakain! Gutom na ako!"

Kinuha niya lang ang pagkain na nasa palad ko at pinagsaraduhan ako ng pinto.

Dumiretso na kaagad ako sa bahay pagkatapos at nagpahinga. Tumunog nanaman ang phone ko kaya kaagad ko iyong tinignan. Ang akala ko ay si Selena nanaman. Katrabaho ko pala. Mukhang magiging busy ako sa buong linggo.

Naalala ko naman yoong dinner namin ni Selena. Mukhang hindi ko siya mapagbibigyan nitong linggo. Next week nalang siguro. Pihadong magtatampo 'yon. Dibale nalang, babawi nalang ako.

Sa pagod ay nakatulog ako. Nagising nalang ako nang mag-alarm ang cellphone ko. Kailangan ko nang pumasok.

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Hindi ko na nabibigyang pansin ang ibang taong nagpapadala saakin ng mensahe at isa na doon si Selena. I'm sorry...

After that week, I managed to read Selena's messages.

Selena:
Felix! Tjanks sa food!  Burgwr is soooo freaking good! Hahahaha.
1:00AM 4/10/20

Selena:
Row, row, roe you're boat!
Gently down the streammm!
Merruly, merrily, merrily, merriky
Kife is but a dreamm
18:19 4/10/20

Selena:
Kite, litten, kitty
The wund blows
Littke kitty meows
And kay down in a grass

Walang rhyme. I'm always bad a this!
8:00AM 4/11/20

Selena:
Tanpo nako sayo Fwlix!
13:00 4:11

Her last message was four days ago. Nagtampo na nga ata siya. Bahagya akong naguluhan sa huling text niya. He's here? Baka naman ang boyfriend niya ang tinutukoy niya?

Isinawalang bahala ko nalang yoon at naghanda para bumawi kay Selena. I feel bad for ignoring her message.

Nagbihis ako at bumili ng bulaklak para sa kaniya. I don't know what's wrong with me pero naakit ng isang puting rosas ang paningin ko.

"Excuse me? Pa arrange ng white rose." Sabi ko sa babae na nagaayos ng mga bulaklak.

"Sir, ano po ba ang ilalagay na family name? At para kanino po? " Tanong niya.

Napakunot ang ulo ko. "Para saan ang family name?"

"For condolence po. Diba po pinapa arrange niyo po?"

Nagulat ako. Ngayon ko lang narealize na nasa bilihan pala ako ng bulaklak para sa mga patay.

"U-Uhmm sorry hindi nalang..."

Nagmartsa ako paalis ng shop na namumutla. Ano bang nasa isip ko? Bakit ako pumunta doon? Napahilamos ako at kinalma ang sarili.

"Felix?"

Nag-angat ako ng ulo. Si Kate. Kaibigan din namin siya ni Selena pero hindi ako masyadong malapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito? For Selena?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Pang patay yan. Why would I give her that kind of flower?"

Mukhang nag-aalangan siya. "Uhh... Because she's dead?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "Pardon me? Mali yata ang pagkakadinig ko."

Napatakip siya sa bibig niya na animo gulat na gulat. "Y-You didn't know? She's dead. April 14. We found her floating in the river."

"I'm sorry I need to go." Nagmamadali akong umuwi.

Hindi pa rin ako makapaniwala. She's dead? She committed suicide? Why?

I doubt it. She's that kind of a person na sobrang takot mamatay. And then I realized. Those texts na nasend niya, some of them were random. May connection kaya iyon?

I started to do a research. Codes and cyphers. Sakto namang may nakita akong isang code na tugma sa mga typo niya.

You need to replace the wrong letters and put the right one. Collect them all and you'll solve the puzzle

Itinama ko isa-isa ang mga iyon at isinulat sa isang papel. Nanginig ako nang mabuo ko ang mga 'yon.

Help me.
He
Will
Kill
Me

Naalala ko din noong kunyari ay napuwing siya. She's asking me to help her. It's a morse code. SOS ang salitang ipinararating niya saakin. Tatlong mabibilis na pikit para sa "S" at mabagal para sa "O".

But who? Sino ang gumawa sa'yo nito sa kaniya? Damn it! Kasalanan ko to lahat! If I only figured this out before she was killed, baka naisalba ko pa siya.

Naghahanap ako ng mga code na pwede pang makatulong saakin. And then I saw the clock cypher. Bigla akong nagka idea na may koneksyon ang oras ng texts niya. Sinubukan kong idecode muli ang mga iyon.

And this is what I've got...

SEBASTIAN

One Shot Stories (creepy edition) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon