CHAPTER 2

1.2K 30 0
                                    

"Lyiane hindi ka parin sasama sa amin?" sabi ng kaibigan niyang si Katie sa kabilang linya nang tumawag ito sa kanya kinaumagahan.

"Girl, ayaw nga akong palabasin ni Dad." buntong hininga niyang sabi habang nakahiga at nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. "I'm stuck in here , as usual."

"Omg! It's school break! So sa bahay ka lang hanggang mag pasukan??"

"Hays ewan.."

"Girl, that is absolutely boring!" pagkatapos ay napatawa ito.

"But I found someone interesting in here" di maiwasang mapangiti ni Lyiane ng maalala si Reeve. Their new young and handsome gardener.

"Someone? Sino?" Curious na tanong ng kaibigan niya.

"Secret! Anyway, I'll end this call now. Ciao Girl. Mwaah"

"Hey wait! Tell me who is-"

Then she immediately end the call habang di parin maalis ang ngiti sa labi.

"I'll make sure my school vacation won't be boring at all" sabay hila ng kanyang unan at niyakap ito ng mahigpit.

ABALA si Reeve sa pagtitrim ng bermuda grass sa hardin dahil yun ang sunod na inutos ni aling Celing sa kanya. Tinuturuan naman siya nito kaya di naging mahirap ang kanyang trabaho. Maayos din ang pakikitungo nito sa kanya. Para narin itong tumatayo na pangalawang ina na niya.

"Reeve hijo, wag mong kalimutan maglinis pagkatapos ha. Siguraduhin mong malinis talaga bago mo iwan para di tayo mapagalitan ni Don Montecilio."

"Cge po aling Celing"

"O sya, iiwan muna kita dahil hindi pa ako nakapag agahan. Pumunta ka lng sa kusina kung nagugutom ka."

Tumango lamang siya habang nakapokus sa ginagawa. Kahit papano nagawa naman niyang ienjoy ang trabaho niya. Wala siyang ibang choice kundi ang tanggapin ang bagong buhay niya sa mansyon.

Napabuntong hininga si Reeve nang maalala na naman ang ina at ang kanyang babaeng kapatid. He miss them. Walang araw na hindi niya ito iniisip. Kaya naman sa gabi, nakikityempo siyang tawagan ang kapatid niyang babae para kumustahin ang kalagayan ng mga ito.

"Oh sorry it slipped."

Naputol ang kanyang pag iisip nang may biglang nahulog na junk food wrapper sa tagiliran niya kasabay ang pamilyar na boses. Nag angat siya ng mukha para tingnan ito.

"Ikaw nalang ang magtapon, total maglilinis ka rin naman pagkatapos" taas-kilay na sabi ng anak ni Don Montecilio na si Lyiane.

This time she's standing so close to him. Agad na napansin niya ang mestisang mukha nito at ang mala- porcelanang kutis, slender nose, red lips, ang natural na mahabang pilik mata nito and her hazel eyes na matiim na nakatitig sa kanya. Agad siyang nagbaba ng tingin at nagpatuloy ulit sa ginagawa. Tho he can't avoid how she smell so good and it's entering his nostrils sa tuwing na may dumadaan na hangin.

"Do you hear me??" mataray na tanong nito.

"Yes ma'am."

After a few seconds, padabog itong umalis na para bang may atraso siya dito. Napailing na lamang siya at sinimulan na ang paglilinis including the junk food wrapper na iniwan nito. For some reason, pakiramdam niya na sinadya talaga nitong itapon doon.

Pagkatapos maglinis ni Reeve sa hardin at nagpunta sa likod ng mansyon para doon magligpit ng gardening tools, narinig niya ang boses ni Aling Celing na tumatawag sa kanya kaya agad niya itong nilapitan.

"Ano po yun?" salubong niya dito ng makita agad ito.

"Hijo, bakit andaming basura sa garden? Saan galing ang mga yun? Naglinis ka na ba?"

"H-ho? Naglinis na ako e"

"Tingnan mo doon, ang daming basurang nakakalat. Linisin mo agad yun, baka may makakita lagot tayo. Naku!"

Agad na binalikan ni Reeve ang lugar na pinaglinisan niya at tama nga ang sinabi ni Aling Celing. Marami ang nakakalat na basura sa bermuda grass, mga empty wrappers ng kung anu-anong junkfoods at empty drinking bottles.

"Tang inang.." nahilot niya ang sentido habang pinagmamasdan ang kalat. Of course he knows kung sino ang gumawa nito. Hindi naman siya tanga para di malaman kung sino. Ang di niya mawari kung bakit ito ginagawa sa kanya.

Walang choice si Reeve kundi ang linisin ulit ang parte na iyun.

NANG sumapit ang gabi, pumanaog si Lyiane upang magtungo sa kusina at kumuha ng fresh milk sa refrigerator. Agad na napansin niya ang pagpasok ni Reeve sa maliit na kusina na para lamang sa mga katulong ng mansyon. Sinundan niya ito at sumilip kung may ibang tao ba sa loob. When she confirmed he is alone , diretso na siyang pumasok doon.

Bahagya lang itong nagtapon sa kanya ng tingin at naghugas ng kamay.

"Ganyan ka ba kawalang modo at di mo ako babatiin sa tuwing nakikita mo ako?"

Natigilan ito dahil sa sinabi niya at nagsalita "Magandang gabi Ma'am Lyiane." pero hindi man lang lumingon sa kanya.

Nabwebwesit na talaga siya sa lalaking ito, bakit ba parang ang pangit niya sa paningin nito at ayaw man lang siyang tingnan ng matagal.

"So ganyan ka bumabati sa inyo? Nakatalikod?!" mataray na singhal niya dito.

Sa pagkakataong yun, hinarap na siya nito at nakipagsukatan ng titig sa kanya.

"Pasensya na Ma'am Lyiane" sabi nito na walang ekspresyon sa mukha.

Napalunok si Lyiane habang nakatitig ng matagal dito, sa unang pagkakataon nakaramdam siya ng hiya at kaba at di niya alam kung bakit. But she likes it, cause finally he's looking at her!

"Bakit mo itinapon doon yung mga basura mo kaninang umaga?" basag nito sa katahimikan.

"Wha-What? Are you accusing me?" nauutal niyang sabi.

"May iba pa bang gagawa nun?" sabi nito na di inaalis ang titig sa kanya.

"Aba malay ko sayo! You didn't see me throwing those trash so don't accuse me. Plus, you have no right to do that. Isang alipin ka lang dito." mataray niyang sabi.

"I believe we also have our rights na magreklamo kahit katulong lang kami."

Napataas ang kilay niya ng marinig itong mag english. He's good at pronouncing words at di niya inaasahan yun.

"I didn't expect you know a little english" nang uuyam niyang sabi.

"May pinag aralan ako."

"Oh really? Nakagraduate ka na ba?" natatawang tanong niya dito.

Napansin niya ang pagtiim ng bagang at ang pagkunot ng noo nito dahil sa tanong niya. He's mad, she can feel it, and she enjoys it. She gave him a sweetest smile instead para ipakita ang kanyang pagkatuwa.

"I'm sorry for asking. I forgot na baon ang pamilya mo sa utang kaya ka pala nandito." But she's not really sorry. She just wanna piss him off.

Hindi na ito sumagot at nagbawi lamang ng tingin pagkatapos ay nilagpasan siya para lumabas na ng kusina.

She rolled her eyes and chuckled "Tsk. Pikon."

************ to be continued *************

Addicting Secret - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon